Рет қаралды 77,664
Sabi sa horoscope, today is a happy day dahil sa good vibes na dala ng ‘Showtime’ family! Lucky star activated agad-agad dahil sa sunod-sunod na parangal na natanggap ng ‘Showtime’ family. Cheers sa bagong panalo nina Ogie Alcasid at ‘Showtime’ cutie Argus Aspiras!
Uy, may bagong laro na kaaaliwan ang ‘Showtime’ kids dahil kasali sila sa “HulaNino,” ang game kung saan magpapagalingan ang ‘Showtime’ family sa charades, pero ang twist, anino lang ng mga kakampi ang nakikita ng tagahula. Dalawang grupo ang naglaban for today’s video. Sa Group A, sina Ogie, Ryan Bang, Cianne Dominguez, Jugs Jugueta, Kulot, Jaze, at Imogen, with their leader Jhong Hilario. Si Vhong Navarro naman ang pinuno ng Group B, with Kim Chiu, Darren Espanto, Teddy Corpuz, Lassy, Argus, Kelsey and Stephen as his teammates.
Pabilisan at paramihan ng mahuhulaan ang dalawang grupo sa loob ng tatlong minuto. Ang category sa araw na ‘to: OPM songs. Naunang sumabak ang Group B ni Vhong, with Lassy as tagahula. Perfect na sana kung hindi lang nag-struggle si Lassy sa ika-limang kanta. Gano’n din ang kapalaran ng Group A kung saan si Jhong ang taya. Dahil parehong nakakuha ng 4 points and dalawang grupo, oras ang magiging basehan kung sino ang panalo.
First day pa lang pero matindi na ang puksaan! Ang grupo ni Jhong, umapela, sila raw ay dinaya. Totoo ba?
Dalawang binibini ang naghasik ng HOTness sa ‘Showtime Sexy Babe.’
Nakilala natin si AJ, na ang definition of sexy ay pagiging strong and determined. Feel na feel niya ang sexiness niya ‘pag suot ang uniporme bilang reservist. Pinag-iisipan pa ni AJ kung gusto ba niyang maging sundalo o bumbero. Pero, kung para kay Kuys Jhong, alam na ni AJ kung ano ang pipiliin. Oops! Mukhang pinagpawisan si Kuys Jhong na napa-shoutout na lang sa anak niyang si Sarina.
‘Pag nadapa, babangon, ‘yan ang sexy babe ng makabagong panahon. Ganyan si Jillian, isang theater actress at aspiring P-Pop girl group member. Passion din niya ang mag-participate sa annual senakulo sa lugar nila.
First time ni Jak Roberto na sumabak bilang ‘Sexy AuthoriTEAM’ at na-enjoy niya ang pagkilatis sa mga sexy binibinis. Napabanat pa nga siya ng swabeng pick-up line kay Sexy Babe Jill.
At dahil si Jak ang Pambansang Abs, nag-abang si Lassy ng sample! Pati si Jackie Gonzaga parang gusto rin maki-view, mukhang nagselos tuloy si Darren Espanto. Ang saya at ang gulo! Samantala, present din sina Chie Filomeno at Chelsea Manalo as hurados.
After 10 years, happy to be back sa “It’s Showtime” studio si Martin Del Rosario, na game sa panghuhula ng mystery celebrity singer sa ‘Hide and Sing.’
Nagkalituhan na naman dahil sa husay ng tatlong TagoKanta. Kahit sino sa kanila ay papasa bilang celebrity singer. Forda help naman ang ‘Showtime’ hosts na napaka-creative sa tanungan. Si Jackie Gonzaga, curious sa last sweet message na sinend ng tatlong TagoKanta. Nakatulong ba ‘yun, Jackie?
Matapos ang group performance sa Round 1, napansin ni Martin ang pang-artista na confidence ni TagoKanta 2. Pero, matapos ang solo performances sa Round 2, mas lumitaw ang timbre ng boses ng mga TagoKanta, at luminaw kay Martin na si TagoKanta 3 ay walang iba kundi si Dingdong Avanzado.
Good job, Martin! Pero kung meron mang agad-agad nakabuko kay Dingdong, ay, walang iba kundi si Ogie Alcasid na sa tagal ng kanilang pinagsamahan, na-memorize na niya ang kilos ng kaibigan.
#ItsShowtime
#ItsShowtimeFullEp
#ABSCBNEntertainment