LYRICS: Pagmulat ko, ang langit, tila namumulaklak At binalot ng gabing ‘to, mga himig na naroroon Ang tanging narinig sa mundong tayo lang ang magkasama ay “Ikaw ang iniibig ko” No’ng mayro’ng nakita tungkol sa hinaharap ko Ang ating mga anino, para bang magkatabi roon Sa huling pagsindi ng ilaw, kinulayan ang kalangitan Tila may sinasabi Isang umaga’y napatingin sa ‘yong mga gawi At hindi ko mahanap, lakas ng loob kong lapitan ka 'Di ko magawa, ah Dahil laging bumabalik-balik sa isip ko At hanggang ngayon ay rinig ang ‘yong mga salita Ah, paglipas ng gabi, gusto kong habulin Imahe sa ‘king panaginip ‘Yon nga ba? Aking mithiin... ‘Yon nga ba? Hanggang ngayon Dama ang takot ko pero siguradong Aking isasantabi, bukas ay darating Sa paraisong para sa ‘tin Nais ko, 'wag ka munang bibitiw sa pangako Hindi ko pa naririnig ang mga kataga no’ng gabing ‘yon Tanging buwan lang ang saksi Sa pagkikitang ‘to ngayon ‘Di makapaniwalang kay tagal kong naghintay rito At ang himpapawid parang pinag-isa sa ‘king panaginip Sabay ng pagsindi At dahil nandirito ka, ito’y magkakatotoo Tumingala ka sa kalangitan at sa iyong ganda Bigla akong narahuyo, ah Masdan mo kung pa’no ‘di nagkalayo ang Mundong ‘to sa panaginip ko Ito na nga, ika’y kasama ko ngayon Ah, ngayong magkatabi, buwan ay naghahari Tila ako’y nananaginip Dahil siguradong kaya kong ipadama sa ‘yo Nang mas hihigit pa sa ‘king sinabi Ah, mula ngayong gabi’t araw na darating Kasama ka, tulad ng dati Nais ko, 'wag munang matapos ang gabing ito Hanggang sa pagputok ng mga kulay at damdaming nakatago Aking narinig, “Ikaw ang nasa puso’t isipan ko”