No video

KAUTUSAN O PANANAMPALATAYA / PAGPAPAWALANG BISA NG SUMPA NG KAUTUSAN SA BAGONG TIPAN : GALACIA 2 - 3

  Рет қаралды 4,081

Ben Filio

Ben Filio

Күн бұрын

SPOKEN BIBLE VERSE:
Galacia 2:15-21
Ang Biblia, 2001
Naliligtas ang mga Judio at Hentil sa Pamamagitan ng Pananampalataya
15 Tayo mismo ay ipinanganak na mga Judio, at hindi mga Hentil na makasalanan,
16 at nalalaman natin na ang tao ay hindi inaaring-ganap sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo, at tayo ay sumasampalataya kay Cristo Jesus, upang ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at hindi sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, sapagkat sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay hindi aariing-ganap ang sinumang laman.
17 Ngunit kung sa ating pagsisikap na ariing-ganap kay Cristo, tayo mismo ay natagpuang mga makasalanan, si Cristo ba ay lingkod ng kasalanan? Huwag nawang mangyari!
18 Kung ang mga bagay na aking sinira ay aking muling itayo, pinatutunayan ko sa aking sarili na ako'y suwail.
19 Sapagkat ako sa pamamagitan ng kautusan ay namatay sa kautusan, upang ako'y mabuhay sa Diyos.
20 Ako'y ipinakong kasama ni Cristo at hindi na ako ang nabubuhay, kundi si Cristo ang nabubuhay sa akin, at ang buhay na ikinabubuhay ko ngayon sa laman ay ikinabubuhay ko sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak[a] ng Diyos na sa akin ay nagmahal, at nagbigay ng kanyang sarili dahil sa akin.
21 Hindi ko pinawawalang halaga ang biyaya ng Diyos, sapagkat kung ang pag-aaring-ganap ay sa pamamagitan ng kautusan, kung gayon, si Cristo ay namatay nang walang kabuluhan.
Galacia 3
Ang Biblia, 2001
Kautusan o Pananampalataya
1 O hangal na mga taga-Galacia! Sino ang gumayuma sa inyo? Sa harapan ng inyong mga mata ay hayagang ipinakita si Jesu-Cristo na ipinako sa krus!
2 Ang tanging bagay na nais kong matutunan mula sa inyo ay ito: Tinanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, o sa pamamagitan ng pakikinig sa pananampalataya?
3 Napakahangal ba ninyo? Nagpasimula kayo sa Espiritu, ngayon ba'y nagtatapos kayo sa laman?
4 Inyo bang naranasan ang maraming bagay ng walang kabuluhan?-kung tunay nga na ito ay walang kabuluhan.
5 Ang Diyos[a] ba ay nagbibigay sa inyo ng Espiritu at gumagawa ng mga himala sa gitna ninyo sa pamamagitan ng inyong pagtupad sa mga gawa ng kautusan, o sa pakikinig sa pananampalataya?
6 Kung paanong si Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at ito'y ibinilang sa kanya na katuwiran.
7 Kaya't inyong nakikita na ang mga sumasampalataya ay mga anak ni Abraham.
8 At ang kasulatan, na nakakaalam nang una pa man na aariing-ganap ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng pananampalataya, ay ipinahayag ang ebanghelyo nang una pa man kay Abraham, na sinasabi, “Sa iyo ay pagpapalain ang lahat ng mga bansa.”
9 Kaya't ang mga sumasampalataya ay pinagpapalang kasama ng mananampalatayang si Abraham.
10 Sapagkat ang lahat na umaasa sa mga gawa ng kautusan ay nasa ilalim ng sumpa; sapagkat nasusulat, “Sumpain ang bawat isang hindi sumusunod sa lahat ng bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan.”
11 Ngayon ay maliwanag na walang sinumang inaaring-ganap sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng kautusan, sapagkat “Ang matuwid ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya.”[b]
12 Subalit ang kautusan ay hindi nakasalig sa pananampalataya; sa halip, “Ang gumagawa ng mga iyon ay mabubuhay sa mga iyon.”
13 Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng kautusan nang siya'y naging sumpa para sa atin-sapagkat nasusulat, “Sumpain ang bawat binibitay sa punungkahoy”-
14 upang kay Cristo Jesus ang pagpapala ni Abraham ay dumating sa mga Hentil, upang ating tanggapin ang pangako ng Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya.
Ang Pangako kay Abraham
15 Mga kapatid, ako ay nagsasalita ayon sa tao, kapag napagtibay na ang tipan ng isang tao, walang makapagdaragdag o makapagpapawalang-bisa nito.
