Рет қаралды 372,383
Ilagak Ang Pag-asa Sa Biyayang Darating
Composition & Arrangement by Bro. Reniel Mariano
Vocals by Bro. Reden Mark Mariano feat. Sis. Denise Celestino & Singers from EDIFY
Minus 1 starts at 5:25
1
Di mo man sabihin, naiisip ko rin
Paano na ang buhay natin, kung pagkatapos ng problema, may problema pa rin?
Pero kung iisipin, di mo ba napapansin?
Tingnan mo ang kalagayan natin, sa dinami-rami ng problema, buhay pa rin
Pre-Refrain
Makita ang ngiti sa iyong mga labi
May Diyos tayo na handang tumulong sa atin
Refrain
Balikan mo ang iyong nakaraan
Lahat ng pinagdaanan
Diba’t lahat ng iyon, iyong nalampasan?
Dahilan sa ang ating Ama
Ang lagi mong tinatawagan
Siya lagi ang gumagawa ng paraan
Huwag na huwag mong kalilimutang maganda ang plano Niya sa atin
Kaya ilagak ang pag-asa sa biyayang darating
(Darating! Darating!)
Biyaya’y darating!
2
Talagang mahirap na at lalong hihirap pa
Ang mga lakbayin natin, ngunit di tayo nagtataka, at tayo ay handa na
May pangako sa ‘tin ang Ama bilang hinirang Niya,
Siya ang magbibigay-kasiyahan at papawiin ang kalungkutan,
At dadalhin tayo sa tunay nating tahanan
Bridge
Pag mabigat ang buhay at mahirap kayahin
Iyuko mo ang iyong ulo sa panalangin
Ang bagabag ay harapin
Tandaan, kung Siya ma’y gumagawang may kabagsikan
Gumagawa rin Siyang may kahabagan
Ang mga tinitipon Niyang tapat na pag-ibig ay napakalawak
Di Siya natutuwa sa iyong paghihirap
Chorus
Balikan mo ang iyong nakaraan
Lahat ng pinagdaanan
Diba’t lahat ng iyon, iyong nalampasan?
Dahilan sa ang ating Ama
Ang lagi mong tinatawagan
Siya lagi ang gumagawa ng paraan
Lagi mong isa-isip na malapit na malapit na ang kaligtasan natin
Kaya ilagak ang pag-asa sa biyayang darating
(Darating! Darating!)
Copyright © 2020 Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)
#INCOriginalMusic
#INCContemporaryMusic
#INCMusic
#INCSongs
#IglesiaNiCristo
#ChurchOfChrist
#ReligiousMusic
Chords
Verse
| E |||| C#m |||| A || B || E ||||
Pre Refrain
| B | C#m | B | C#m | B |
Refrain & Chorus
| E | B | C#m | E/G# | A | C#m | B || (2x)
| A | B | C#m | F#7 | F#m | B | E || A || C#m | B
Bridge
| A9 | E/G# | A9 | C#m - B | A9 | B |
| E | B | C#m | E/G# | A | C#m | B || (2x)