Japan OFW story | Buhay ko sa Japan| Construction painter

  Рет қаралды 449,174

Noypi sa japan

Noypi sa japan

2 жыл бұрын

hi guys this is my life here in japan as construction painter..hope you will learned something from this video..just give you comment if you like the video..dont forget to subscribe..thank you☺️
#buhayjapan#ofwjapan
Music Credit
Relaxing- bensound
www.bensound.com

Пікірлер: 1 300
@rheaeleda1599
@rheaeleda1599 Жыл бұрын
Akoy ay dating OFW sa Japan.Tatlong taon ako bago nakauwi . Nagpapasalamat ako sa opportunity ito ibinigay na makapagtrabaho sa ibang bansa gaya ng Japan.Sakripisyo talagang malayo sa sa pamilya .kailangan ng tibay ng loob at syempre pray lagi kay lord na I keep safe tayo palagi.Seryoso at masipag sa trabaho ang Japanese ayaw nila ng tamad.Kung binigyan tayo ng pagkakataon pagbutihin natin nais ng ibang makarating pero wala naman pagkakataon hindi makapasa sa exam.Totoo kahit masama ang pakiramdam ko need pumasok .Totoo na pagnagkasakit ka ay walang mag alaga sa atin pero dinadamayan naman tayo ng ating kapwa pinoy.Walang sarap ang tagumpay kung walang hirap.Kung saan ka man sa mundo be the best version ng sarili mo.para sa pamilya.Tiis lang para sa pamilya.pagpalain ka ng Dyos at lahat ng OFW Pinoy.
@doloresyabut8406
@doloresyabut8406 Жыл бұрын
Saludo ako sa mga ofw's . I was an ofw back then. I work as dh severalbyears in a chinese families and a british couple in my 12yrs. I am so happy serving the families that i work and proud to say that I live in a modest life now in the philippines since i went home for good. I open a sari sari store and invested properties for renting out the units so that i have monthly income.
@zenaidasaplan1479
@zenaidasaplan1479 Жыл бұрын
D lang Japan Kuya, kanya kanya,,tatago Ang loob p,pasencia sa mga descrimination satin,wag lang pansin bagkus butihin mopa trabaho,,
@OfeliaForever
@OfeliaForever Жыл бұрын
Hindi Naman lahat ng hapon masipag tulad Ng kwento ni kuya vloger.
@rubenrosario3728
@rubenrosario3728 8 ай бұрын
​@@OfeliaForever Oo di naman lahat ng Japanese masipag pero karamihan naman sakanila is masipag at disiplinado lalo na sa trabaho , Oo sating mga Pinoy naman may masisipag pero mas madami naman ang Tamad kesa sa Masipag.
@ritchmotobasictips7953
@ritchmotobasictips7953 7 ай бұрын
Para sakin ay mga hapon gusto nila oras ng trabaho ay trabaho.wlang kwentuhan,quality ,productivitybawi n lng pagbreaktime at wlang pasok.xtrainee po.mURA ,JD at heniken.yayain mo s omise boss lodz
@bambiE163
@bambiE163 Жыл бұрын
Sana Nakita ito Ng mga pamilya sa pinas na Todo Todo maka pag waldas at pa sosyal. Dahil Hindi madali Ang kanilang pinagdaanan, kahit na Sabihin natin na para namn talaga sa pamilya Ang lahat Ng pinaghirapan nila. Huwag ganun tipid tipid din sana at isipin na bawat sintimo Ng gagastahin mo ay Yan Ang bawat patak Ng pawis at luha Ng paghihirap. Mabuhay kayo lahat Ng ofw. Sana maging matatag kayo at healthy palagi.
@benjamincanon2739
@benjamincanon2739 Жыл бұрын
Very well said, sana mapanood ng mga pamilya ng mga OFW para alam nila ang hirap sa paghanap ng pera at sana rin ay pahalagahan ang perang pinapadala sa kanila.
@arzahellcazanova7057
@arzahellcazanova7057 Жыл бұрын
Tapos araw araw mag painum ng redhorse nakaka ptnginà lang tlga... Tas pag tinamaan sila ng sakit, ikaw numero unong hihingian ng pang opera at pang pagamot + pagkain. Minsan mararamdaman mo nlng parang ang sarap mag hanap ng bagong pamilya 😭
@appteck850
@appteck850 Жыл бұрын
@@arzahellcazanova7057 Yan Ang mind set Ng mahirap bro mahirap mind set hindi pag papaunlad
@Otakimisu21
@Otakimisu21 11 ай бұрын
@@appteck850 kaya nga eh, kaya Tayo Hindi umunlad dahil sa mga ganyang toxic na pamilya
@estrellalocarinas9818
@estrellalocarinas9818 Жыл бұрын
Nagiiyak ako para sa Anak ko na Isang construction worker Jan sa Japan...Magpakatatag kayo at kumuha Ng lakas sa ating Panginoon HESUS..Siya lamang Ang magbibigay lakas at magpupuno Ng kalungkutan nyo ..Just keep the Faith... Balewala Ang lahat kapag Wala si HESUS sa buhay natin.. GOD BLESS Po...
@frodobagginshire2462
@frodobagginshire2462 Жыл бұрын
'maraming OFW ang di nakaka-survive dahil sa trabaho, kundi dahil sa mga ka-trabaho.' very true po,100%, super relate po ako dyan.
@mgm2500
@mgm2500 Жыл бұрын
Hundred one percent.
@angellizarda4084
@angellizarda4084 Жыл бұрын
⁹9[
@arzahellcazanova7057
@arzahellcazanova7057 Жыл бұрын
Mismo, pano ka nga naman mag survive kung yung ugali ng katrabaho mo e masahol sa baboy. 😂
@user-mf2gi8mm9y
@user-mf2gi8mm9y Жыл бұрын
Me too agreed, maraming kupal na co workers kung minsan, 👍👍👍👍👍
@CindysBisvlog
@CindysBisvlog Жыл бұрын
Ako din dito europe ,mhirp mgtrbhu pg pngit mga ktrbhu
@abelardojuliusdabu2547
@abelardojuliusdabu2547 Жыл бұрын
Mabuhay po kayong OFW sa bawat sulok ng Mundo...di biro ang sakripisyong ginagawa NYO...GOD BLESS YOU ALL....keep safe!!!!
@immortal2326
@immortal2326 Жыл бұрын
Galing ng editing mo skills at outline ng video mo. Well thought out. Para documentary. Pati yong script, pag voice over mo, yong mga shots mo ang galing. Parang professional videographer ang kumuha.Alam kong din ganoon kadali ang pag iisip at pagset -up. Galing !
@nakatsutv4929
@nakatsutv4929 Жыл бұрын
Salamat po
@kulas1501
@kulas1501 Жыл бұрын
feel you bro.. watching here in saitama..aircon installer ako..iba ibang lugar ang napuntahan ko, ang hirap lalo pag winter naninigas mga kamay ko, sa awa ng Dios natapos ko din training ko..pauwi na kami, NAPAKAHIRAP TALAGA MAGTRABAHO S JAPAN..KAYA TYAGA AT SIPAG AT DISKARTE LANG..nkabili na din ako ng bahay at kotse..magnenegosyo na ako s pinas.
@ssshheeesshhhhhhhhhhhhhhh.3062
@ssshheeesshhhhhhhhhhhhhhh.3062 Жыл бұрын
GUSTO MO MO MAKAKITA NG GANGSTA POLICE? uew ka dito sa pelepens
@cromwelllabrador3661
@cromwelllabrador3661 Жыл бұрын
@@ssshheeesshhhhhhhhhhhhhhh.3062 Pinagsasabi mo?