16 Ngayon, ang mga pangako ay ginawa kay Abraham at sa kanyang binhi. Hindi sinasabi, “At sa mga binhi,” na tungkol sa marami; kundi tungkol sa iisa, “At sa iyong binhi,” na si Cristo.
17 Ito ang ibig kong sabihin: “Ang kautusan, na dumating pagkaraan ng apat na raan at tatlumpung taon, ay hindi nagpapawalang-bisa sa tipan na dati nang pinagtibay ng Diyos, upang pawalang-saysay ang pangako.
18 Sapagkat kung ang mana ay sa pamamagitan ng kautusan, ito ay hindi na sa pamamagitan ng pangako, subalit ipinagkaloob ito ng Diyos kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.
Ang Layunin ng Kautusan
19 Bakit pa mayroong kautusan? Ito ay idinagdag dahil sa mga paglabag, hanggang sa dumating ang binhi na siyang pinangakuan; at ito'y ibinigay sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng isang tagapamagitan.
20 Ngayon, ang tagapamagitan ay nangangahulugan na may higit sa iisang panig; subalit ang Diyos ay iisa.
21 Kung gayon, ang kautusan ba ay salungat sa mga pangako ng Diyos? Huwag nawang mangyari. Sapagkat kung ibinigay ang isang kautusan na makapagbibigay-buhay, samakatuwid, ang katuwiran ay sa pamamagitan ng kautusan.

Пікірлер: 42
@pastordan5177
@pastordan5177 2 жыл бұрын
Amen .. totoo talaga.. niligtas na tayo ng Jesu-cristo
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa Dios Ang lahat ng papuri Daniel. Salamat sa pagbisita. God bless
@LFGTV777
@LFGTV777 5 ай бұрын
LEARN FULL GRACE ,,, SALAMAT SA DIYOS NA BUHAY AT SA ATING PANGINOON HESU CRISTO NA ATING TAGAPAGLIGTAS... MAGPAKAILANMAN AMEN.
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 5 ай бұрын
Sa Dios ang lahat ng papuri. God bless
@carlestil5656
@carlestil5656 2 жыл бұрын
Let us all pray toour dear creator.God father of heaven.Forgive us our sins .Shower your mercy to the needy. Please dont let the greedys contenue their evil plan cover the whole nation to your protection.Lead us to your path so that evil will tremble in your name. In the name of the father and to your Mighty Son.Jesus Amen.
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa Dios Ang lahat ng papuri Carl. Salamat sa pagbisita. God bless
@emmanueljacot3430
@emmanueljacot3430 2 жыл бұрын
si Hesu Kristo lamang ang daan ang katotohanan at ang buhay 🙏🙏🙏
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa Dios Ang lahat ng papuri Emmanuel. Salamat sa pagbisita. God bless
@arnelhubilla8918
@arnelhubilla8918 2 жыл бұрын
Amen JESUS
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa Dios Ang lahat ng papuri Arnel. Salamat sa pagbisita. God bless
@jayrced965
@jayrced965 2 жыл бұрын
Amen
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Salamat sa pagbisita Kaibigan. God bless
@markjourneytv981
@markjourneytv981 2 жыл бұрын
Salamat sa Dios ako po ay mula sa Gods word Assembly of God church.. Ang Dios ang magpapala sa pagkabasa ng kanyang Banal na Salita.. Purihin ang Dios.. Sa Dios ang lahat ng kapurihan.. Naway ang pagpapala at kapayapaan ay laging sumainyo.. Godbless po
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Purihin ang Dios sa kaitaasan Mark. Salamat muli. God bless
@markjourneytv981
@markjourneytv981 2 жыл бұрын
Sana po every week makapag upload po kayo..
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Sa biyaya po NG Dios at sa Kanyang tamang panahon ay magaganap ito Kapatid. Salamat po sa patuloy na pagtangkilik. God bless
@williambernido338
@williambernido338 2 жыл бұрын
Amen!
