Kaibigang nakitira sa apartment, mahilig mangonsensiya (Oliver Story) | Barangay Love Stories

  Рет қаралды 184,700

Barangay LS 97.1

Barangay LS 97.1

Жыл бұрын

"May mga tao na laging humihingi ng tulong at madalas umaabuso. Sila yung wagas kung mag-demand na kala mo may pinatago."
"LINTA" The Oliver Story
Aired: Barangay Love Stories (May 30, 2023)
#BarangayLoveStories #BarangayLS971 #Forever #BLSLinta #BLS #OliverStory
Gusto mo rin bang i-share ang iyong kwento? Ipadala ang iyong sulat sa barangaylovestories@yahoo.com
Kinig ka radyo or maging updated online!
Audio Streaming 🔗 bit.ly/BarangayLS971Live
Tiktok 🔗 tiktok.com/@barangayls971
Instagram 🔗 barangaylsfm
Twitter 🔗 barangaylsfm
Facebook 🔗 Barangayls971
#BrgyLS971 #GMANetwork

Пікірлер: 371
@joycec.delrosario1668
@joycec.delrosario1668 Жыл бұрын
Kuya Oliver, I know you treasure so much the friendship you have with Kuya Allan. That is why if you really want to help your friend, be the person na magsasabi sa kanya ng mga bad habits nya, you don't have to lie or make some stories to learn his lessons. As long as hindi na-vo-voice out 'yung mga mali niya, he will continue to live that way (irresponsible and dependant.) At first, masasaktan sya sa katotohanan at maaring i-guiltrip ka niya, but don't let your conscience win over your will. Isipin mo na ginagawa mo 'yun para sa sa kaniya at the same time para sa sarili mo. Lahat naman ng mga decisions natin sa buhay ay may kasamang consequences. Hence, piliin mo 'yung decision na makakabuti para sa inyong dalawa.
@Zehahahahahahahahahahahaha
@Zehahahahahahahahahahahaha 11 ай бұрын
Mahal kita
@ailiseucom6169
@ailiseucom6169 Жыл бұрын
Umalis ka na sa inuupahan mong bahay. Sabihin mo nalang mag be-bed space ka para makasave ng pera. Tapos umalis ka kahit di na magpaalam. Wag mo na isipin pa kung ano masasabi nya. Problema na nya yon. Wag ka na ma stress. Pag di ka aalis, patuloy ang kalbaryo mo sa buhay kahit pa ilang ulit mo pa pagsabihan yang kaibigan mo, wag kanang umasa magbago yan. Kaya parang awa mo na sa sarili mo umalis kana.ikaw na mag adjust.
@ashleycaparas_2300
@ashleycaparas_2300 Жыл бұрын
Best advice, iwanan mona . Umalis ka sa unit mo humanap kana ng ibang unit. Tapos pagka umalis na sya dun, bumalik ka if gusto mo talaga yung place na yon.
@Zehahahahahahahahahahahaha
@Zehahahahahahahahahahahaha 11 ай бұрын
Tayong dalawa na lang sa isang unit
@annebee621
@annebee621 Жыл бұрын
Oliver, kung ayaw mong iconfront siya kc nahihirapan ka sa ganung way, ganito nlang gawin mo, putulin mo wifi nyo, tapos tingi-tingi nlang personal needs nyo gaya nang shampoo, sabon wag kana mag stock nang marami. Sa food wag ka na mag grocery kain ka nlang sa labas. Yung bang gigipitin mo siya. Tapos pag nag reklamo siya, cguro naman magkakaroon ka na nang lakas nang loob na sabihin sa kanya mga hinanakit mo, bahala na kung lalayas siya o ikaw na mismo aalis. Huwag mo na bigyan nang 2nd chance. Naka ilang libong chance nanaman nabigay mo sa kanya ei. Tiisin mo muna tingi-tingi at kain sa labas, tingin ko 2 weeks lang naman makakaya niya before siya magrereklamo. Kung hindi mo talaga kaya, aba ikaw rin, sarili mo at pamilya o walang katapusang utang-na loob? Matagal ka nang nakapagbayad nang utang na loob. Isa pa, hindi naman cguro rason na tinulungan ka niya kaya siya bumagsak sa klase..
