Рет қаралды 6,217
Iba Ka Sa Lahat
Roel Cortez
Kay rami ng pag-ibig
Ang aking nakilala
Naghahanap ng tunay
Na pagmamahal at ligaya
Akala ko ang puso ko
Ay mahihimbing na lamang
Ngunit ito'y ginising
Ng iyong pagmamahal
Iba ka sa lahat
Na aking nakilala
Iminulat mo ang isip ko
Sa ganda nitong mundo
Nakita mo ang lunas
Sa aking kalungkutan
Iba ka sa lahat
Iba ka kung magmahal
Hindi mo man sabihin
Ito'y aking nadarama
Pag-ibig mo'y sadyang wagas
Nasa 'yong mga mata
Kagandahan mong panlabas
Sa aki'y 'di mahalaga
Kagandahan ng puso mo
Ang aking nakikita
Iba ka sa lahat
Na aking nakilala
Iminulat mo ang isip ko
Sa ganda nitong mundo
Nakita mo ang lunas
Sa aking kalungkutan
Iba ka sa lahat
Iba ka kung magmahal
Iba ka sa lahat
Iba ka kung magmahal...
Artist: Roel Cortez
Song: Iba Ka Sa Lahat
Songwriters: Rey Gob / Emil Losenada