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Salamat sa pagbisita William. God bless
@lilly6278
@lilly6278 2 жыл бұрын
Purihin ang Diyos❤️
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Purihin ang Dios sa kaitaasan Lily. God bless
@markdelliro5571
@markdelliro5571 2 жыл бұрын
tito:3:10-ang may maling pananampalataya ay dapat itakwil.ibig sabihin kung mali ang turo ay huwag paniwalaan sabi sa kautusan. gawa 2:17-26-ang mga pananampalataya na walang mga gawa ay patay,baog,kung nananampalataya ka lang at walang gawa ay walang kwentang pananampalataya.ang mga demonio man ay nananampalataya rin.maliligtas rin ba si satanas? efe.2:10-nilikha tayo ng Dios para sa mabubuting gawa.ibig sabihin ay mayroon tayong gagawin. kaw.3:5-huwag manalig sa sariling kaunawaan. isa.34:16-saliksikin nyo ang biblia 1tes.5:21-subukin nyo ang lahat ng bagay 1jn.4:1-pagaralan nyo kung ang iniaaral ay sa Dios luc 6:39-kung ang bulag aakay sa bulag kapwa mahuhulog sa hukay.kung ang iniaaral sa tao ay mali,lahat ng naniwala sayo kasamang maiimpierno 1tes.2:3-kung mangangaral dapat hindi mali,hindi pandaraya. 1tim.2:3-gusto ng Dios maligtas lahat rom.14:10-pero lahat tayo ay haharap sa hukuman ng Dios ecle.3:17-hahatulan ang matuwid at masama apoc.21:8-kasama ang mga duwag.mga sinungaling.kayat hwag po tayong mahiyang tanggapin ang katotohanan habang may oras pa. pagpalain po tayong lahat ng Dios.
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Salamat sa iyong pagbisita at mga kapahayagan Kaibigan. Kung ating pagbabasehan Ang iyong mga pinahayag mula sa Biblia, ay iyong sinasabi na Ang mga mabubuting gawa ng tao Ang siyang makakapag bigay ng kaligtasan sa tao. At sa mabubuting gawa tayo inaaring ganap ng Dios at dahil sa mabubuting gawa natin makakamit buhay na walang hanggan. Tama po ba? Well, Kaibigan, katulad ng iyong sinambit para sa akin ay iyon din po Ang aking sasabihin sa iyo, mas laliman pa po natin ang iyong pag aaral ng Biblia. Ang lahat ng iyong binanggit na talata ay iyong kinuha sa maling kontexto. Sapagkat iyong pinag basehan Ang isang bersikulo lamang upang palabasin Ang nais mong palabasin. Isang halimbawa sa iyong isinaad ay ang Efeso 2:10 na sinasabi "Sapagkat tayo'y kanyang pinakamahusay na gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na inihanda ng Diyos nang una pa upang siya nating lakaran." Pero para mas maunawaan natin ito ay basahin mo din Ang mga naunang bersikulo na malaki Ang kaugnayan nito sa tamang pagkakaunawa kung paano Naliligtas ang tao. Efeso 2:8-10 8 Sapagkat sa BIYAYA KAYO'Y NALIGTAS SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA, at ito'y HINDI SA PAMAMAGITAN NG INYONG SARILI, ito'y KALOOB NG DIOS; 9HINDI SA PAMAMAGITAN NG MGA GAWA, UPANG ANG SINUMAN AY HUWAG MAGMALAKI. Ibig pong sabihin, tanging sa biyaya NG Dios tayo ay NALIGTAS sa pamamagitan ng pananampalataya ng nagmumula sa Kanya at HINDI SA MABUBUTING GAWA NG TAO. Bersikulo 10 ay naghahayag na Ang RESULTA ng totoong pananampalataya ng mula sa Dios ay magreresulta ng iyong pagsunod at obedience to Him. Ang iyong mabubuting gawa ay RESULTA ng tamang pananampalatayang nagliligtas. Dahil kung walang bunga Ang iyong pananampalataya, ibig sabihin lamang na Di ito totoo. At iyan din Ang ibig sabihin NG hinahayag sa Aklat ng Santiago. Salamat muli Kaibigan. God bless
@markdelliro5571
@markdelliro5571 2 жыл бұрын
@@Ben.Filio.Production kailangan pa rin nating gumagawa,para maging sakdal ang pananampalataya.dahil kung pananampalataya lang ang mga demonio man ay nananampalataya rin.tanong ko kapatid, maliligtas din ba ang mga demonio?
