Рет қаралды 3,060
Ilang laro na lang, playoffs na. At ang dalawang koponan na ito, nais masemento ang kanilang pwesto. Kaya naman, walang gustong magbigay kahit maliit na puwang. Kaldagan, sindakan, at kaunting pisikalan nandoon upang matunghayan ng mga fans. Tara, tingnan natin sino ang nanaig sa pagbayo sa kalaban.
Noong ikatlong quarter, lalo ngang naging pisikal ang laro. Dahilan upang ilang beses na ang laro ay mahinto. Dahilan upang ang isang player ng Marikina Shoemasters ay ma-eject dahil sa kanyang mga natamong unsportsmanlike fouls. Ang magkabilang panig, walang gustong magpalamang. Anong masasabi ninyo rito?
Ang matchup ni Poypoy at kapwa kalahok sa slam dunk contest na si Val Fornillos, nagsilbing malaking banta para sa dayong koponan. At sa isa nga nyang galaw, ang dating PBA slam dunk champion nga ay nawala sa pwesto sa ilalim. Mataas din ang lundag nitong si Val. May pag-asa kaya siyang maging slam dunk champion? Ano sa tingin ninyo?
Ang high-flyer na si Poypoy Actub, tila nanatili munang grounded sa larong ito. Gayunpaman, binuhat naman ang koponan ng Imus ng mga beteranong kakampi ni Poypoy tulad nina Hubert Cani, KG, at Carlo Lastimosa. May isang pagkakataon pa ngang itong si Hubert Cani ay tila pinaglaruan lang ang depensa.
Bagaman nasuwag at nabuwal nga ang mahabang kawayan na si Nino Canaleta, tila nasa kanya pa rin ang huling halakhak sa gabing ito. Double digits nga rin ang kanyang ambag para sa SV Squad. Gamit ang kanyang footwork ay nalilinlang nya nga ang kanyang mga bantay sabay bitaw ng isang floater.
Ang isa pa ring dating PBA player na si Carlo Lastimosa nga ang pinakamalaking tinik ngayon para sa Shoemasters. Hindi na nya hinintay pa ang fourth quarter upang bumira ng bentekwatro. Banggit pa nga nya na nasa crucial na bahagi na para sa pwestuhan para sa playoffs kaya dapat ang mga beterano ay talgang mag-step up na.
Nagtapos ang laro sa final score na 103-89 pabor sa Imus Cavite. Maliban sa matinding dikitan ng mga katawan, hindi na nga masyadong nakalapit pa ang Marikina Shoemasters noong huling yugto ng kanilang laban. At dahil nga rito ay natamo rin ni Coach Elvis Tolentino ang kanilang unang pagkatalo kapag sa kanilang court ay may dayo. #mpbl #basketball
__________________________________________________________________________________
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!