Рет қаралды 207,500
#TedFailonandDJChacha sa 105.9 True FM at True TV Channel 19
Hindi pa raw naibibigay sa Office of the House Speaker ang mga impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay House of Representatives Secretary General Reginald Velasco.
Aniya, may ilang mga kongresista ang nakiusap na huwag munang i-transmit ang naturang reklamo dahil pag-aaralan pa kung ie-endorso pa nila ito.
Bukod dito, sinabi niyang may nakiusap umano na huwag muna itong ibigay dahil mayroon pa raw maghahain ng panibagong complaint laban sa bise.
Panoorin ang naging buong panayam kay House SecGen. Velasco sa aming FB Page at KZbin channel ng News5Everywhere.