Рет қаралды 4,653
Ito na ang pinakahihintay na debut game ng dalawa sa mga matunog talaga ang mga pangalan na big men na nagmula sa programa ng Gilas Pilipinas. Ganito pala i-welcome ang mga kababayan natin sa Japan - napakainit. Ang isa umpisa pa lang ay kaldag na agad ang inabot sa mga beterano. Habang ang isa, tila nag-init hindi ang kamay kundi ang pwetan. Sino sa dalawang teams ang inyong sinuportahan? O nakatutok lamang din kayo sa kung anong ipapakita nitong sina #CarlTamayo at #KaiSotto? #PUSOSports
Cool ka lang, Jack Cooley. Kasama ang dating import ng Meralco Bolts ay silang dalawa nga ang nabigyan ng katungkulan na iparamdam kay Kai ang brand of basketball na mayroon sa land of the rising sun. Alam nilang putok talaga ang pangalan nitong si Sotto at talagang isa talaga sa sentro ng atensyon sa labang ito kaya naman nagsalitan sila upang itong bagong sentro ng Hiroshima ay masubukan.
Ang lagay na lang ba ay basta-basta na lang magpapamama itong si Kai Sotto? Maraming nakatingin sa kanyang mga fans kasama na rin ang mga scouts na kung saan mahalaga na maipamalas nya talaga kung ano ang kanyang mga kakayahan kung nais niya talagang maabot ang kanyang pangarap na makatungtong sa NBA. Bilang ganti sa pangangaldag, nagtamo ang mga imports ng Ryukyu ng tig-isang supalpal mula kay Kai.
Iyan talaga ang isa sa mga kalakasan nitong si Kai - na sana nagamit din ng Gilas Pilipinas noong kinalaban nila ang Jordan. Iba rin kasi ang timing nitong big man ng Dragonflies, hindi rin pupwede sa kanya ang mahihinang pag-atake ng kalaban dahil siguradong ang mga tangka ay kanyang masasawata. Mahaba rin ang mga galamay kaya kayang-kaya talagang protektahan ang rim.
Bagaman bigong makuha ang panalo sa kanyang unang laro, habang ang kapwa pinoy sa kabilang koponan ay di man lang pinawisan, nakapagtala itong si Kai Sotto ng sampung puntos, tatlong blocks, 2 rebounds at isang steal sa kanilang pagdayo ng Hiroshima sa Ryukyu. Pansin din natin na nabigyan din talaga siya ng pagkakataon ng kanyang coach upang magpasiklab - may mga designed plays din para sa kanya noong umpisa. Kumpara sa kanyang stay sa Australia, higit bang mayroong magiging playing time itong si Kai rito sa Japan? Sana. Sana ganoon din si Carl Tamayo.
__________________________________________________________________________________
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!