@kulas1501
@kulas1501 Жыл бұрын
@@ssshheeesshhhhhhhhhhhhhhh.3062 lakas ng tama mo burat...tugak manahimik ka dyan
@japanyousetsu735
@japanyousetsu735 Жыл бұрын
Wow buti ka nakabili ng kotse
@user-ku3hy4mo6l
@user-ku3hy4mo6l Жыл бұрын
I like this video. It shows that people should not be picky in the means they have to take for their own survival and dreams. I respect people like you who try their best at what they do, no matter how hard or how much painful the struggle is.
@nakatsutv4929
@nakatsutv4929 Жыл бұрын
Thank you
@sympathique506
@sympathique506 Жыл бұрын
Sobra kaming nakaka relay sa story mo! Kahit akong nasa pinas nakaka experience din ng discrimination. Ang nag bibigay lakas sa akin sa buhay ay ating Panginoon Diyos. Kaya lagi kang wag mawawalan ng pagasa! Kapag kasama mo ang Panginoon lahat makakaya mo. Kaya wag kang makakalimot tumawag sa Panginoon parati! Isasama ka rin namin sa aming mga dasal. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
@wilbertrodrigo8790
@wilbertrodrigo8790 Жыл бұрын
Lungkot kalaban nyo dyan nextag omise na kau pwro pau lang mag save ka kabayan dahil mahirap ang trabaho dyan. Pero mabait naman ang mga hPon dahil nag albayto din ako dyan US navy ako at yong double job ko ay taga lagay ng mga electric cable sa building. MalKi ang sahud kaya nakaipon agad ako
@marianyap7609
@marianyap7609 Жыл бұрын
​@@nakatsutv4929 PPP moo
@arwinstamaria3389
@arwinstamaria3389 Жыл бұрын
kahit nmn saan dako ng daigdig man si ofw eh hindi nmn nagkakalayo ng sitwasyon. depende nlng sa uri ng propesyon at work ethic ng isang ofw. at syrmpre dumayo tayo para mag sakripisyo para sa pamilya. mabuhay mga ofw. kayo ang tunay na bayani.😊🙏🏻🙌🏻💪
@loujane55
@loujane55 Жыл бұрын
Nagtrabaho din ako sa Tokyo during the early 90's for 5+ years, its true iba ang ugali ng mga hapon sa trabaho, there were times na sisigawan ka dahil di mo maintindihan ang sinasabi nila lalo na pag baguhan ka pa lang. Pero after 3 months or so and I learned to speak the language, I learned to answer back in a nice way though at doon nagsimula na irespeto nila ako. When I learned to read & write a little bit, yung sweldo ko ay katulad na ng sweldo ng mga hapon ganun din sa benefits like bonus & company vacations. Lesson: huwag mong hayaan na apakan ka nila in a way na sila na mismo ang mahiya sa iyo & yes trust is a big thing.
@linoalcantara3202
@linoalcantara3202 Жыл бұрын
Sana maging ganyan din lahat gaya mo.
@loujane55
@loujane55 Жыл бұрын
@@linoalcantara3202 ugali na kasi ng mga Hapon na manigaw kahit di naman dapat at pag hinayaan mo lang na ganunin ka everytime talagang masasanay sila na sigaw-sigawan ka but if you know how to stand up to their bullying in a nice way then they will tone down
@soilabelle
@soilabelle Жыл бұрын
I'm surprised, but not surprised when I think of the Death March.
@monsimonv.7600
@monsimonv.7600 Жыл бұрын
Sana mapanood ito ng mga taong may mga kaanak sa abroad para malaman nyo na ang pagiging OFW ay hinde biro at sa iba buwis buhay pa. Mga OFW ay mga totoong bayani ngunit ang masaklap ang tingin ng ibang ka pamilya ay ATM sila at pati na din sa ating gobyerno ginatagatasan pa. Bilyon dolyar ang remittance kada taon ni libreng kape sa pag dating mo wala, sisimangutan ka pa ng ibang kawani sa airport.
@elenitaampo5175
@elenitaampo5175 Жыл бұрын
Alam mo naiyak ako sa kwento mo kasi ramdam ko Ang hirap mo kasi ofw din anak ko kahit seaman sya alam ko mahirap Ang nasa malayo ingat kayo palagi dyan proud of you guys pray always be safe and God bless US ❤️🙏
@noelogawa1734
@noelogawa1734 Жыл бұрын
Totoo ang storyang ito. Narito rin ako sa japan nagtatrabaho, tagalinis ng eroplano dito sa haneda international airport. Pero ang pinakamahirap dito ay kapwa mo pilipino ang hihila sa'yo pababa. At maraming pilipino ang ugaling masama dito sa japan.
@jeremysy5467
@jeremysy5467 Жыл бұрын
Grabe naman yan.
@guarwinelislander199
@guarwinelislander199 Жыл бұрын
Ganyan ang Pilipino sa abroad, mas mabuti pa sila makisama sa ibang lahi kesa sa kapwa Pilipino. Masakit isipin bakit maraming Pilipino na pangit ang ugali.
@bisdakdakogaming184
@bisdakdakogaming184 Жыл бұрын
Ang sakit naman sa mga ugali Ng kapwa nating pinoy Grabe naman yan dapat marunong sila makisama hindi puro pangit ang ugali
@josephdegala5094
@josephdegala5094 Жыл бұрын
totoo yan kapwa mo pilipino hihila sayo papaba kahit saan sulok ng mundo kahit nga dito sa pilipinas kapwa mo pilipino sisiraan at sisiraan ka kaya ako nung nasa malaysia ako lumalaban ako sa kapwa ko pilipino basta nasa tama ka kasi kong mapapasindak ka sa kanila kakasanayan ka nila
@aureliopelen9548
@aureliopelen9548 Жыл бұрын
Totoo Yan kapwa pilipino Rin talaga kalaban mo SA abroad
@biohzard88
@biohzard88 Жыл бұрын
Lahat naman ng trabaho mahirap. Kaya enjoy mo lang at do your best on your abilities. Fight fair no short cuts on fulfilling your dreams. At pasyal pasyal din para di ma-toxic sa trabaho pag day off.
@rouge0449
@rouge0449 Жыл бұрын
Thanks for sharing. I just want to say that your work setup is far more advanced than the work set up in the Philippines, which makes the job more easier to execute. Long poles, rollers and a buckets of paint are still used to paint houses or buildings with scaffoldings only made from coco lumber and makes job dangerous for workers sometimes. Just my observation. Stay strong for your family.
@reizer05
@reizer05 Жыл бұрын
Yun don maganda advance gamit nila sa japan. Galing din akong construction job at yung mga gamit nmin risk ako napaapak p sa pako muntik p matetanus
@evasaberon5050
@evasaberon5050 Жыл бұрын
Wag mo clang craan galing din ako dyan almost 10yrs akong nag work dyn stress ka lng kc marami kang icipin .pero napaka sarap mgtrabaho dyn..sa totoo lng ung kapwa pilipino lng ang hindi magandang ka trabaho..
@fuzzy_wuzzy5224
@fuzzy_wuzzy5224 Жыл бұрын
Hi I'm a Lead Electrical Engineer working in Tokyo, So far i'm proud to say that i'm blessed working & supervising Japanese people, on top of that, i'm living with my family. On the other hand, it felt sad of how you guys are treated in your workplace. May God always guide you in your work & may you have peace all the time.