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
@@markdelliro5571 Salamat Kaibigan sa iyong maginoong pakikipagtalastasan. Kung ating pagtutuunan Ang Santiago 2 na iyong binabanggit sa bersikulo 19, "Ang mga demonyo man ay sumasampalataya at nanginginig pa.", muli para natin maunawaan ito kung ano Ang pinapahayag dito ay dapat nating basahin Ang buong talata. At kung atin lamang pagtutuunan Ang buong talata, ay makikita natin na ang hinahayag ni Santiago dito ay ang pananampalatayang Di tunay o sa bibig lamang sapagkat hindi nakikita sa kanya Ang bunga ng tunay na pananampalataya na may pagsunod sa Dios. Patay na pananampalataya na Di mula sa Dios at hindi nakakapagligtas. Kanya lamang inaidentify Ang difference ng "True Saving Faith" na nagreresulta ng Obedience sa Dios at "Deceived Faith" na Di nagbubunga at walang pagsunod na kaagapay. Kayat Ang mga demonyo man ay naniniwala o sumasampalataya sa Dios, ay wala itong kabuluhan sapagkat Ang kanilang mga gawa ay hindi bungang nagmumula sa Dios kundi pag laban sa Dios. Kayat kung sila man ay naniniwala sa Dios, wala sa kanila ang kaligtasan. At Ang kanilang kahihinatnan ay nakatakda sa mulat mula. At ito ay ang kaparusahan sa pagsuway sa Dios. God bless
@markdelliro5571
@markdelliro5571 2 жыл бұрын
Tama po yung sinabi nyo,na walang kabuluhan ang pananampalataya ng isang tao kapag sumanib ang espiritu ng demonio sa kanya.kagaya ng mga taong gumagawa ng kademoniohan.walang makapaglilingkod sa dalawa,kundi kapopootan nya ang isa at susunod sa isa.kung sa Dios sumusunod sa utos,yung sumusuway sa utos yun yung sa demonio.tama yung sinabi mo,ang demonio at gumagawa ng kademoniohan kahit manampalataya sila mapaparusahan pa rin sila.
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
@@markdelliro5571 Magandang Araw Kaibigan. Isang pagtatama lamang upang magbigay linaw sa aking kapahayagan. Sapagkat Ang iyong hinayag ay hindi po yan Ang aking punto. Una po, Ang kaligtasan po na iginawad ng Dios Bilang regalo ay para po sa sangkatauhan at hindi para sa mga fallen angels o demons na iyong hinayag sa nakaraan. Kayat kahit kinikilala nila ang Dios, ay wala itong kabuluhan sapagkat Ang kanilang tadhana ay para sa walang hanggang kaparusahan. Pangalawa, kahit na sa ganap na pagkamakasalanan ng tao at Di tayo karapat dapat sa kaligtasang binibigay sa atin, sa awa at Tanging sa biyaya NG Dios lamang, tayo ay inaring ganap sa pamamagitan ng katuwiran nagmumula kay Hesu Kristo. Hindi dahil sa ating sariling katuwiran o gawa, kundi sa biyaya NG Dios tayo ay naligtas sa pamamagitan ng True Saving Faith na nagmula sa Kanya. At sa pamamagitan ng pananampalatayang nagliligtas na ito, ay magbubunga ng mabubuting gawa Bilang pagsunod sa Kanyang Sovereign Authority. God bless
@albertcorpuz1455
@albertcorpuz1455 Жыл бұрын
Dapat pa po bang sundin ang kautusan sa kapanahunan nating cristiano
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production Жыл бұрын
Salamat sa pagbisita Albert. Bilang tugon sa iyong katanungan, ang dapat maunawaan ng bawat mananamapalataya ng ating Panginoon Hesu Kristo, NA ANG PAGSUNOD LAMANG SA KAUTUSAN AY HINDI NAKAKAPAGLIGTAS SA TAO SA GALIT NG DIOS. At walang sinumang tao ang may kakayanang matupad ito. Ang kaligtasan ng tao ay nagmumula lamang sa BIYAYA ng DIOS sa pamamagitan ng PANANAMPALATAYA KAY HESU KRISTO. Na ang ating pag-aaring ganap sa mata ng DIOS, ay Hindi dahil sa ating sariling katuwiran, KUNDI SA KATUWIRAN NI HESU KRISTO NA BJMABALOT SA LAHAT NG MANANAMPALATAYA SA KANYA. At dahil po dito ay buong puso at taos puso nating susundin ang mga KAUTUSAN ni HESU KRISTO. Hindi upang maligtas, KUNDI DAHIL TAYO AY NALIGTAS NA at nagpapatuloy lumakad sa kabanalan patungo kay HESU KRISTO. God bless
@albertcorpuz1455
@albertcorpuz1455 Жыл бұрын
Marami pong salamat brother. Ako po ay ay nakikiisa sa iyong programa patungkol sa pag aaral ng salita ng Diyos tinatanggap ko po ang iyonng pagpapahayag na galing at utos mismo ni Jesucristo na iyong ipinapangaral upang tayo ay ganap maligtas. Pagpalain nawa kayo tayo at iba pang tao na sana maabot at mapakinggan ang iyong programa. Salamat po sa Diyos amen
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production Жыл бұрын
@@albertcorpuz1455 Sa DIOS ang lahat ng papuri. God bless
@blanchewolfson3860
@blanchewolfson3860 2 жыл бұрын
May simbahan poba kayo? Gusto KOPO sana sa inyo magsamba
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Salamat sa pagbisita Blanche. Sa Dios Ang lahat ng papuri. Saan po Ang iyong lokasyon Kaibigan? God bless
@joelpodador2700
@joelpodador2700 2 жыл бұрын
Paano na ang tithes, utos para sa mga Esraelites lang, bakit hanggang ngayon ay ginawang utos para sa ating mga Christian?Ang masaklap ay naging nagnanakaw pa tayo kapag hindi nakapag tithes gamit ang book of Malachi 3:8 na under ng kautusan.please paki gawa ng content tungkol dito upang maliwanagan.
