Ina ng batang may impeksyon sa pusod na mula sa Cuyo, Palawan | Palawan News

  Рет қаралды 153

Palawan News

Ай бұрын

PANOORIN || Ina ng batang may impeksyon sa pusod at lumala na, humihingi ng tulong
Walang pagsisisi si Maejane Fabillaran na piliing iuwi na lang ang anak sa kabila ng kalunos lunos na kalagayan nito dahil sa lumalang impeksyon sa pusod na nagsimula ilang araw matapos ipanganak niya ang bata.
Si Maejane, mula sa Tabunan, Suba, bitbit kasi ang may sakit na siyam na buwang gulang na anak sa ikatlong araw ng medical outreach ng Youth with a Mission (YWAM) sa Barangay Cabigsing, Cuyo.
Ang bata, kung titingnan, mukha lang isang buwang gulang. Payat na payat.
October 26 nang ipinanganak ito ni Maejane. Kinabukasan, agad silang nakalabas at umuwi sa kanilang bahay. Makalipas ang limang araw, labis ang kanyang pag-aalala dahil sa bigla na lamang itong nilagnat kaya nag desisyon silang dalhin ito sa ospital noong November 2, 2023, at doon napag-alamang impeksyon sa pusod ang dahilan ng karamdaman ng bata.
“Nilabas na lang namin siya kasi hindi naman daw siya magtatagal. Tinitingnan namin ang sitwasyon niya nahihirapan lang po siya, lalo na pag naka oxygen. Nanay ko na din ang nagsabi na ilabas na lang namin, kasi po imbis na gumaling siya para na din siyang mamatay doon sa loob ng hospital kasi di naman siya gumagaling,” kuwento ni Maejane.
Sinubukan nilang dalhin ang anak sa Puerto Princesa City dahil sa kakulangan ng kapasidad ng ospital sa Cuyo. Kasama ang kanyang tatay, na mayroong lamang dalang ₱4,000 na halaga ng pera, pumunta sila sa Ospital ng Palawan, ngunit pinayuhan silang dalhin ito sa espesyalista sa mga pribadong doktor at ibang ospital.
“[Sinabihan po nila ako na dalhin] sa private doctor, doon ko daw siya ipagamot kasi wala daw silang gamit, yun ang sabi. Nag-atras na lang po ako, wala kasi kaming pera noon... hindi namin ini-expect na itutulak kami sa private doctor," kuwento niya.
Ngunit sila Maejane, walang kakayahan kaya minabuting bumalik ng Cuyo at ipagpasa Diyos na lang ang kalagayan ng anak, at hintayin na lamang kung ano ang mangyayari sa anak.
Ang asawa ni Maejane ay nagtatrabaho bilang mangingisda sa isang fishing company na taunan kung umuwi sa kanila kaya't lubhang mahirap umano ang kanilang kalagayan.
"Ang hirap sa pakiramdam na araw araw ko siyang nakikita na ganyan, ang bigat bigat sa dibdib, pero lumalaban siya," dagdag niya.
Matapos na makita ng doktor ang sitwasyon ng bata, katulad ng mga naunang doktor na sumuri sa bata, pinayuhan siyang sa ngayon ay iparamdam ang yakap at pagmamahal niya sa kanyang anak dahil sa malala na nitong impeksyon na umabot na sa kanyang ulo.
Sa mga nanay na katulad ni Maejane, ano nga ba ang laban sa ganitong sitwasyon? - Arphil Ballarta
Maaaring magpaabot ng tulong para kay Maejane sa pamamagitan ng Palawan News GCash No. 0991 175 5006 (Mia Rose A.)
For breaking news and stories from the city of Puerto Princesa and the province of Palawan:
Stay updated by visiting palawan-news.com/
Like and follow our social media accounts
Facebook: PalawanNewsPage
Twitter: palawannews_
Instagram: palawannewsofficial
Tiktok: www.tiktok.com/@palawannews
#PalawanNews
#PalawanNewsbreak

Пікірлер
How it feels when u walk through first class
00:52
Adam W
Рет қаралды 21 МЛН
啊?就这么水灵灵的穿上了?
00:18
一航1
Рет қаралды 55 МЛН
Это было очень близко...
00:10
Аришнев
Рет қаралды 2,9 МЛН
How it feels when u walk through first class
00:52
Adam W
Рет қаралды 21 МЛН