@edelyncodella2355
@edelyncodella2355 Жыл бұрын
Tma po ung advise nio ung wla na xang pagpipilian kundi ang mag kusang bumili ng kailanganin nia pansarili
@hongkong_place
@hongkong_place Жыл бұрын
sa totoo lang nkkabwesit layasan nya.. habng pinapikinggan ko nagttaga ako manok dun ko binuhos ung inis 😅
@annebee621
@annebee621 Жыл бұрын
@@hongkong_place hahahhaa kaya nga, sarap tirisin ni Allan, kaya lang enabler din c Oliver, pero naiintindihan ko rin naman siya kc may naitulong din nuon c Allan, kaya lang dapat alam din ni Oliver na may hangganan ang pag tulong.
@jelynvicente6998
@jelynvicente6998 Жыл бұрын
oo nga walang hiya ..hindi manlang maglinis e andun lang sya sa bahay ..kapal muks haha O si oliver nlang sana umalis .para matauhan yang ksama nya lugmok pa daw e kaya nyang bumili ng miniref😅😅
@rheavaldez5770
@rheavaldez5770 Жыл бұрын
😊
@lalalavine
@lalalavine Ай бұрын
Nangyari na din sakin to before, almost 4 months walang work yun friend ko kaya pina stay ko muna sya sa apartment ko, kaso parang napansin ko na wala na kasi syang balak mag work ulit, kasi lagi lang syang naka tambay sa apartment. Kaya nun ika 3 months nag advance ako magsabi sa kanya ng mag bebedspace na ko kasi may bakante na malapit lang sa work ko and hindi ko na kaya bayaran yun rent and bills as solo. Kaya after nun nakita kong saka kumilos yun friend ko na maghanap ng work nya, nauna din syang umalis sa apartment ko kasi sa QC sya nakakita ng work and dun na sya naghanap ng place din. Ako naman lumipat lang ako ng apartment na lang. Friends pa din kami until now naman, and stabl na din work nya.
@raymondllarinas1268
@raymondllarinas1268 Жыл бұрын
Yan. mas ok ang ganyan salamat BLS at tuloy tuloy na ulit
@payengx
@payengx Жыл бұрын
Sender please umalis ka sa bahay na tinutuluyan mo. Iwanan mo siya habang tulog para pag gising niya wala ka na. Tingnan natin kung hindi siya mag rattle.
@susanmatthews7787
@susanmatthews7787 Жыл бұрын
Sa totoo lang ikaw na ang tumulong ikaw pa ang lumalabas na masama at makapal din ang pag mumukha mahirap talaga ikaw na nga dihado ikaw pa ang nahihiyang pakisamahan nagyare na din sakin yan pag nasa labas may pera pang happy happy
@raketirangtagaisla1905
@raketirangtagaisla1905 26 күн бұрын
Relate much...lapitin talaga ako sa mga linta
@resiemison7813
@resiemison7813 Жыл бұрын
Sabihin mo lilipat kna ng bahay at hayaan mo na xa na maiwan jan .or wag kna din mgpaalam at xa na ang bhala aa bahay n inuupahan ora mtuto xa
@jeanmaecastil9661
@jeanmaecastil9661 Жыл бұрын
Salamat tuloy tuloy na 😌
@flormanlincon712
@flormanlincon712 Жыл бұрын
Thanks you papa dudot.tuloy2 na ulit.
@jayveesusana378
@jayveesusana378 Жыл бұрын
Happy listening 🎧 here from NAIC cavite
@InJESUSname700
@InJESUSname700 Жыл бұрын
Wow ako nauna nagcomment.More power to you Papa Dudut.Isa po ako sa masugid makinig dito sa inyo.Halos lahat napakinggan ko na at tunay pong nalilibang ako sa mga istorya.
@judayli9710
@judayli9710 Жыл бұрын
Yes salamat naman at tuloy2 na, wala ng part 1, part 2 part 3.. at sau Oliver stop it habang maaga, late na nga eh dami ng katas ang nasipsip ng lintang yan, hwag mo bilhan ng gamit nya especially personal na, buy food na para sau lang, mag leave sa trabaho at hyaan syang mag isa, ipa mntainance mo ang aircon kunyari patanggalan mo ng gauge, tanggalan ng ilaw ang room nya palitan mo ng gasera😂. lipat ka ng 1 room apartment, And tell him to go back to his family baka kamu na miss na sya ng nanay nya. Hwag mo isipin ang utang na loob, you paid in back already na thousand folds pa. Good luck and make yourself stress free from toxic roommate and abusadong friend.
