PapuRico Music: kzbin.info/door/dd1nSkmuLHI38aW9aS5v5Q To our loyal subscribers here, we are so pleased with your continued patronage and support to this channel. BUT right now, we are trying to promote a newly-started channel labeled PapuRico Music. Please consider subscribing to that channel too as we intend to fully publish ALL the songs that we have in store for you. Subscribe, Like, Comment, Share! God bless you!
@shepherdsheepbaptistchurch1543 Жыл бұрын
IBINIGAY NI KRISTO ANG SARILI NIYA (Tune: He Gave Himself) Noon pang simula, may plano na ang Diyos Upang tayo’y Kanyang makasama Ngunit naantala nang tao’y magkasala At ang sakripisyo ay kailangan na Si Kristo’y namatay doon sa Kalbaryo Para sa kasalanan ng tao ‘Pagkat banal ang Diyos at tayo’y mahal Niya Handog Niya ang dakilang biyaya KORO: Ibinigay ni Kristo ang sarili Niya; Siya’y namatay upang tayo ay mabuhay! Sadyang dapat sa’tin ang kapahamakan Ngunit inibig Niya tayong tunay Walang pagmamahal na mas dakila pa Sa pag-ibig ni Hesus para sa’tin Nung tayo’y kaaway Niya, sati’y di ‘pinagkait Ang habag Niya upang tayo’y lumapit KORO: Ibinigay ni Kristo ang sarili Niya; Siya’y namatay upang tayo ay mabuhay! Sadyang dapat sa’tin ang kapahamakan Ngunit inibig Niya tayong tunay CODA: Sa’kin nararapat ang paghihirap Niya Ang pako at putong, at ang krus Niyang dala Pati ang Diyos Ama’y pinabayaan Siya Ngunit nagtagumpay Siya para sa’ting sala KORO: Ibinigay ni Kristo ang sarili Niya; Siya’y namatay upang tayo ay mabuhay! Sadyang dapat sa’tin ang kapahamakan Ngunit inibig Niya tayong tunay Ngunit inibig Niya tayong tunay