@karltolentino7344
@karltolentino7344 Жыл бұрын
Nice to hear po sir. Sir any tips po para magamit ko din pagiging eng ko sa Japan. IE po ako. thank you po. God bless po.
@braincrackz
@braincrackz Жыл бұрын
No need to tell about your position.its a common problem for all FILIPINOS in any country Boasting about their job title.
@fuzzy_wuzzy5224
@fuzzy_wuzzy5224 Жыл бұрын
@@braincrackz Not here to boast anything, my point is every person in Japan (not only in Japan) are placed in different situations where some people are blessed and some are still in the process.
@fuzzy_wuzzy5224
@fuzzy_wuzzy5224 Жыл бұрын
@@karltolentino7344 Hi it's possible to practice IE, you may want to consider to apply for an engineer role/or similar in an engineering industry so that the employer would get you an appropriate VISA (Engineer VISA), i think that is the starting point.
@braincrackz
@braincrackz Жыл бұрын
@@fuzzy_wuzzy5224 You can tell about hard life nothing wrong about it but boasting about telling people that your a manager or supervisor or engineer is a toxic culture for all FILIPINOS.Stop boasting no one is asking and nobody cares. Dont put yourself above anyone else by telling your an ENGINEER.
@makihitomo2624
@makihitomo2624 11 ай бұрын
Some Filipinos think that when you're employed in Japan everything's gonna work out fine but they didn't see the whole picture. You should be tough,alert and dedicated. Japanese workmanship is always in 101%.
@teresitac5413
@teresitac5413 Жыл бұрын
Not only in Japan , everywhere because there’s a discrimination habaan talaga natin ang pasensya at higit sa lahat magdasal at mag ingat palagi. 🙏🙏🙏
@esternakada2635
@esternakada2635 Жыл бұрын
ganyan po talaga,ang buhay ng ofw 30 years po ako sa japan halos di ko na nakikita ang aráw at buwan ng sumikat at lumubog..pero alam ko tama po sila kaya sila maunlad...
@Otakimisu21
@Otakimisu21 11 ай бұрын
@@esternakada2635 tama kaya Sila maunlad, dahil displinado Sila, sana maging ganto Tayo sa bansang japan
@jepoymatias5101
@jepoymatias5101 Жыл бұрын
God Bless You Kabayan! I work as a teacher here in Japan pero ramdam ko rin ang pagod. Ako lang mag isa sa work place ko. Child Care Staff, Cleaner, School Manager, School maintenance, Email, Phone Call, Lesson Plans, Communication with the management at parents. Marami pang responsibilities. Laban lang! Ingatan mo lagi ang sarili mo.
@gherdumigpi8462
@gherdumigpi8462 Жыл бұрын
totoo lahat ng sinabi mo kabayan,, mahirap magtrabaho kung ang mga kasama mo ay di marunong makisama,, three timer na ako dyan , ako lang ang pinoy ,,puro hapon ang mga kasama ko gumagawa kmi ng billboard signs sa taas ng mga building,, halos puro guemba o construction ang naging trabaho ko kaya pagkatapos ng trabaho naiiyak nalang ako sa pag iingat ng Dios sakin,, may ashtma din ako kada magpapalit ng panahon ay sinusumpong ako buti nalang mabait ang satcho ko dinadala nya ko sa clinic kelangan matibay ang loob mo sa lahat ng bagay,, may panalangin bawat sandali,, at may tiwala sa ating Dios
@trulyaqsau4675
@trulyaqsau4675 Жыл бұрын
As in po sir? All around po kau jan bilang teacher?
@rosalindagador7208
@rosalindagador7208 Жыл бұрын
Relate ako sa sinabi mo: pumapasok ng maaga,late umuwi; kung masipag at marunong ka iaasa sa yo lahat yung iba chill2x lang.Be strong kabayan although may oras at araw madedepress ka talaga
@rockscorpion
@rockscorpion Жыл бұрын
Galing din ako ng Saudi, naranasan ko tag-lamig duon kapag November, nakakainis ang sobrang lamig kahit walang yelo at hindi ka puwedeng gutom kasi lalo kang giginawin, lalo siguro sa Japan...ingat ka d'yan palagi kabayan, God bless!
@johnreyintia1482
@johnreyintia1482 Жыл бұрын
Sana maging malakas ka lagi mentally at physically.. Sobrang hirap ng sitwasyon nyo as OFW pero need talaga ng tyaga.. sana yung pamilya nyo dito sa pinas, maging wais sa pinaghihirapan nyo at magsikap din para makapag retire kayo ng maaga.
@yvonne2essence
@yvonne2essence Жыл бұрын
Mahirap talaga ang magtrabaho dito sa japan dahil mahigpit magpa trabaho ang mga japaneese.gusto nila mabilis pati ang kilos.kaya kailangan matatag at matibay ang loob mo.dahil kung hindi magkakaroon ka ng depression.almost 30 years na akong naninirahan dito kaya alam ko ang buhay dito malaki mga suweldo..mahal naman mga bilihin at maraming mga bayarin din.tyaga at sipag ang puhunan.pag medyo bata ka pa magsisikap ka talaga dito.pag tumanda ka na,dyan na naglilitawan ang mga sakit.yan talaga realidad ng buhay bilang ofw sa japan man o sa ibang bansa😢😔😔😔
@nushbush192
@nushbush192 Жыл бұрын
Thank you very much from the bottom of my heart. For me and for many other Filipinos, ofws like you are our heroes. Our country survive this pandemic partly because of the dollar remittances from ofws. Otherwise we will be like Sri Lanka. My prayers for you guys.
@richmondkro
@richmondkro 2 жыл бұрын
Nagbabalak ako maging Welder sa Japan, sa hirap ng buhay dito sa Pinas kailangan talaga mag sakripisyo, kailangan lumabas sa comfort zone. Nakaka-inspire ang story mo, saludo ako sayo! May mararating ang hard work mo, maabot mo rin yung mga pangarap mo!
@nakatsutv4929
@nakatsutv4929 2 жыл бұрын
salamat po
@jasnalifenet
@jasnalifenet Жыл бұрын
good luck mga kababayan punta ka sa amin pag working visa ka na sa campany na pinag ytatrabahoan ko
@adewgloprado5009
@adewgloprado5009 Жыл бұрын
Ilan taon kna?
@pincloyishmael2159
@pincloyishmael2159 Жыл бұрын
@@jasnalifenet ♥️♥️
@olokasamuka8245
@olokasamuka8245 Жыл бұрын
@@adewgloprado5009 Meron Ako welding nc2 19yrs old pwede ba Ako mag abroad?? May experience Ako 2yrs..
@glen6161
@glen6161 Жыл бұрын
Mga makabagong bayani ng Pilipinas. Saludo sa mga ofw!
@bheeeabiera8623
@bheeeabiera8623 Жыл бұрын
salute ka ofw.. ang galing ng documentary mo dyan sa japan... laban lng sa buhya
@Normanhitaas
@Normanhitaas Жыл бұрын
Full watch,relate ako sa work mo construction painter dito sa Saudi,tama yun lakas at tibay ng loob at sipag sa trabho.keep up a good work kabayan.
@stevecastillo1953
@stevecastillo1953 Жыл бұрын
Yes,,ganyan ang buhay sa Japan...saloob ng 15 taon na pamumuhay ko sa Japan.....sa kultura,,,sa trabaho at sa lahat ng bagay.....ay ibang klase ang Japan...
