Lalaki: 1. Ano ang nangyari? Ano ba ang nangyari O Diyos ko O Diyos Ko tulungan Mo ako. 2. Si Maria’y aking mahal nang higit sa aking buhay Siya’y babaeng marangal, malinis at banal. Nguni’t bakit Panginoon di pa man kami kasal, Siya’y nagdadalang tao Siya’y nagdadalang tao. 3. Siya ay aking iiwanan lalayuan ng lubusan nang di Siya mapahiya o hatulan ng kamatayan. Babae: Sa ganitong pag-iisip si Jose ay nakaidlip at isang anghel ng Diyos, lumitaw sa panaginip. Lalaki: Jose, Anak ni David h’wag kang matakot na magpakasal kay Mariang naglilihi lalang ng ‘Spiritung Banal Ang kanyang ipanganganak ay tatawagin mong Hesus, Pagka’t S’ya ang tutubos sa sala ng sansinukob. Nang magising si Jose agad n’yang pinuntahan si Mariang sintang tunay at sila ay nagpakasal. Nang isilang si Hesus inalagaan n’ya nang lubos, buhay n’ya’y inialay, buhay N’ya’y ibinigay, buhay n’ya, buong buhay n’ya, tanging buhay sa mag-inang minamahal.