( TAGALOG VERSION ) Isulat ko man Kanyang katangian Biyaya't pag-ibig na naranasan Hindi matatapos, di matatawaran Kanyang kabutihan sa sanlibutan Tayo'y pinagpala Sa bagyong nagdaan o sa darating man Hindi iniiwan, di pinababayaan Sya'y may laan sa'ting mga kaylangan Hindi Siya nagkulang magpakaylan pa man Tayo'y pinagpala KORO: Tayo'y pinagpala, walang pagdududa Ang Dios ay mabuti, sa bawat isa Hindi mabibilang Kan'yang kabutihan Kakayanan lamang S'yay pasalamatan Tayo ay magpuri sa Dios na mabuti Tayo'y pinagpala S'ya ang manggagamot sa 'ting karamdaman S'ya ang liwanag, sa kadiliman S'ya ang kagalakan sa 'ting kalungkutan S'ya ang lahat na ating kailangan Tayo'y pinagpala S'ya ay Panginoon na ating sandigan S'ya ang Dios na makapangyarihan S'ya na may-ari ng buong sanlibutan Siya rin si Hesus na ating kaibigan Tayo'y pinagpala ( ULITIN ANG KORO ) Siya ay mabuti, walang kasing buti Tayo'y pinagpala.
@RacquelBortanog3 жыл бұрын
Wow. Nice. Are you the composer of this tagalog version?