Рет қаралды 16,651
Himno ng Bayan ng Talavera
Sa Orihinalna panulat ni: Apet Cruz
Orihinal na Musika: Ezer Maducdoc
Nagsalansan ng Tinig: Dr. Soundz Studio
Mga Manga-awit:
Berso 1: Abbeygail Dela Cruz & Mark Allein Tolentino
Berso 2: Apet Cruz & Ezer Maducdoc
Berso 1:
Bayang itinatangi
Dangal ng ating lipi
Ang Duyan ng pangarap
Lupain ng pagsisikap
Kanlungan ng pangakong
Sabay tutuparin
Pagsilay ng umaga
Ang paraiso ay
magkasamang lakbayin!
Berso 2:
Sa gintong Kabukiran
Ay tanaw ang bagong bukas
Sa damdaming naga-alab
Nagliliwanag ang landas
Ang ihip ng mutyang hangin
Niyayakap ang lahat
At tila nagsasabing
Sa pugad mo'y
may giting at lakas!
Koro:
Talavera!
Talavera!
Ang Bayang may dangal
May pusong mapag-kalinga
Kabutihan ay taglay
Talavera!
Talavera!
Lupaing nagniningning
May ningas ang hangarin
Iangat ang Bandila ng Bayang
Talavera!