@mctoledo010786
@mctoledo010786 Жыл бұрын
Lumipat ka na ng apartment, yun ang safest gawin para makalaya ka na sa kaibigan mong linta.
@elvielina-ac7272
@elvielina-ac7272 7 ай бұрын
mas mabuti umuwi sya muna sa kanila .tapos pag balik nya hanap sya ibang apartment ..yung gamit nya papakuha nya nlang sabihin nya beninta nya na .
@user-ks6qb1io6u
@user-ks6qb1io6u Жыл бұрын
Nakakagigil Naman Yan😠 Ang gawin mo Oliver ikaw n Lang umalis Jan SA apartment. Pabayaan mo n sya. Kung ayaw nya umalis ikaw ang umalis. May Tao talagang ganyan ABUSADO!!!!
@mariecar4781
@mariecar4781 8 ай бұрын
True Alis nalang sya may mga Ganyan talaga
@_kayedot
@_kayedot Жыл бұрын
Lintik Oliver ikaw na lang umalis diyan. Layasan mo na lang yang si Allan kung ayaw niya mag-ambag. Masyado na abusado e.
@mimisarego8147
@mimisarego8147 Жыл бұрын
Madali lanG yan eh umalis kna dyan sa bahay mO pero bagO ka magligpit Dpat May mattuloyan kna talga. Wag mO na rin sya kausapin.
@ransomware-sf1rm
@ransomware-sf1rm Жыл бұрын
layasan mo yan kahit di kana magpaalam, di mo na sya kargo nakabawi kana man na sa utang na loob. di mo na problema yung buhay nya . may kanya kanya tayong battles sa buhay.
@lelay6718
@lelay6718 Жыл бұрын
Alam mo Oliver, halos lahat naman kami parepareho ng maipapayo sayo, sabihin mo na sakanya, or iwanan mo na sya sa bahay, or magsinungaling ka, o kahit ano pa man, pero sa lahat ng yan isa lang ang sagot mo, HINDI MO KAYA. So sa nakikita ko, hindi payo ang kailangan mo. Ang kailangan mo ay gawa at kilos. Kasi i believe na alam mo na ang dapat mong gawin at solusyon sa problema mo. Kulang ka lang sa kilos. Ang makakatulong lang sayo ay ang sarili mo. Hindi sa lahat ng oras dapat mabait ka. Alamin mo ang limitasyon mo ng pagtulong. Wala ka ng utang na loob. Gawin mong tiisin sya kung hindi mo masabi. Goodluck sau!
@elvielina-ac7272
@elvielina-ac7272 7 ай бұрын
definitely yes..pwede namn nya sabihin na need nya umuwi ng probinsya nila tapos pag balik hanap sya ibang unit .tsaka pakuha nya lang gamit sa barkada nya sabihin beninta na nya .kaso wla sya lakas na loob na gawin yun.
@claireamistoso926
@claireamistoso926 Жыл бұрын
Sabihin mo na pupunta ang family mo at need nila ng matutuluyan
@elmerpastranaii9770
@elmerpastranaii9770 4 ай бұрын
napakabait mong tao sir salute sau🤟🏻🍻🍺🥂🤟🏻.
@quickthinker7582
@quickthinker7582 Жыл бұрын
Nakakatuwa kayo oliver and allan parang kayo mag jowa at nag lilive-in kasi kung nag aaway kayo about sa gastusin sa bahay eh parang talagang mag asawa hehehehe.
@jomaripunay5510
@jomaripunay5510 Жыл бұрын
😂😂😂😂hahaha sino bakla sakanila hahajaj
@Maryton09
@Maryton09 Жыл бұрын
​@@jomaripunay5510 i think si oliver 😂😂😂😂😅
@nings.9707
@nings.9707 Жыл бұрын
Ikaw nalang ang umalis dyan at maghanap ng ibang tirahan, ang daling solusyonan ng problema mo.
@leahresolo3507
@leahresolo3507 Жыл бұрын
ANG SOLUTION DYAN, ILABAS MO LAHAT NG GAMIT NIYA SA LABAS NG APARTMENT MO. EWAN KO LANG KUNG MAY MAGAWA PA YAN
@shabelobebe5448
@shabelobebe5448 Жыл бұрын
nakooo naka relate ako sayo Sender i feel u talaga😭kapal tlga sila na nga tinutulungan sila pa matapang grabe...