@Ben.Filio.Production
@Ben.Filio.Production 2 жыл бұрын
Purihin ang Dios sa kaitaasan Joel. Salamat sa pagtangkilik. Well Kapatid, ang konsepto ng Tithing ay isang magandang bagay upang matustusan ang mga pangangailangan ng isang iglesya. At maipalaganap ang Kanyang enbangelyo at pangalagaan ang mga miyembro. Ang dapat lang muna nating maunawaan ay ang tithing sa Lumang Tipan ay nakatuon sa mga Israelita o mga Judio. Ito ay considered na Taxes upang sila ay magkaroon ng working government. Ito ay nuong panahon na Ang mga Israelita ay matitigas Ang ulo at mas ninanais na magbigay ng handog sa mga dios diosan. Ito ay inutos sa kanila ng Dios bilang paghamon na ibigay ang ikasampung bahagi ng kanilang ikinabubuhay at Kanyang bubuksan Ang bintana ng langit, at ibubuhos ang isang pagpapala na walang sapat na ka lalagyan. At Ang Di pag sunod ay may kaparusahan sa kanila. Ngayon po sa Bagong Tipan po sa pangangaral ni Apostol Pablo, tayo po ay tinatawag naman magbigay pa rin sa ating iglesya ng kung ano ang nasa ating mga puso. Sapagkat mahal ng Dios Ang isang "Cheerful Giver". Ito ay ating pagtugon sa patuloy na biyaya na ating tinatanggap mula sa Dios. At higit sa lahat, dahil sa biyaya NG kaligtasang mula kay Hesu Kristo na kahit tayo ay hindi karapat dapat ay namatay para sa ating kasalanan. At dahil dito, bilang pasasalamat tayo ay taos pusong sumusunod. Kung sa Lumang Tipan Ang pagsunod ay dahil sa takot sa sumpa at kaparusahan, sa Bagong Tipan ay ang taus pusong pagsunod dahil sa biyaya NG kaligtasang hatid ni Hesu Kristo. God bless
Ngano nga ang KALUWASAN DILI sa atong MAAYO NGA BINUHATAN?
30:08
Jay-cob Momo
Рет қаралды 13 М.
Pool Bed Prank By My Grandpa 😂 #funny
00:47
SKITS
Рет қаралды 20 МЛН
طردت النملة من المنزل😡 ماذا فعل؟🥲
00:25
Cool Tool SHORTS Arabic
Рет қаралды 21 МЛН
拉了好大一坨#斗罗大陆#唐三小舞#小丑
00:11
超凡蜘蛛
Рет қаралды 13 МЛН
Paano Iwasan ang Mga Pagliliwaliw Ng Isipan Habang Nananalangin Ng Rosaryo?
13:54
Ang Tinig ni Padre Pio
Рет қаралды 13 М.
KAUTUSAN NG DIOS AT NI MOISES (NASUSULAT with KA MENONG)
29:31
Pag-aralan Natin
Рет қаралды 1,3 М.
Sampung Utos ng Diyos Totoo Ba Na Wala Na Itong Bisa?
30:29
Tinawag at Hinirang
Рет қаралды 13 М.
ANO ANG FREE WILL? / ANO ANG KAUGNAYAN NITO SA AKING KALIGTASAN?
25:02
ANG TAO BA AY LIKAS NA MABUTI? / ROMA 1
24:36
Ben Filio
Рет қаралды 649
Pool Bed Prank By My Grandpa 😂 #funny
00:47
SKITS
Рет қаралды 20 МЛН