@genercallueng6940
@genercallueng6940 Жыл бұрын
Sa Middle East mas mahirap at malungkot lalo na kapag ang work location mo nasa gitna ng desyerto... kailangan lang ng lakas at tibay ng loob
@maridelmarasigan8414
@maridelmarasigan8414 Жыл бұрын
Kakalungkot na video,Tama ka realidad nga Ng pagiging ofw..salute sa yo..sa sakripisyo at tyaga para sa pangarap..
@diane6340
@diane6340 Жыл бұрын
Saludo po ako sa inyo at sa lahat ng mga.kabayan nating OFW sa tibay ng loob, tyaga at sakripisyo. Kapit lang po tayo sa Diyos lagi! Ang inyong mga pangarap at pamilya ang magsisilbing inspirasyon nyo sa araw araw. Lagi nyo nalang pong isipin na hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataong makapangibang bansa.Napaka palad nyo po! Ingat po. Iba po ang tibay ng puso ng Pinoy! God bless po!
@TribongAdarnaVlogs
@TribongAdarnaVlogs Жыл бұрын
Ganyan talaga buhay ng OFW hindi lang sa japan halos sa lahat naman ng bansa qng mag trabaho sa ibang bansa ay isang sakripisyo.
@aureliopelen9548
@aureliopelen9548 Жыл бұрын
Naranasan ko Rin ang buhay Japan from year 2006-2008 totoo mahirap trabaho Dyan pero dko inisip Yung hirap Ng trabaho itinanim ko SA isip ko Ito na Yung pagkakataon pra makaipon at maahon SA hirap ang Pamilya ko at upang mabigyan sila Ng maaayos na pamumuhay 1st 10 months ko sweldo nmin ay 6lapad Lang pero after nmin mag JITCO naging 13lapad na sweldo ko plus overtime sumasagot din ako Ng 19 lapad isang buwan kagandahan SA Amin libre food at accomodation at bus service papunta SA site swerte Lang talaga kmi SA company nmin na IHI SA ngayon nag nenegosyo nlang ako Salamat SA ATING Diyos dahil Yun ang naging stepping stone ko para Maka ipon Ng pera Pam capital kya SA asking MGA kababayan Dyan saan man bansa kayo mapunta lage nyo iisipin ang Pamilya nyo gaano man mahirap ang trabaho nyo makakayanan nyo Rin Yan para SA ATING MGA pangarap
@dondiorbillo3384
@dondiorbillo3384 Жыл бұрын
mgkano nman un 19 lapad?
@aureliopelen9548
@aureliopelen9548 Жыл бұрын
@@dondiorbillo3384 nung panahon nmin mataas palitan nun NASA 80k to 90k a month nmin
@marverzvideos
@marverzvideos Жыл бұрын
Hello. I used to be an OFW in Japan before. I felt blessed at that time having a nice workplace. Thank you by the way for sharing your video. It's an eye-opener for me. I felt sad about your experience in Japan. Hindi lang naman sa Japan nangyayari ang ganyang discrimination. Your video serve as inspiration na kahit mahirap ang trabaho o buhay, laban lang! Para sa pamilya at pangarap. Salamat, kabayan! God Bless you and your family.
@marjongerondio4015
@marjongerondio4015 2 жыл бұрын
Once na mag abroad ka or nag Japan ka dapat lakasan mo iyong loob mo ☺️☺️ salamat kuya ❤️. See you soon po kuya mag abroad po ako sa Japan ☺️☺️
@guarwinelislander199
@guarwinelislander199 Жыл бұрын
Patuloy lang sa pagdarasal, hingi ng tulong at awa sa Panginoong Diyos Jesus,ay makakayanan nyo din ang lahat ng hirap dyan mga kabayan. Stay strong and God Bless.
@kulupingerzi
@kulupingerzi Жыл бұрын
Keep God close so he'll strengthen and guide you in your life. God be with you brother 🙌💖💖💖
@jaypaba7173
@jaypaba7173 Жыл бұрын
Mabuhay kayo loads ! Iba ang tibay at pakisama lalo na ng pasinsxa !
@princesscruz7839
@princesscruz7839 Жыл бұрын
Salute sa mga OFW jan sa Japan. Lakasan mo lng ng loob. Mas kawawa pa yung mga nasa middle east countries nag wowork. Nanggaling din ako sa Middle East at nakita ko ung buhay ng mga construction workers doon. Jan maaus pa ung accomodation mo ung transpo mo at tahimik hindi kayo crowded sa trabaho. iba ang kwento sa Middle East. Ang accomodation doon halos tagpi tagping yero lng at ang palikuran common pa. sa transpo nmn bus na sira sira sarado pa bintana walang aircon siksikan ksama mga ibang lahi na di nmn kabangohan at sobrang init sa middle east 45 deg dun at 70 percent humidity nag tra2baho pa mga tao. maya't maya ang mga na he2at stroke dun. saksi ako dahil isa akong Nurse sa isang construction site.
@tarugo8736
@tarugo8736 Жыл бұрын
Kaya nga mam nkkaaawa mga ngwwork s construction sa middle east ibang iba tlg kumpra sa atin dhil s sobra init
@celedoniovasquez4917
@celedoniovasquez4917 Жыл бұрын
mas maginhawa at sa lahat ng bagay mas ok sa japan mag work.....
@princesscruz7839
@princesscruz7839 Жыл бұрын
parang wlang mga human rights mga tao dun especially mga arabo. parang mga kasangkapan lng mga tao sa kanila na pag na heatstroke me kapalit agad. madami na ako nasaksihan na umuuwi na nka sakay nlng sa kahon. 2 sa naging kaibigan ko ang inatake sa puso dahil sa init. tuwing nka2 encounter ako ng kabayan natin na construction worker duon na nagagawi sa aking clinic ay sinasabihan ko nlng na umuwi ng pinas. pero ang nangyayari pala ay baon cla sa utang sa pinas dahil nagbabayad sila ng malaking placement fee sa mga agency d2 sa pinas. dapat gov-gov nlng ang hiring kesa dinadaan pa sa mga agency wala din nmn tulong mga agency pag nagka problema.
@bertudazoabhong
@bertudazoabhong Жыл бұрын
galing ako sa middle east,mainit at ang accomodation namin marumi
@bryancomesario3601
@bryancomesario3601 Жыл бұрын
Tama lods dibali mag sacrifice para sa family para sa kanila
@baltazarpetate2312
@baltazarpetate2312 Жыл бұрын
Naka relate ako sa kwento mo sa trabaho sa Japan.Nakapagtrabaho rin kame ng asawa ko dyan sa Toyama Prefecture last 2008.Mahirap talaga magtrabaho sa abroad.All around ang buhay OFW.
@marianobalagtasjr.5498
@marianobalagtasjr.5498 Жыл бұрын
Nagwork din ako. Sa japan sa. Ibaraki ken pero. Ok lang sanayan lang saka depende. Sa. Amo. Sguro pag natapat ka sa. Mabaiut swerte mo. Kapag. Loko. Malas. Mo. Puro bakero. Maririning mo. Lalo. Pa. Mabagal. Ka gumalaw pag oras nang trabaho di. Pwede. Placing ka. Mura aabutin mo. Maririnig. Mo. Katagang kunero.
@reynaldomcrisostomo9655
@reynaldomcrisostomo9655 Жыл бұрын
Late 80's to 90's ofw din ako kya relate ko nransan mo , dto nako sa pinas nagretired ng trbaho senior na ko ngayon , maswerte ka nga sa dami ng nangarap mg ofw isa ka sa pinalad dto sa pinas ganyan din ang sistema mga kapwa natin pinoy magulang din sa trbaho mababa pa ang sahod
@ChrisToph0729
@ChrisToph0729 Жыл бұрын
Correct.. sa ibang bansa tanggap mo pa kasi ibang lahi eh.. dito satin sariling kababayan mas malala pa..
