Рет қаралды 2,343
#iancumabig #ikaydiwata #vivarecords
Ian Cumabig is a singer whose new song “Ika’y Diwata” is decked in R&B-tinged melodies and playful rhythms. And while “Diwata” translates to fairy, the Diwata in question here is someone who has got Ian Cumabig entranced with her earthly charms.
Composed by Christian Cumabig
Published by Viva Music Publishing, Inc.
Produced by Christian Cumabig
Arranged by Christian Cumabig
Recorded by Christian Cumabig
Mixed and Mastered by Lemon Traxx at 5th String Productions
LYRICS:
Ika'y isang diwata mula pa pagkabata
‘Di ako naniniwalang walang nagkandarapa sa iyong ganda
Ganda ng 'yong mga mata
Hiling ko kay Bathala ikaw ay itadhana
Sa katulad kong binata
Sa akin nababagay ang iyong ganda
Ganda ng 'yong mga mata
‘Di alam ang gagawin sa tuwing nasisilayan na kita
Ako'y nahihibang na yata ‘pag tumitingin ka na
Gusto ka na angkinin, saan man ‘to makarating
Basta para lang sa ‘yo lahat ay kaya kong gawin
Anghel kang bumaba sa lupa na sa akin laging gagabay
Perpektong hugis mong taglay walang makasabay
Ngiti mo sa ‘kin para na 'kong mahihimatay
Lahat ng gusto mo na bagay ay ibibigay
Ika'y laman ng isip hanggang sa panaginip
Sana ay lumapit, makasama ka ay langit
Hindi ko mapigilang mapaibig sa iyo
Sa ganda mong taglay ay para bang
Ika'y isang diwata mula pa pagkabata
‘Di ako naniniwalang walang nagkandarapa sa iyong ganda
Ganda ng 'yong mga mata
Hiling ko kay Bathala ikaw ay itadhana
Sa katulad kong binata
Sa akin nababagay ang iyong ganda
Ganda ng 'yong mga mata
Hindi mapakali ‘pag nakikita ka
Mundo ko ay tumitigil ‘pag nandyan ka
Wala naman akong masabe pag kausap ka
Naninigas mga panga
Hinding-hinding hinda na maghahanap pa
Ang tulad mo sa akin ay sapat na
Ikaw yung binibining gustong isama sa altar
Ika'y diwata, sa paningin ko ay ika'y nag-iisang
Isang dalaga na pu'pwede kong ipagyabang
Sa paningin nilang lahat ako'y nahihibang
Nabihag ng isang katulad mo na nilalang
Ihihiyaw, isisigaw ang tunay na pag-ibig
‘Di bibitaw, isasayaw, yayakapin ka ng bisig
Aking tatandaan ang 'yong mga galaw at tinig
Ako'y magsisilbing apoy sa tuwing ika'y nilalamig
Hindi ka na, hindi ka na mapupunta pa sa iba
Akin ka na, sa ‘kin ka na, akin ka lang pwede ba
Ang puso kong ito ay sa ‘yo na, sa ‘yo na
Sayonara na sa mga gustong manligaw pa
Ika'y isang diwata mula pa pagkabata
‘Di ako naniniwalang walang nagkandarapa sa iyong ganda
Ganda ng 'yong mga mata
Hiling ko kay Bathala ikaw ay itadhana
Sa katulad kong binata,
Sa akin nababagay ang iyong ganda,
Ganda ng 'yong mga mata
Ika'y isang diwata mula pa pagkabata
‘Di ako naniniwalang walang nagkandarapa sa iyong ganda
Ganda ng 'yong mga mata
Hiling ko kay Bathala ikaw ay itadhana
Sa katulad kong binata
Sa akin nababagay ang iyong ganda
Ganda ng 'yong mga mata
__________________________________________________
SUBSCRIBE for more exclusive videos: bit.ly/VivaRecordsYT
Follow us on:
Facebook: /
Instagram: /
Twitter: / viva_records
Tiktok: @viva_records
Spotify: VIVA RECORDS
Snapchat: Viva Records