@Azaleah0319
@Azaleah0319 4 ай бұрын
Relate na relate dahil nasa sitwasyon dn ako ni oliver.nasa akin ang mga pamangkin ko na nasa tamang edad na pero walang trabaho ang isa.ne walang ambag kain tulog lang.nakakairita na kht anong sabi ko .ggwin isang beses lang after wala na Gaya ng comment ko kay kuya oliver,gsto kona dn na ako na ang lumipat ng bahay.maiwan sila d2 that way bahala na sila sa buhay nila.nakakasawa na.hinihintay kolang papers ko at winarningan kona sila .anyway rent lang ang bahay so bahala na sila..nakaka sawa na.palamunin mga batugan.kaya naiintndhan ko ang gigil ni oliver.sya friendship ang inaalala nya.ako ang mother ko na masasaktan pag pinalayas ko 2 apo nya.pero sawang sawa nko
@JustWatch_38
@JustWatch_38 Жыл бұрын
Ilang araw rin di ako nakikinig dito dahil putol-putol nila yung story. Wala na sana akong balak makinig talaga. Buti hindi na nila pinuputol. Nagnpopout lang to sa home ko kaya na check ko 🙂
@rubyrosebautista8398
@rubyrosebautista8398 Жыл бұрын
Thanks papa dudut at hindi na putol putol..nag stop ako makinig ng brgy kasi lagi putol now nag pop in sa yt ko then check ko at salamat nmn buo na sya hehehe☺️🤗
@annaarguelles6782
@annaarguelles6782 Жыл бұрын
Buti nmn tuloy tuloy n simula nung pinag hiwahiwalay nyo dun muna Kay kaistorya at papa dudut imbes n tatlo pinapakingan ko😊 kc po habang nag lilinis ako bilang katulong dito sa abroad hnd n po kami makakalipat lipat ng part dapat tuloy tuloy Kaya Sana ibalik n tlga sa dati thank you po 😊
@hvroldadvincula579
@hvroldadvincula579 Жыл бұрын
@jomariebebis9717
@jomariebebis9717 Жыл бұрын
Gaganahan na ako makinig kasi tuloy-tuloy na. Heheh
@gtinker7993
@gtinker7993 Жыл бұрын
Kausapin mo yung may ari ng apartment, kunwari aalis kanankasi di kna nakakabayad, umalis ka muna kunyari para mapilitan nadin siyang umalis jan.. Ang tamang pagtulong walang hinihintay na kapalit, atbsa tingin ko subra2 narin natulong mo sa knya. Di kasi siya matuto pag hinayaan mo lng siya na maging ganyan. Mas lalo mo lng siyang nialalgay sa stwasyon na lalo niyang ikabagsak.
@rensonporcel1112
@rensonporcel1112 Жыл бұрын
Definitely this was good. We hear the story straight. Sighh..❤️❤️
@lilibethandrade1650
@lilibethandrade1650 Жыл бұрын
Thanks po papa dudut Ang gaganda nga mga kwento Dito sa BLS since 2014 pa po aku na laging nakikinig sa programa nyo.. more power and ingat po kayo palagi 😍💖
@donitarosesalcedo8715
@donitarosesalcedo8715 11 күн бұрын
❤❤❤❤
@hiking-inatiktokeristadven1259
@hiking-inatiktokeristadven1259 Жыл бұрын
Nakaka gigil tong story ngayon. Bakit ba may mga tao na sobra kapal ng mukha.