@marias.alvarez4193
@marias.alvarez4193 Жыл бұрын
I'm proud of you brother of you being deligent in your job just pray the Lord will bless you more be patient n humble our Lord knows your heart n your good purpose being self reliant n honest worker where ever you maybe God bless you more
@renatocaparas7443
@renatocaparas7443 Жыл бұрын
When I was working in a Japanese clubs fr 1993-1997_ I became their favorite worker as all around boy and waiter. I was observed 1night only then I was hired. They terminate the Iranian working w them in so many years. They were surprised that Filipinoes are skilled and hard working by me. All Iranians were removed and replaced by Pinoys. Our club is a chain in Nagoya area. Our bosses even entrusted me of our club keys, cash register key, marketing, money etc. And that's right be serious and persevere especially in Japan. They work and move so fast. They hate slow movements. But we can beat them working so hard. Some of my Japanese coworkers envied me for being favorite and trusted vs their fellow Japanese. And I didn't have visa those years(1992-97) because I ran away in 1992 after my 3 months visa was extended to 7 months. I entered Japan on July 25, 1992 and I exited in Sept 6, 1997. Sayonara, domo arigatou gozaimashita! Ja ne.
@janneldepuyat1359
@janneldepuyat1359 Жыл бұрын
Hi sir ano napo ang work niyo ngayon? Anong bansa napo kayo ngayon abroad?
@AngelMaeGegare-kw8tq
@AngelMaeGegare-kw8tq 5 ай бұрын
Japan ofw here, 20 years old, pioneering, weaving machine operator ang trabaho ko. Na select ako ng 19 years old, oo kailangan talagang taasan ang pasensya at i-enjoy lang ang trabaho. Wag mong ipapakita sa mga japanese na napapagod ka. Kahit na alam mo na pagod kana, smile kalang at wag mong ipapahalata. Kahit na alam mo na ang trabaho, magpaturo ka parin at ipakita mo ang pagiging pinoy mo. Pakisamahan mo sila, lalo na't nag iisa ka lang. Pakita mo best mo para madagdagan kayo. Nagpapasalamat ako't sobrang bait nila sakin, simula sa shachou at mga senpai kong nihon jin at cambodia jin. Sobrang nagpapasalamat ako sa panginoon na dito ako nabibilang sa kanila. Oo Maganda at malaki pasahod ng japan, pero di mo makukuha at makikita yun kung tamad ka. Sipag lang talaga at lakas ng loob ang kailangan dito. Kaya natin to, lakas ng pinoy para sa puso ng japan. Laban lang parati para sa pangarap. Di lang sa mga japan OFW, kundi sa lahat ng mga pinoy na nag tatrabaho sa ibang bansa. KAYA NATIN TO! 💪
@benjaminfrancisgonzales8431
@benjaminfrancisgonzales8431 2 жыл бұрын
Don't give up. This is disadvantage of working in a foreign country but the alternative is nothing if you stayed in the Philippine. At least, Japan is offering opportunity to earn a living sustain yourself and family in the Phil. Keep searching while at Japan for better opportunity. Good luck ..
@nakatsutv4929
@nakatsutv4929 2 жыл бұрын
tnk u..nakahanap na po ako ng magandang opportunity po ngaun🙂ssw na po🙂
@robarbaynosa2353
@robarbaynosa2353 Жыл бұрын
Tanong lang po. Ano po ba Ang visa nu pagpunta dyan at trainee Ang status nu? Cguro di nman working visa Ang inaaplayan mo sa Japan kaya ganyang status mo?
@oriclin
@oriclin Жыл бұрын
Gaganda din buhay natin sa Pilipinas kung hindi man sa henerasyon natin ay sa henerasyon ng mga anak natin.
@PinoyinKSA
@PinoyinKSA Жыл бұрын
New Subscriber here from Saudi. Isang OFW din. Napapaluha ako sa video mo kasi "Eto yunng talagang tunay na kalagayan at nangyayare sa isang OFW, hindi yung mga nakikita nila sa ating mga picture na nakapost at video na masaya tayo, nakangiti kasama mga kaibigan, behind that eto yung totoong ofw life story> Saludo ako kabayan sa vlog mo, marami akong napapanood at isana ako dun na nag vlog a all about happy life ng OFW isang part lang ng buhay naten. Ang galing ng story telling - nakaka inspire.
@honestoiiangeles3636
@honestoiiangeles3636 Жыл бұрын
I worked 23 years in takadanobaba tokyo japan I had the life the best boss super kind mga japanese Proud to say I'm a japayuki once in my life
@ktjkitchen0528
@ktjkitchen0528 Жыл бұрын
Thank you for sharing host s napakagndang pagbahagi ng buhay OFW n katulad natin. Keep safe and Godbless kabayan
@JoRedVogJapan
@JoRedVogJapan Жыл бұрын
agree ako sa sinabi mo kc 25yrs nko dto sa japan kaya alam ko ang karanasan mo bilang ofw dto sa japan. 😭 pero laban lang tau kapatid God will always be there to give is wisdom and strength.
@CindysBisvlog
@CindysBisvlog Жыл бұрын
Buti nkaya po nyo diyan maam , ako mag 3years na dito sa europe ayaw ko na
@davao6824
@davao6824 Жыл бұрын
Dito sa company namin, masisipag nman ang mga hapon. Yun nga lng gusto nila sabayan mo din bilis nila. Lugi ka nga lng kasi layo ng agwat ng sahod niyo. Tapos ang isa pa sa pinakamahirap mainitin mga ulo nila maliit na problima sigaw at mura na kaagad! Lalo na kung di mo naintindihan ang inutos nila, lintik na mura aabutin mo. Dadamdamin mo hanggang pag uwi mo sa apartment, at hanggang sa inuman namin mga pinoy, mga sama ng loob na lng sa mga hapon ang napag uusapan. Kaya sana yung mga nasa pinas wag niyo isipin na yung mga nag Jajapan ay masarap ang buhay dito.
@antonicioco3141
@antonicioco3141 8 ай бұрын
Akala KO talaga ako Lang nakakaranas nito
@rhonaseo6017
@rhonaseo6017 Жыл бұрын
Same lang din dito sa S.Korea, dapat pabilisan ang trabaho, meron mga Koreans mga tamad din pro hindi lahat, lagi kc kasama mga Supervisor at Boss... Hindi nila hinahayaan mga ofw lang mag work baka kc magkamali... The good thing's lang dito, may human rights para sa mga OFW pwede mag reklamo sa Labor kung ayaw na sa work or Company... Pantay ang sahod with bonus pa.. Free meals ,Dormitory .Salute sa inyo Kabayan..Fighting lang.. GOD bless
@analogworld7
@analogworld7 Жыл бұрын
Thank you for sharing your story, I love Japan, but by watching at your video, it changed some of my perspective in Japan. Keep safe always.
