Рет қаралды 1,972
Ang Intramuros ay isang kilalang lugar na sumasalamin sa mayamang kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Kaya naman patuloy ang pangangalaga at pagpapaganda dito ng Department of Tourism at ng ahensya ng Intramuros Administration.
Isa sa mga proyekto na inilunsad ng Intramuros Administration ay ang Strategy for the Inclusive Mainstreming of People’s Living Entitlements (SIMPLE) upang maisaayos ang rehabilitasyon at pagpapaganda ng Intramuros sa pamamagitan ng pagbuo ng relokasyon na komunidad para sa mga Informal Settlers na naninirahan sa loob ng Intramuros.
Kasama ang Social Housing Finance Corporation at iba’t ibang ahensya ay inihahandog ng SIMPLE PROGRAM ang INTRAMUROS COMMUNITY IN MORONG, RIZAL. Kung saan ang pangarap na magandang bahay at masaganang hanapbuhay para sa mga taga-Intramuros ay naghihintay.
Tunghayan natin ang kwento ng kinabukasan ni Nanay Marilou at Kuya Roger na mula sa Intramuros Homeowners Association.