Рет қаралды 59
KAPAYAPAAN AT PAG-IBIG NG PASKO
A Blessed Sacrament Parish Christmas ID 2024
Ngayong Kapaskuhan, tayo’y lubos na nagpapasalamat sa pag-ibig ng Diyos Ama, dahil ibinigay niya sa atin ang Kanyang bugtong na Anak, si Hesukristo - ang Tagapagligtas. Sa kabila ng mga hamon at pagsubok, patuloy nating ipalaganap ang pagmamahal at pagkakaisa na siyang nagbibigay liwanag sa madilim na bahagi ng ating buhay. Sana’y maging paalala ang panahon ng Pasko na ang pag-ibig ay ang pinakamagandang regalo na maibibigay natin, hindi lamang sa ating mga mahal sa buhay kundi pati na rin sa ating kapwa. Sa bawat ngiti, yakap, at mabuting gawa, nawa’y masalamin ang pagmamahal ni Kristo. Nawa’y maghari sa puso ng bawat isa sa atin ang pag-ibig at kapayapaan ngayong kapaskuhan!
No copyright infringement intended.
All rights reserved in 2024
#BSP #BSPSOCCOM #PaskongBSP