Рет қаралды 2,139
Karaniwan nang pinatutungkulan ng terminong diplomasya ang ugnayan ng mga bansa sa pamamagitan ng representasyon ng mga pangulo ng bansa, ambassador, at iba pang mga kinatawan. Sa holistic na pag-aaral ng diplomasya, pinagtutuunan ng pansin ang pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan ng isang bansa sa mga mamamayan ng ibang mga bansa. Sa pagtalakay ni Prof. Van Ybiernas, itatampok niya ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga mamamayan - partikular na ang pagbuo ng identity - sa ugnayan ng mga bansa. Babaybayin ni Prof. Ybiernas ang mahabang kasaysayan ng Pilipinas para sa nabanggit na pagtatampok.
Ang kaalaman sa kasaysayan ng diplomasya ng Pilipinas ay makatutulong sa pag-unawa sa kasalukuyang estado ng diplomasya ng bansa lalo na sa aspekto ng identity na nabuo at patuloy na nahuhubog ng mga mamayan bilang isa sa mga sukatan ng pagtrato sa mga Pilipino ng kalipunan ng mga bansa sa mundo.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa pakikipagtulungan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), malugod na inihahandog ng Hudyat (ang opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral sa NEU) at Center for Philippine Studies (CPS) ang "Kasaysayan at Kulturang Pilipino" na naglalayong isulong ang makabuluhang pag-aaral ng ating Kasaysayan sa pamamagitan ng pagtatampok ng kaugnayan nito sa iba't ibang larangan ng kulturang Pilipino.
Para sa karagdagang updates at iba pang content mula sa HUDYAT, mangyaring bisitahin ang mga social media sites nito:
Email: hudyat@neu.edu.ph
Facebook: @NEU.hudyat.online
Instagram: @neu_hudyat
Twitter: @NHudyat
KZbin: NEU_Hudyat