Ang "worship" o pagsamba ay pagpapahayag ng paghanga natin sa Dios dahil sa Kanyang mga ginawang kabutihan para sa ating lahat. Hangga't hindi magkaroon ng kapahayagan o revelation ang sinoman mula sa Banal na Esperitu tungkol sa mga kabutihan ng Dios at paniwalaan ang mga iyon, KAILANMAN walang sinoman sa atin ay totoong sumasamba o humahanga sa Dios. Ang pagsamba ay HINDI ang napakabuti mong ginagawa ng pagsamba mo sa Dios. Kailanman hindi mo mapahanga ang Dios sa sobrang galing mong sumamba sa Kanya. Ang lahat o anumang napakaganda at napakabuting ginagawa mo(umaawit, tumataas ng mga kamay sumasayaw, umiiyak, pananaghoy, napakalakas na pagsigaw o pagpalakpak) na nakikita tuwing ikaw ay sumasamba ay HINDI mo yan pagsamba o paghanga sa Dios. Yan ay pagpapahayag o bunga lang ng iyong pagsamba nagmumula sa iyong kaloob-looban. Ang tunay na pagsamba ay hindi anumang iyong mga ginagawa. Ito ay bilang ikaw na tunay na humahanga, sumasamba, dumadakila, at nakikipag-ugnayan sa iyong Dios na Lumikha dahil sa natanggap mong kapahayagan tungkol sa mga kabutihan Niya sa'yo na nakay Cristo Jesus at sinampalatayanan mo ang mga iyon. " Ang Diyos ay Espiritu at ang mga sumasamba sa kanya ay dapat siyang sambahin sa espiritu at sa katotohanan.” -Juan 4:24