@sharalabrador3620
@sharalabrador3620 18 күн бұрын
Marami nmn praan oliver ,kunware mgbbakasyon k mna s pmlya m oh pnauuwe k mna ,pero ang totoo mghhanap k lng ng mallipatan m ....wag mna balikan hyaan m sya ...kung gusto m p rin yang inuupahan m kausapin m lng mna ung owner ng haus m panandalian k mna aalis hntayin m lng kamo kusang umalis ung ksama m ,at pg umalis n sya saka k bumalik ...oh kya tuluyan mna iwan ung haus mghanap k ng iba ... Ewan k lng kung dp kusang umalis ang linta n yan basobrahan ata s kakapalan ung muka gusto kabig lng ng kabig ayw mglabas
@keashupea
@keashupea Жыл бұрын
Hindi mo kailangang pangalagaan ang friendship nyo lalo na at punong puno ng katoxican.deretsuhin mo sya wag mo ng isipin yung mararamdaman nya dahil ganun din sya sa iyo.2023 na hindi na uso ang pagiging tahimik ngayon.😊
@jenmadjus19
@jenmadjus19 10 ай бұрын
dapat sa mga ganyang tao pinaprangka na ehh para mabawasan naman kakapalan ng mukha..hindi na uubra pagiging sobrang mabait sa panahon ngayon kasi maaabuso ka talaga lalo na at sobrang hirap na ng buhay dapat maging wais😊👌
@jharedhernandez19
@jharedhernandez19 Жыл бұрын
Papuntahin mo dyan pamilya mo bakasyon.. Sabihin mo sa tamad mong kaibigan na need nya na lumayas kasi dadating pamilya mo... Hina mo rin snder di ko alam kung sa ako maiinis o sa kaibigan mo.
@luzanokaren5706
@luzanokaren5706 Жыл бұрын
relate this story I have friend also Peru isang araw napuno na ako at pinalayas ko na siya ako pa naging masama. peru no regret kasi they are not worth it..
@theknee9964
@theknee9964 Жыл бұрын
Posible rin may malalim na rason kung bkit hindi mo sya mapaalis. Trenta kn magasawa ka na pr mplayas mo na sya.
@ioanes5007
@ioanes5007 Жыл бұрын
Yung mga episode ni bls na may part part.hindi ko na pinakingan.pag nakita kong may part 1.2.3.😖dedma muna.hindi ko na inatempt pakingan😂
@kingjohnrauldoria3157
@kingjohnrauldoria3157 4 ай бұрын
Masyado ka nang kinain ng takot at hiya mo sa magiging reaksyon nya pag nagpakatotoo ka sa kanya. Sapat na yung tinulungan mo sya sa oras nang pagmo-move on nya. Hindi mo na sya kargo sa mga bagay na sya naman ang may gawa at kasalanan.
@sharonjimenez1113
@sharonjimenez1113 Жыл бұрын
Sa totoo lng simula nagkaroon ng part 1-3 tinamad nko makinig buti bumalik s dati
@younieu
@younieu Жыл бұрын
FINALLY! di na by parts TT
@bhotambaganmixtv
@bhotambaganmixtv Жыл бұрын
ang Sarap makinig ng ads
@elmerpastranaii9770
@elmerpastranaii9770 4 ай бұрын
ouch 🤕😳🤕
@zianjoey9701
@zianjoey9701 9 ай бұрын
Relate much ang hirap me alaga ka linta, pra ako pa ang nahihiya paalisin ang 2nd cousin ng tatay ko, ang msama pa dito umabot pa ng 5yrs ang linta, grabe akala ko pansamantla lang cya sa makikitira, hanggang umabot me mga gamit na pla cya dala dala sa taas ng bahay namin ng di nalalaman ng ate ko..grabe.
@O2d2-lj8fv
@O2d2-lj8fv Жыл бұрын
Nkakagigil yang mga ganyang tao.. Umalis kna lang jan hanap k ibang upahan. Iwan m s knya yang bahay.
@ainz1003
@ainz1003 Жыл бұрын
humanap ka ng bagong apartment at sa araw na pag hakot ng mga gamit mo sbihin mo binenta mo dahil kailangan ng pamilya mo sa probinsya ang pera at ikaw uuwi kna rin ng probinsya pra makasama mo nlng pamilya mo pero magleave ka muna sa trabaho DESERVE MO MAGPAHINGA DAHIL AKO NAISTRESS SA ISTORYA MO CGURADO MAS STRESS KA TAMA SI CECILE PINAPATABA MO ANG LINTA MONG KAIBIGAN..
@user-gf8dd4nj3v
@user-gf8dd4nj3v 6 ай бұрын
Jusq lordd, pa update po kuya oliver kapag hnd na kayo mag kasama ni allan.