@funtanillaarjay600
@funtanillaarjay600 2 жыл бұрын
Sobrang nainspired ako Dito sa vid na ito, Sana kahit mahirap makarating din ako dito. Anyways, God Bless Sir, Keep going lang. Soon magpay off din lahat ng sacrifices nyo ✊
@nakatsutv4929
@nakatsutv4929 2 жыл бұрын
Salamat po..tiwala lang idol mkkpunta ka din dito
@glendelllimpin6108
@glendelllimpin6108 Жыл бұрын
all the best sa inyo jan bro..laban lng satin sa buhay OFW
@FunnyManong
@FunnyManong Жыл бұрын
Grabe din pala mga ugali ng mga japanese kapag sa trabaho na pinag uusapan,salute sanyo mga kabayan,ganyan tayo mga Filipino matiyaga at matiisin,proud of you
@Jeydee20
@Jeydee20 Жыл бұрын
Your experience is different than ours we are from Toyama but we are fortunate. Japanese treat us well anyway thank you for sharing this video.
@eduardodano7315
@eduardodano7315 Жыл бұрын
It also depend upon the nature and the level of your works ,thats true if its time for work you really have to focus on your work no waste of time time is gold for them and you have stop when its offhour because of highcost of overtime pay ...
@almalo7773
@almalo7773 Жыл бұрын
saludo ako sayo kabayan 🤟 kaya sa mga pamilya ng bawat ofw pahalagahan po ang bawat perang ipinapadala sa inyo. more power and reach your dreams bro 🙂
@rosiebianes5774
@rosiebianes5774 Жыл бұрын
I feel like crying watching this blog to see how we Pilipinos getting exploited in this country. I hope your family appreciate the money you send to them 🙏.
@pasensyoso6035
@pasensyoso6035 Жыл бұрын
relate ko ito nag work ako sa japan before ,more than 10years😞mas mabigat jan ang trabaho namin.😞
@lebronjay6473
@lebronjay6473 Жыл бұрын
usually sa mga trainees may nangyayaring pag abuso, pero kung working visa ka it's a different story.. saludo sa mga kapwa pinoy na matiisin para sa pamilya. I felt blessed nung napanood ko video mo kasi swerte pala ako for working just 3hrs a day and paid equivalent to 3 full time trainees, at nakuha ko din asawa at 3 anak ko magkakasama na kmi dito sa japan
@dangrahman9242
@dangrahman9242 Жыл бұрын
Hi po ilang years bgo ka pde mag petition ng fam. mo sa Japan?
@gavroche24
@gavroche24 Жыл бұрын
Alam ko napakahirap mag trabaho sa Japan dahin sila ang may pinaka mataas n work ethic. They demand so much from thier employees. Pero ang masasabi ko dyan kuya ay mahirap din mag trabaho sa pinas. 3 oras ang byahe papunta opisina, ganun din pa uwi, ksama n dyan ang 1 o 2 oras n pag aantay ng bus at jeep.Nakatapos ako ng college at nag trabaho s opisina. Ang boss namin demanding din, lagi naka mura at namamahiya s konting pagkakamali. Sa meeting, namumukol pa nga ng bote ng soft drinks at cell phone. Yan ay normal sa napaka liit na sahod. Di naman kami makaalis dahil ang hirap humanap ang trabaho at sa hirap ng buhay di mo magawang mawalan ng trabaho kahit isang linggo. Ang trabaho ko ay sa advertising department, normal ang papuntahin kami sa ibat ibang planta sa luzon para sa pictoria. Walang pasasakyan, bawal mag taxi at tricycle, di kasama sa binibigay na pamasahe sa amin. Kung may bagyo, walang paki ang boss namin, languyin ang baha, wla magagawa. Pag production ng ad, gaya ng flyer, papupuntahin kami sa sqatters para humakot ng mga bata n taga tupi ng flyer. Tinapay lang ang pakain sa kanila at P70 lng ang bayad sa kanila mag hapon. Maiiyak ka n lng kasi wla k din mapakain sa mga bata. Isa lng yan sa madaming kwento ng kahirapan ng trabaho dito sa pinas. Nakatapos pa ako at officer na din naman ang posisyon ko. Pano pa kaya ang mga construction worker n napakaliit ng sahod na wla na halos maiuwi sa pamilya. At kahit anong sipag mo, hindi tataas ang sweldo mo para guminhawa ka. Hindi ko nilalahat pero, para ka kumita, magnanakaw k, yan ang choice ng mga nagtatrabaho dito sa pinas. At least dyan pag nag sipag ka, may pag asa ka, dito hindi ganyan. Mahirap dyan, oo, pero mas mahirap dito kasi lugmok ka sa kahirapan kahit mag pakamatay ka sa trabaho.
@justinecarl9922
@justinecarl9922 Жыл бұрын
makes sense brotherrr
@ken-rick9025
@ken-rick9025 Жыл бұрын
God bless po. Stay strong & healthy ❣️
@axl717
@axl717 Жыл бұрын
Tama
@axl717
@axl717 Жыл бұрын
Tama
@jayjonah888
@jayjonah888 Жыл бұрын
Ayun mag Japan ka na rin at mag pintor.....
@buenaventurasalazar1472
@buenaventurasalazar1472 Жыл бұрын
Tàma lahat ang kwento mo tungkol sa Buhay at trabaho kaibigan, dati rin akong trainee ng Showa Kogyo Co. Sa Tokyo noong 1991. Mabilis kana ngang magtrabaho sasabihan Kapa ng osoi anata! (Makupad Kà sa trabaho)
@arnelmontalbo2693
@arnelmontalbo2693 Жыл бұрын
6 years aq nag carpenter sa Yokohama mahirap na masarap..tiyaga lang talaga..sa movie di pede walamg kontrabida, un ang realidad..nasanay aq na lamig kaya ok lang
@mr.n00b43
@mr.n00b43 Жыл бұрын
Lods ok lang. ba wlang experience..mg apply pra sa carpenter sa Japan ..plano ko rin Kase mg abroad..pa share po Ng experience salamat hehe
@luzvimindasandiego560
@luzvimindasandiego560 Жыл бұрын
Laban lang kuya para sa family mo god bless you naka relate ako sayo noong nandyan ako sa japan .
@alfredodatol1934
@alfredodatol1934 Жыл бұрын
Naranasan ko din hirap jan sa Japan nag pre press kami ng mga rubber at metal sobrang hazard ng work pero katagalan nakakasanayan din naman yan kaya salute sa mga ofws around the 🌎
@denlar08
@denlar08 Жыл бұрын
Laban lang KABAYAN para sa mga PANGARAP mo, hanga ako sa KATATAGAN mo kuya. JAPAN ang bansang gusto ko marating balang araw.
@milorvillemulita3546
@milorvillemulita3546 Жыл бұрын
Ingat po kayo palagi jan God Bless You Always
@cyrillemahilum402
@cyrillemahilum402 Жыл бұрын
Senpai same here painter din ako sa japan toyohashi aichi japan. Same tayo ng sitwasyon ganyan n ganyan din mga nararamdaman namin at exp dito sa japan. Kailangan mahaba tlga pasensya ntin kahit iba ugali nila. Yan ang realidad dito sa japan.
@esmakise
@esmakise Жыл бұрын
Salute to you kabayan! God Bless always.
