Рет қаралды 91,420
Huwebes nang tayo'y magkasiyahan. Mga puso nati’y masayang nagtatawanan. Ating pagsaluhan ang espesyal na araw at kantahan kasama ang nag-iisang Asia's Songbird, Regine Velasquez. Sa boses niya na malambing at mataas, feeling mo idinuduyan ka sa alapaap.
Kung ito ay Tawag Ng Tanghalan, aba, may humamon sa kampeon. Alam n’yo naman, ‘pag biritan ang usapan, hindi aatrasan ni Jackie Gonzaga ‘yan. Tinuruan din ni Regine ang ‘Showtime’ family ng vocalization technique. At nasorpresa siya dahil kuhang-kuha ni Ryan Bang. Pero, Ms. Reg, gusto mo ba talagang marinig ang singing voice ni Ryan?
Teka, nandito si Regine pero wala si Ogie Alcasid. Nasa’n nga ba ang Lolo Geng Geng ng Sowtime family? At kung si Ogie ang Lolo Geng Geng, payag ba si Regine na maging Lola Geng Geng din?
“Pambansang Abs” kung tawagin si Jak Roberto. Napa-request tuloy si Bela Padilla. Jak, baka naman daw pwedeng pasilip ng abs!
Kung ang request mo naman ay wit, talent and beauty, sagot na ‘yan ng mga binibini na rumampa sa ‘Showtime Sexy Babe 2025.’ First to slay sa entablado si Sexy Babe Sharmaine na parang sunshine ang dating. She’s a fitness enthusiast and aspiring businesswoman and actress. Kaya sinubukan nina Vice Ganda, Jhong Hilario at Vhong Navarro ang acting skills ng Sexy Babe, at natupad pa ang pangarap nilang lahat na ma-direk ni Bela.
Pet lover naman si Sexy Babe Shaine na ipinagmalaki ang ‘ubod’ ng Bulacan. Ipinagmamalaki rin niya ang magandang relasyon niya sa kan’yang mga magulang. Napaisip tuloy sina Vice at Bela, kumusta nga ba ang relasyon ng mga makabagong kabataan sa mga kasama nila sa tahanan?
Kumustahin din ang SEXY AuthoriTEAM members na sina Chelsea Manalo at Chie Filomeno. Nagkakaturuan na kung sino ang dapat mag-prod sa Sabado!
Hindi maliwanag ang buwan pero may naglalaro ng tagu-taguan. Isang mystery celebrity singer na naman ang manlilinlang sa ‘Hide and Sing.’
This Thursday, ang TagaHula ay walang iba kundi si Inspirational Diva, Jamie Rivera. Inspiring din ba ang performance niya sa guess-sing? Sa Round 1 kung saan nag-perform ang tatlong TagoKanta as a group, naisip ni Jamie na
baka si Randy Santiago ang celebrity singer dahil sa kantang “Babaero.” Sabi niya, tunog-Randy sa boses; pero sa kilos, ekis.
Speaking of kilos, agad napansin ni Vice Ganda ang very swabe lang na tindig ni Singer 2 ‘pag kumakanta. Hindi man niya mabanggit ang pangalan, pero kilala raw ni Meme si TagoKanta 2 dahil sa boses nitong walang katulad, na mas lumitaw matapos awitin ang “I Just Can’t Smile Without You.”
After the solo performances, nahuli rin ni Jamie si TagoKanta 2, na walang iba kundi si OPM balladeer si Marco Sison.
#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment