Рет қаралды 17,898
Muling naisulat sa kasaysayan ng basketball ang Pilipinas. Sa kanyang pagiging isa sa mga hosts ng FIBA World Cup, nakamit nya ang makasaysayang numero para sa mga nanood sa Philippine Arena mismo. 38,115 na katao. At ang bawat isa, mayroong sariling opinyon at komento. Kapwa ko Pilipino, ano ang naging analysis o pagsusuri mo sa naging laro? #gilas #fibawc
Karl Anthony Towns. Batid ng Gilas Pilipinas na siya ang talagang markado sa kabilang kampo. Legit na pang-NBA ang talento. May tira sa labas pero parang mangingisda sa pagbingwit ng mga fouls sa mga kalabang Pilipino. Halos hindi sumablay sa linya ng free throw.
Ang kababayan nating naglalaro rin sa NBA, pinatotoo ang bansag na Flamethrower. Sa harap ng record crowr, ang husay ay ipinamalas ng panghunahing armas ng Gilas. Kung hindi lamang siguro naubusan ng fouls sa dulo, malay mo ang resulta ay nabago. Gayunpaman, Jordan Clarkson, salamat pa rin at saludo. Mayroon pang dalawang laro, sa tingin ninyo, ilang puntos ang kanya pang matatamo?
Sa kabilang banda, paano nga ba masusulatan ang mga blangkong pahina? Paano mo maipapakita kung sino ka? Kung sa loob ng court ay wala ka? Nagbigay na nga ng pahayag ang coach kung bakit hindi na muling naipasok si Kai Sotto. Pero paano na lang ang promising sana na laro nina Abando? Maging si CJ Perez walang minuto.
Ano ang masasabi ninyo sa naging komento rin nitong si RJ Abarrientos? Maraming handa nang sisihin muli si Manong Kiefer Ravena ngunit nanatiling tahimik dahil sa husay na kanyang ipinakita sa pitong minutong tinagal nya sa loob ng court. Sa katunayan, isa siya sa tatlong mayroong positibong plus/minus na statline.
Pagkatapos ng laro, panigurado maraming naging tanong ang mga tao. Pero nanggaling na mismo sa katunggali kung ano marahil ang pairalin sa mga pagkakataong ganito. Respect. Ito ang paulit-ulit na sinabi ng dominanteng Dominiko. At kahit pa muling nawasak ang ating #puso, dahil abot-kamay na sana ang panalo, patuloy nating itaas ang ating noo. May laban pa sa linggo.
__________________________________________________________________________________
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!