@user-ip2wi3ez3p
@user-ip2wi3ez3p 3 ай бұрын
Pwede din lilipat kana kamo ng unit iiwan mo na sa kanya ung place kc nahihirapan ka na sa gastusin kausapin mo ung may Ari na kailangan mo lng paalisin ksama mo pagumalis cya balikan mo ulit ung unit mo
@catherinesamonte3881
@catherinesamonte3881 Жыл бұрын
Medyo bitin yung kwento ni oliver sana my part 2😁
@dadacelynvlog8904
@dadacelynvlog8904 Жыл бұрын
Buti at hindi na hati hati..thnkyou papa dudut😊
@medemchabbi7622
@medemchabbi7622 Жыл бұрын
Thank you papa dudut at pinakinggan mo Ang mga daing Namin na mga listeners mo, God bless you always ❤ makaka work na kami Ng maayos sa loob Ng factory at makikinig Ng story mo Ng tulog tulog ❤
@junerexalvarado8176
@junerexalvarado8176 Жыл бұрын
kaka stress naman itong story mo, bakit dimo nalang siya palayasin
@annasoliman1246
@annasoliman1246 Жыл бұрын
relate meron ako kakilala ganoon pag may pera tinatago yung pinamimili sakit s bangs buti nnlang iniwanan n sya ng ng anak ko ,,kaso mas domoble p din obligasyun k kc mga anak nila sa amin iniwan lahat
@user-yc4pb6qf7u
@user-yc4pb6qf7u 4 күн бұрын
Diretchahin mo na sya kasi hanggat tinitiis mo makasama kaibigan mo Lalo ka lang mahihirapan . Sapat na siguro pag tulong mo sakanya sa utang na loob mo .
@chechechun1720
@chechechun1720 Жыл бұрын
natatangahan ako sa sender,isipin mo ung sarili mo at pamilya mo.mas malakas pa sa yo yang tinutulungan mo.aba magshare nman siya.puro pakabig eh
@remediostercias163
@remediostercias163 Жыл бұрын
Lumipat ka Ng bahay,, sabihin mo Di kana nakakabayad Kaya lilipat ung pinakamura na kuwarto ,,, sobrang manhid naman yan cguro nman nakabayad kana Ng utang loob wag sobrang mabait LOVE YOURSELF!
@ArnelValencia-ob2kc
@ArnelValencia-ob2kc 2 ай бұрын
Dali lng ng prob mo Ikaw n umales sa iba ka n lng mangupagan para Wala n kung pag uusapan pa
@angelputs1131
@angelputs1131 10 ай бұрын
Palayasin muna yan. hindi mo siya responsibilidad. Nakatulong kana sa kanya. Abusado yan kaibigan mo
@ronalyntolentino8334
@ronalyntolentino8334 Жыл бұрын
JUSKO OLIVER! Kalalaki mong tao di ka marunong bumoses! Kaya ka nalalamangan.
@essamontero9791
@essamontero9791 Жыл бұрын
Maghanap nlang ng mallipatan...iwanan mo na ung.walang utang na loob na kaibigan pabigat lang s buhay.😊
@analyndelacruz9832
@analyndelacruz9832 Жыл бұрын
Eto yata Ang kwentong narinig ko na subra akong nabweset
@jojosie5975
@jojosie5975 Жыл бұрын
Kung iniisip monOliver ung utang na loob mo sa knya noong nasa college pa kau kamo, e u’ve already done enough or more than enough pa nga. At kung ang pagkakaibigan nio nman ang iniisip mo, be it kung masisira man ito. Kc hinding-hindi matututo c Allan kung palaging may alam syang maaasahan nia. Agree ako sa mga nag comment dto na kung di mo kayang komprontahin sya, e lumipat ka nlng ng apartment. Mahirap ang ganyang kasama, abusado.
@whonawyn26
@whonawyn26 Жыл бұрын
Hayaan mo munang maputuln kayo ng net at kuryente pati tubig gawa ka nlang paraan for yourself hayaan mo sya kung san sya punta
@vonfrancis8364
@vonfrancis8364 Жыл бұрын
Alam mo mas naiinis ako sa iyo Oliver! Kung Anong paghihirap mo ngayon ay dahil na rin sa pinababayaan mo ring abusuhin ka. 🤦‍♀️ 😠
@chikadora8816
@chikadora8816 Жыл бұрын
Yes I agree ikw lang nagpapahirap s Sarili mo d ka nagwa Ng praan 🙄
@shabelobebe5448
@shabelobebe5448 Жыл бұрын
abangers always ppa dudut from hongkong..GBU always .
@johnraylardizabal3439
@johnraylardizabal3439 Жыл бұрын
lipat ka na.
