Рет қаралды 9,221
Imno sa Nuestra Señora de La Asunción
Inawit ng: Koro de La Asuncion
Sa saliw aat pagsasaayos ni: Joana Marie G. dela Peña
Titik ni: Mariano "Naning" P. Santos
Musika nina: Freddie Garcia & Michael Bulaong
Aming Inang Birhen, Mahal na Patrona
Ang moog ng aming pananampalataya
Kahilingan nami'y pinagpapala
Laging nagdudulot ng iyong kalinga.
Mahal naming Birhen, Inang Pinagpala
Mutyang pintakasi, ipanalangin mo kami,
Nuestra Señora de La Asunción.
O, Mahal na Ina, aming kinatawan
Sa tangi mong Anak, ika'y tagapamagitan.
Aming nadarama ang kapayapaan
Sa silong ng iyong banal na Simbahan.
Ikaw ang aming timbulan sa aming pagdulog
Na umaagapay sa tulong ng Diyos.
Aming kahilingan ipinagkaloob
Pagka't nang sa iyo'y matapat na handog.
#VivaAsuncion
#DSPNSDLA
#IugnayNatin