@anythinggoes8672
@anythinggoes8672 Жыл бұрын
Kabayan thank you for sharing your story nakarelate ako at isa din ako ofw laban lang tayo hanggang may buhay may pag asa
@caynofamtv6179
@caynofamtv6179 Жыл бұрын
Laban lang kabayan galing din aq dyn 3years mahirap talaga pero sa awa ng Mahal na Ama natapos q at masasabi kong tagumpay..Lagi lang tayo Magdasal kapag tau ay nanghihina xa lang ang bukod tangi makakatulong s atin☝️..Para sa Pamilya at Pangarap Fight lang!👊👊👊..Godbless Kabayan
@hajarpaul5258
@hajarpaul5258 Жыл бұрын
Kahit saang Lugar ka mag wowork normally Di naman pwedeng ang nakkaataas sayo ay pareho kayo ng work assignment...Good thing pa rin mag work dyan kasi well compensated ka,, dito sa sarili mong bayan ang sasahurin mo sa isang buwan halos 3 to 5 days mo lang pagtatrabahuin dyan. Pagdating sa bigat ng trabaho the same thing din dito. Sasahurin mo sa isang taon dyan dito sa Pilipinas 10 yrs. mong trabhuim bago mo kitain dito ang masaklap pa sa mga construction workers dito karamihan walang insurance or sss o philhealth man lang.. Pagdating sa pag kilos ma's mainam n ayon mabilis kang kumilos kaysa papagong pagong tayo kaya tingnan natin ang Japan Kung gaano sya kaunlad.. Maliit na bansa pero dahil sa kanilang kasipagan tinalo pa nila tayo and yet napakayamang bansa ang Pilipinas...
@user-wq8zo1qc4l
@user-wq8zo1qc4l Жыл бұрын
maraming maraming salamat po pagtatrabaho sa Japan dahil walang kabataan ng manggagawa at saka bukod anuman paki na ng panatilihin ang kaligtasan
@mistsee9127
@mistsee9127 Жыл бұрын
OMG! WHAT a risk job only can support is to PRAY ⛪ may wish u a good health and safe and I pray for u always, 🙏
@kapitantolits3935
@kapitantolits3935 Жыл бұрын
nice video,,, it's reality,,, god bless idol
@NEOSCISSORSJAGUARPRIME
@NEOSCISSORSJAGUARPRIME Жыл бұрын
UR RIGHT SIR, EVEN KAROSHI HAPPENS TO JAPANESE EMPLOYEES TOO
@fromdarknessintomarvelousl3379
@fromdarknessintomarvelousl3379 2 жыл бұрын
Ingat lagi jan mga kabayan, ofw rin ako magpakatatag lang lagi kayo at ang mahalaga ay maacomplish nyo yun mga goals nyo sa Pinas kahit anong mangyari, at wag maxado mag focus sa mga negatibo, Experience lang yan na lalong Magpapatatag satin👌 "Makakamit nyo rin yung mga inaasam nyo kapalit ng sakripisyo nyo ngaun" at lalo wag makakalimot sa☝️itaas.
@nakatsutv4929
@nakatsutv4929 2 жыл бұрын
Salamat idol.Godbless
@fromdarknessintomarvelousl3379
@fromdarknessintomarvelousl3379 2 жыл бұрын
Walang anuman kabayan👌
@johannesangelorondael4554
@johannesangelorondael4554 24 күн бұрын
Kung kinaya nga namen dapat kaya mo din hits different kudos kabayan palagi kayong magiingat jan .
@ChukuchukTV
@ChukuchukTV Жыл бұрын
Buti pwede kang mag vlog jan. Grabe salute sa inyo. 👍
@josephineacolicol1990
@josephineacolicol1990 Жыл бұрын
You are still blessed because you are healthy, you have a job & you are not homeless. Marami kayang japanese sa park nakatira homeless. Be thankful of what you have.. kahit dito ka sa Philippines marami walang makain.. I used to work in a Japanese company in Cebu.. very strict at organized sila. I feel lucky to have a Japanese boss to trained me. Kaya dapat mag tipid wag gastos na walang kwenta .. sana sabihan mo family nyo sa hirap nyo.. kasi mga family ng ofw here sa Philippines feeling nila namumulot kayo ng pera at entitled sila mag waldas. Hayyy ... God bless you!
@karenyoshikawa9173
@karenyoshikawa9173 Жыл бұрын
Tama ka maraming homeless lalo dito sa Tokyo..mga walang trabaho kawawa..mas mabuti Kayo mga ofw sa japan kumikita at maayos ang kalagayan hindi kayo inaapi..di tulad sa ibang bansa na inaapi talaga ang mga pinoy..good luck at palaging mag-ingat &pray 🙏
@ver9210
@ver9210 Жыл бұрын
Hirap talaga maging ofw. Hindi lang sa Japan kahit saan bansa ka man. Sakripisyo talaga. Lalo na pag sobrang higpit ang amo. Kya relate ako sa story a mo. Salute sayo sir. Syempre Usama mo na klima ng panahon . Keep safe palgi. Best wishes for you. For better future. God bless
@RhennMakeupArtistry
@RhennMakeupArtistry Жыл бұрын
Saludo ako sayo kuya kc pinakita mo ang realidad ng buhay sa japan hindi lng eto nangyayari sa japan sa ibat ibang bansa rin para malaman ng mga kababayan natin kc akala nila napakasarap ng buhay ng isang OFW tuloy akala nila pinupulot lng ang pera sa ibang bansa ,
@edmerhetrosa3185
@edmerhetrosa3185 Жыл бұрын
Npgdaanan q na rin yan pro Laban lng mga ka ofw yan ung buhay natin pra sa pamilya ung baon lakas at tibay ng loob pra matapos ung kontrata, salute to all ofw!
@borot1416
@borot1416 2 жыл бұрын
Nakaka inspired ang isang katulad mo kuya isa kang bayani! gusto ko din po makapag trabaho ng katulad mo at makapag japan! ingat palagi idol
@nakatsutv4929
@nakatsutv4929 2 жыл бұрын
Salamat..Walang imposible idol..basta mag sumikap lang..
@vladimyrdawang5452
@vladimyrdawang5452 2 жыл бұрын
Ok lang Yan lids kasama sa Buhay Yan idol Kung walang hirap walang sarap Sabi nga nila Diba lods
@cherieLaura
@cherieLaura Жыл бұрын
Ingat ka Boy at laging isaisip na lahat ng sacrifice mo nakikita ni Lord Jesus lagi ka mag pray tuloy Lang ang mag pakabuti at magkaroon ng holy fear mag pa thank you din po tayo lagi sa mga bagay maliit man malaki mahirap man o madali ang mahalaga normal ang every day life dahil sa grace ni Lord Jesus GOD BLESS YOU MORE ,,,,, 🙂🙂🙂👍👍👍👏👏👏🙏🙏🙏
@wilhelminasuniega261
@wilhelminasuniega261 Жыл бұрын
Thank you sa vlog mo kuya. I appreciate it. Balak q dn mag Japan.
@joselitosenia2278
@joselitosenia2278 Жыл бұрын
Sa ngayon mganda na ang maging ofw dhil nkadali na ng way of communication para sa fmilia, unlike ng una kong mag abroad 1990 sa middle east dhil sulat lng ang nagiging komunikasyon. At iyan ang mdalas kong sabihin sa mga co worker ko ngayon dito sa new zealand,,
@iammheiy8150
@iammheiy8150 Жыл бұрын
congrats nakapagtrabaho po kayo sa Japan , dami nangangarap magtrabaho dito , genba mahirap talaga trabaho case by case may indoor at outdoor , depende rin sa trabahante kung gusto ang work o hindi , pero mataas ang sweldo , sa Japan importante talaga trabaho dito , at first hanggang matuto ka need ng patience at determination sa trabaho , Tayo pa Pilipino hindi gi give-up , basta everyday learn at more experience lang , kaya lahat ng trabaho . Discipline . Tsaka bawal po power harassment sa Japan puede pong ireklamo sa dept of labor . Otsukaresama deshitta ! Puede po ba malaman kung ano po agency ninyo ? para sa kapatid ko ishokai ko . ty advance, Yuku dekitta ne shigotto, makenaide ganbatte kudasai !!