@floramaeencinas7125
@floramaeencinas7125 Жыл бұрын
Sender lipat kana lang bahay yaan mo na siya dyan nakakaloka naman
@kaiburdan9051
@kaiburdan9051 7 ай бұрын
ang galing mang gaslight
@kurosawaTaiki
@kurosawaTaiki Жыл бұрын
Inang kaibigan yan
@ronaldmendoza1524
@ronaldmendoza1524 Жыл бұрын
apaka tapang na hiya!! kung ako yan palalayasin ko yan . o kaya ikaw na mag adjust umalis kana diyan. kunwari mag bedspace ka. stress na nga ako sa abot kamay na problema sumabay pa to sa inis ko.
@sheilajoymanglallan3713
@sheilajoymanglallan3713 Жыл бұрын
Kasalanan mo din yan Kaya Kung Dmo playasin kailangan mo magtiis at mamulubi sa linta
@mctoledo010786
@mctoledo010786 Жыл бұрын
Kaya iwasan yung pagpapatira ng kahit sino sa bahay o apartment na nirerent. Mahirap may kasama sa bahay na di marunong mahiya. Hay nakoooo.. FO talaga pag ganyan.
@user-ip2wi3ez3p
@user-ip2wi3ez3p 3 ай бұрын
Lumikat ka na lng ng tinitirhan mo sabihin monabibigatan ka na sa mga gastusin kya lilipat ka sa mas mura kc hirap ka na mahihiya un na sumama na sau
@ivyelores8320
@ivyelores8320 8 ай бұрын
Hayy. Sa totoo lang naiinis ako oliver sa kabaitan mo. Kailangan mo kasing ireal talk yang si allan. Paalisin mo na dahil mahirap magpalamon ng pala-asang tao. Ilang beses mo ng hiningian di ka padin pinakikinggan. Wag mo stress'in yung sarili mo dahil lang may utang na loob ka. Bayad na bayad nayun kaya lakasan mo na yung loob mo. Dahil di yan magbabago hanggat may tumutulong sa knya. Matanda nayan, kayang kaya nya na buhayin ang sarili nya. Wag mo nang spoil. Di mo yan responsibilidad. Godbless. Kaya mo yan.
@tomgufamily7281
@tomgufamily7281 Жыл бұрын
Ewan ko bakit kumukulo ang dugo,siguro relate na relate lang ako!
@MarimarL17
@MarimarL17 8 ай бұрын
Kagigil si Allan
@maricrisrejuso9881
@maricrisrejuso9881 4 ай бұрын
Kung ako sayo ikaw nlng lumipat Kung dmo sya mapaalis,mapipilitan sya ibinta mga gamit nya pag wla na sya pang UPA.kc hanggat andyan k depende sayo Yan katwiran nya dmo sya matitiis.sabihin mo hirap kanrin kya hahanap Ka nlng Ng maliit na mauupahan na Kaya mo lng bayaran.sabihin bed space lng nkuha mo kya d sya pwd isama
@maritespanes5303
@maritespanes5303 Жыл бұрын
gawa ka ng liham na ikaw ay aalis kung ayaw mong kumprontahin na personal.mag leave ka sa trabaho at maghanap ng malilipatan na di nya alam
@marinersergio4856
@marinersergio4856 Жыл бұрын
Haba ng pasensya mo oliver, natagalan mo yan ng ilang buwan, kng ako yan mag didilim na agad na paningin kudyan
@user-yj4fz7fh8f
@user-yj4fz7fh8f Жыл бұрын
Simply lng gawin mo oliver umalis ka sa bahy na tnutuluyan mo iwanan m xa wag m sabhin sa knya kng san kna lilipat ng ibang bhay. Para marealize nia matuto xa kc kng ayaw m umalis aasa prin c allan sau lage
@user-hz4yx9qx6m
@user-hz4yx9qx6m Жыл бұрын
Lipat ka nlng nang apartment oliver yung isang kwarto lng na ikaw lang ang pwd. Nang matauhan sya sundin mu din yung payu ni cecil. Ika nga learn from expert.
