Рет қаралды 698
Masasabi nating halos perpekto ang buhay ng pamilyang Castro. May bahay silang tinitirhan, pagkain sa hapagkainan, may sariling kompanya, kumpletong pamilya at masaya. Kapag may bakanteng oras sila ay ginagamit nila ito upang magbonding. At tuwing araw naman ng pagtupad, sama-sama silang tutungo sa kapilya, hawak ang kanilang uniporme, at magpapasalamat sa Ama. Ganiyan kaginhawa ang kanilang buhay. Ngunit dahil sa isang suliraning sumulpot, tila nagkawatak-watak ang pamilya. Malungkot ang mga mukha, abala sa kani-kaniyang problema, at wala nang oras para magsalo-salo sa hapagkainan. Sa kabila nito, nagpapasalamat sila sa Diyos dahil biniyaya sa kanila ang kanilang munting bunso na si Dahlia. Sa pamamagitan ng kaniyang mga munting paalala, pinalalakas niya ang loob ng bawat miyembro ng pamilya.
#INCinema2024
#ChristianFamilyOrganizations