@Peridot88
@Peridot88 Жыл бұрын
So bra naman ang pagiisip ng ibang Pinoy . Mas gusto Pang magtrabaho sa ibang bansa kaisa Jan sa Pilipinas na kasama mo ang pamilya kahit mahirap din ang trabaho at mababa ang sweldo . Isipin mong mabuti ang mga sinabi nitong OFW na very Totoo at realidad ang pinagdadaanan at kinukwento .
@pubkentos4501
@pubkentos4501 Жыл бұрын
Kaya marami po depression sa Japan 🇯🇵…yung mga nawalang na ng trabaho o tumanda na usualy andami cases na nagkukulong lang sila sa apartment nila hanggang sa mamatay o ikamatay na lang cla sa loob at after wards na lang ma tuklasan ng mga pulis..kikimachi ba ata tawag dun?..haizts…ganyan ang japanese kung ganu sila kaunlad..
@junelarguelles4424
@junelarguelles4424 Жыл бұрын
Tama ka mahirap talaga pero ganun talaga kahit saan ba sa ka mag punta dapat talaga matutuhan mo ang lengguwahe ng bansang pupuntahan mo tayo talaga ang dapat mag adjust hindi sila 13 years ako dyan straight walang uwian TNT minsan talaga mapapatulan mo cla lalo pag wala ka sa mood mumurahin ka may mga hapon nman na bukang bibig lng nila ang mag mura na pasok ko rin ang construction pabrika masarap nman ang buhay dyan kung may work ka pero pag wala kawawa ka din sa Bahay trabaho mo sari mo kahit pagod ka magluto ka at maglalaba ng sa sarili mo habang tumatagal na kaka pag adjust ka nman sa lamig mag double ka lng ng damit kahit paano OK na mahirap din pag summer manipis na soot mo mainit parin lalo na sa construction pero higit na dapat mong isipin ang pamilya mo na matutulungan ng perang padala mo kaya dapat mag ipon ka or yung nasa pinas na humahawak ng pera maging wise sa pag gastos
@allnboxful
@allnboxful Жыл бұрын
Yung anak ko nangangarap naman mag aral sa Japan . Working for it in 2yrs time . Very hardworking din anak ko kahit ng bata pa sya.
@wengry3408
@wengry3408 Жыл бұрын
Wow ganda na wall .tiis lang ganun talaga walang trabaho madali. At least malaki sahod dyan god bless sa inyo
@MrDrinald
@MrDrinald Жыл бұрын
Depende Yan boss sa magiging trabaho mo. At employer mo strikto mga japanese pag dating sa trabaho bawal tamad2x. Kung trabaho mo ay mabigat at d ganun kalaki sweldo mahirap talga parehas lng Yan Dito sa pilipinas kung mababa sweldo hirap tlaga Ang buhay.
@ronwaldosantos6995
@ronwaldosantos6995 Жыл бұрын
Maraming salamat sa video mo kabayan,alam naming ginawa mo ito upang ipakita sa amin ang realidad ng buhay.Napakahirap pala talaga ng inyong kalagayan sa ibang bansa,sana ay ipagpatuloy lang ninyo ang inyong mabubuting gawa,dahil mag-aani rin kayo ng maganda balang araw ❤️
@arzahellcazanova7057
@arzahellcazanova7057 Жыл бұрын
Tapos iisipin ng mga kamag anak mong sakim sa pera, pinag tataguan at pinag dadamutab mo sila ng salapi. Kala mo tlga may mga ambag e.. nakaka bwisit mga ganun idol. Pero saludo ako sayo sa pag susumikap mo idol. Mabuhay ka ♥️🇵🇭
@isaganilaoke29
@isaganilaoke29 5 ай бұрын
Diyos ko po. Ngayon ko narealize ang hirap sobra ng work ng Construction sa japan... saludo po ako sa Inyo kuya dahil nakaya niyo po ang hirap. Gambatte ne to Ki o tsukete itsumo
@juandelacruzsantos6709
@juandelacruzsantos6709 2 жыл бұрын
Ofw dn ako dati lods..sa saudi..grabe dn naranasan ko duon hndi kami mag kasundo ng mga kasama nmin ibang lahi..halos araw2 nag aaway...gusto ko na umuwi ng pinas....pero sa katagalan nsanay na kami at nka pag adjust.. Hirap tlaga maging ofw..h di talaga mdali
@nakatsutv4929
@nakatsutv4929 2 жыл бұрын
Oo nasanay na din ako sa kanila ngaun idol..hirap lng mag adjust nung una..
@raymondpaterno2800
@raymondpaterno2800 Жыл бұрын
Tiyaga lang tayong mga ofw saan mang panig kayo ng mundo. Mas mahirap ang realidad ng wala kang trabaho sa Pinas o kung meron man, ung sweldo mo ay pantawid lang hanggang sa susunod na sweldo. Saludo ako sa inyo mga kapwa ko OFW. 👏✌️🇵🇭
@cortezanothelma8204
@cortezanothelma8204 Жыл бұрын
Tapos ang pmilya d2 sa Pinas puro bili mo ko goodtime kawawa ang nagtatrabaho. Sana mmkita ito ng mga pmilya n my OFW worker
@carlosroxas7761
@carlosroxas7761 Жыл бұрын
True bro pag alam mo at kaya mona ang trabaho iaasa na sayo lahat…tiis Lang
@emiesaduralmedina6451
@emiesaduralmedina6451 Жыл бұрын
Blessed po s inyong lhat na OFW...NAIIYAK AKO S KWENTO MO ANAK...HALOS 3 CLANG MGA ANAK KO S ABROAD, 2 CLANG MANUGANG KO. MAGINGAT PO KYO LHAT JN. WAG PONG MAKALIMOT N MAGPASALAMAT AT MAGDASAL... BSTA PO FOCUS LNG PO S GOAL NYO. AT TAKE NOTE WAG PO NYONG IPPAUTANG ANG MGA PERANG PINAGHIRAPAN NYO KC CLA MGLING UMUTANG PRO DI N NLA GUSTONG BAYARAN..ADVICE LNG PO. GOD BLESS PO S INYO
SAHOD NG FACTORY WORKER SA JAPAN | Jap-Phil Family
22:15
JPinoy Vlogs
Рет қаралды 106 М.
.Kalkal Basura sa japan.may   Gold NECKLACE Pa.Dumpster JAPAN.
30:46
Happy Welder TV
Рет қаралды 613 М.
WHY IS A CAR MORE EXPENSIVE THAN A GIRL?
00:37
Levsob
Рет қаралды 20 МЛН
Шокирующая Речь Выпускника 😳📽️@CarrolltonTexas
00:43
Глеб Рандалайнен
Рет қаралды 11 МЛН
Каха инструкция по шашлыку
01:00
К-Media
Рет қаралды 7 МЛН
The delivery rescued them
00:52
Mamasoboliha
Рет қаралды 10 МЛН
COST OF LIVING IN SOUTH KOREA | EPS WORKER
8:59
Jerome show
Рет қаралды 1,7 М.
Trabaho sa Japan | No Placement Fee | Legit Agency
12:37
JPinoy Vlogs
Рет қаралды 153 М.
EXPLORING TOKYO JAPAN 🇯🇵 GRABE THIS IS JAPAN TALAGA 😱
29:21
Francis Candia
Рет қаралды 121 М.
WHY IS A CAR MORE EXPENSIVE THAN A GIRL?
00:37
Levsob
Рет қаралды 20 МЛН