@marilougardoque2538
@marilougardoque2538 Жыл бұрын
Ay naku Ikaw na may problema Oliver madali lang idispatsa Yung ganyan upa ka muna sa ibang Lugar Iwan mo
@madonacaasi9979
@madonacaasi9979 Жыл бұрын
sobrang bait mo naman oliver, pero sakit sa ulo ganyang kasama sa bahay 😮‍💨
@secreticism6371
@secreticism6371 Жыл бұрын
hay naku ganyan na ganyan kadorm ko nagbabayad naman nung nangiaalam nako. Uubusin nila lakas mo hanggat may nahuhuta sila ayun pinalayas ko kasi sobrang delay niya magbayad ako pa nahihirapan maningil. For peace of mind, mag isa nlang po kayo muna kasi may mga tao talagang mapang abuso.
@secreticism6371
@secreticism6371 Жыл бұрын
magrereply ako after work ngayon ko lang natapos story eh ahahha bigyan kita tips
@jhorgiesauro1267
@jhorgiesauro1267 Жыл бұрын
Mahirap talaga mag ka utang na loob sa isang tao eh hays.
@hondradelyn22
@hondradelyn22 Жыл бұрын
Thanks >Papa Dudut
@kathgtentenmalabuyoc3721
@kathgtentenmalabuyoc3721 Жыл бұрын
kung ako sayo oliver ikaw nalang ang umalis dyan sa bahay tapos wag mong sabihin sakanya at wag mo ring ipapaalam kung san ka mag iistay.
@elvielina-ac7272
@elvielina-ac7272 7 ай бұрын
umuwi ka muna sa inyu mag bakasyun ka .tapos pag balik mo hanap ka ng ibang apartment .
@jusmiomarimar7267
@jusmiomarimar7267 Жыл бұрын
Diyos ko,maghanap kna lng ng bagong uupahan...d masamang tumulong pero ung mga ganyang klaseng tao d dpat tulungan...
@Bonz94
@Bonz94 Жыл бұрын
real talk na kaylangan diyan par.
@imiegeodisico
@imiegeodisico Жыл бұрын
Total nangungupahan ka lng dyan.. iwanan mo ang bahay at lumipat sa ibang apartment nang mag-isa. Hayaan mo syang tumayo sa sarili nyang mga paa.
@tinadeguzman8330
@tinadeguzman8330 Жыл бұрын
lipat ka nalang ng ibang bahay iwanan mo na sya bahala sya sa buhay nya😅
@lemuelpajao7172
@lemuelpajao7172 Жыл бұрын
Grabi Naman ugali ni alan.kung sakin Yan pinalayas kuyan.
@user-qk6nb4uf2k
@user-qk6nb4uf2k 10 ай бұрын
iwan moyan
@Ms_chaa
@Ms_chaa Жыл бұрын
Kong ako po sayo sender iniwan mona lang saya ikaw na sna nag adjust pati pag tulong mo sa magulang mo naapektuhan pa.
@victorsarza3712
@victorsarza3712 5 ай бұрын
basic lang yan patayin mo yung wifi at kuryente sabihin mo di kayo nakabayad pati sa renta ng bahay.
Final muy increíble 😱
00:46
Juan De Dios Pantoja 2
Рет қаралды 51 МЛН
I Can't Believe We Did This...
00:38
Stokes Twins
Рет қаралды 84 МЛН
КАРМАНЧИК 2 СЕЗОН 7 СЕРИЯ ФИНАЛ
21:37
Inter Production
Рет қаралды 522 М.
Dear MOR: "Over Night" The Aliyah Story 02-22-19
52:36
MOREntertainment
Рет қаралды 1,2 МЛН
Dear MOR: "Mabilisan" The Kenneth Story 07-22-2020
46:37
MOREntertainment
Рет қаралды 234 М.
AILYN | PAPA DUDUT STORIES
36:19
Papa Dudut
Рет қаралды 1,6 МЛН
Dear MOR Marathon: "It's Not You, It's Me" (Celebrity Specials)
3:58:36
MOREntertainment
Рет қаралды 181 М.
Mission Success #funny #shorts #comedy
0:12
BD Vibes
Рет қаралды 55 МЛН
Как в моей семье едят КЛУБНИКУ 😂🍓 #shorts
0:43
Владислав Шудейко
Рет қаралды 2,1 МЛН
Как в моей семье едят КЛУБНИКУ 😂🍓 #shorts
0:43
Владислав Шудейко
Рет қаралды 2,1 МЛН
Cunning GUYS 🤣
0:15
dednahype
Рет қаралды 10 МЛН
Хотел вывести 🤣❤️
0:54
Dragon Нургелды 🐉
Рет қаралды 617 М.