Рет қаралды 29,636
TANDA NG PAG-IBIG NG AMA
1
Ang pag-ibig ng Ama
Ay ating damang-dama
Dahil naghalal Siya
Ng Pamamahala sa Iglesia
2
Sila ang gumagabay
Sa ating pamumuhay
Sila ang nagbabantay
Sa pananampalataya nating taglay
Refrain
Dahil sa laki ng kanilang pagmamahal sa
atin
Pati ang buhay nila ay ihahandog, kung
kakailanganin
Tunay nila tayong minamahal
Araw at gabi, sila ay nagpapagal
Nang tayo ay makarating sa Bayang Banal.
3
Ipangako natin sa Ama
Pasasakop tayo sa kanila
Hindi natin sasayangin
Pagmamalasakit nila sa atin
4
Sa Ama ay ating hilingin
Ang Pamamahala ay mahalin
Nawa ay patuloy silang samahan
At lagi silang ingatan
Coda
Tunay na minamahal natin sila
Hinding-hindi tayo lalaban sa kanila
Dahil sila’y tanda ng pag-ibig ng Ama
HAPPY 10TH ANNIVERSARY PO!!
Kapatid na EDUARDO V. MANALO
MAHAL NA MAHAL PO NAMIN KAYO!
#Happy10thDynamicLeadership
#TandaNgPagibigNgAma