Рет қаралды 3,212
#maglingkod
#devotion
#Serve
#biblestudy
#inspirational
DAILY DEVOTION
MONDAY TO FRIDAY
DAY 27
Text: Deuteronomio 11:13-15
[13]“Kaya nga, kung susundin lamang ninyo ang utos na sinasabi ko sa inyo ngayon: Ibigin ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh at paglingkuran nang buong puso't kaluluwa,
[14]sa tamang panahon ay pauulanin niya sa lupaing iyon, at magiging sagana kayo sa pagkain, inumin at langis.
[15]Pananatilihin niyang sariwa ang damo para sa inyong mga alagang hayop upang kayo'y sumagana sa lahat ng bagay.
Panimula:
May mga paglilingkod na akala natin tama, at nalulugud ang Diyos, subalit ang ating sarili lang pala ang nalulugod, natutuwa at napupuri...
Kailangan suriin natin at i chek kung tama ba ang ating paglilingkod, at kung may mali agad itong ayusin at huwag ipagpaliban...
Ngayon ang ating paguusapan ay:
Topic: HUWAG MAGLINGKOD SA DIYOS SA GUSTO MO LANG, DAPAT MAGLINGKOD KA SA GUSTO NIYA..
BAKIT?
I - DAHIL ANG TUNAY NA PAGLILINGKOD AY NAKABATAY SA GUSTO NG DIYOS.
[13]“Kaya nga, kung susundin lamang ninyo ang utos na sinasabi ko sa inyo ngayon: Ibigin ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh at paglingkuran nang buong puso't kaluluwa,
Ito ang gusto ng Diyos sa bayang israel, at maging sa church o mga christiano, na ang paglilingkod ay buong puso at kaluluwa..
Pag buong puso at kaluluwa, ang paglilingkod, dapat sasang ayun ito sa gusto ng Diyos, kasi maraming gusto ang Diyos sa paglilingkod natin sa kanya...
Gusto ng Diyos, Hindi pakitang tao, gusto niya huwag kang maglingkod sa iba na magiging karibal sa paglilingkod sa kanya, gusto niya nag sasakripisyo tayo para sa kanya, gusto niya number one siya, at gusto niya tunay tayong bago...
Mahirap maglingkod, na tayo lang rin pala ang masusunod, at hindi ang Diyos, mahirap maglingkod na wala parin palang pinagbago...
Para lang tayong nakikinig pero walang napakinggan, nagbabasa na walang nabasa, kilala si Jesus, pero parang hindi kilala....
Dapat kung ikaw talaga ay maglilingkod ng totoo sa kanya, sasabihin mo kay Lord:
1. Sa iyong biyaya Panginoon, handa na akong maglingkod at sumunod sa iyo
2. Susundin ko ang kalooban mo, kung ano ang aking napakinggan at nabasa, sisikapin kong mamuhay at sumunod dito...