Рет қаралды 674
TRIBYA:
Lagim, toits ang isa sa una naming nai-record kasama ng “Lakas Tama” sa Pink Noise Recording Studio sa Quezon Ave. sa pamamahala ng RMG ni Dodong Viray at Jing Garcia para sa 1995 compilation album na “Numeric Sampler 502” at naisama rin namin ito sa 1996 1st album ng Siakol under Alpha Records Corporation na “Tayo na sa Paraiso”.
Nagawa ko ang Lagim nung wala pa akong banda at tambay pa sa may kanto habang minamasdan ang paligid, mga tao at nilalaro ang E chords na sinusundutan ng kung ano man na dehins ko alam kung tama ito, eh basta trip ko kaya medyo naglaro na sa utak ang liriko at tono.
Natapos ko ng wala pang isang oras pero naging problema lang para sa akin masyadong mataas pero nakukuha naman ‘yan sa dahas.
Tutal batang-bata pa naman no’n tayo, masyado pa tayo no’n agresibo! 🤘🏽
-Noel Palomo (Revolutionary Composer)
#Lagim #NoelPalomo #Siakol #Repakol