Рет қаралды 2,869
"LUNA"
Alam mo ba na napaka swerte ko?
Sobrang lawak ng bakuran na tinatakbuhan ko,
At hindi lang isang bahay ang tinitirhan ko.
Kahit anong oras nakakakain ako,
At nakakain ko ang lahat ng gusto ko.
Sa araw araw ang dami kong nakikitang tao,
At nagpapasalamat ako sa Diyos sa buhay ko.
Pero simple lang naman talaga ang gusto ko,
Isang tirahan lang masaya na ako.
Kahit walang bakuran na matatakbuhan ay sapat na,
May makalaro lang buong araw ay sasaya na.
Kahit isa o dalawang beses lang makakain sa isang araw ayos na,
At kahit ulit ulit ang ipakain sa akin pwedeng pwede na.
Kahit isang tao lang ang makita ko sa araw-araw,
Isang tao na mamahalin ako at mamahalin ko din sya.
At hindi ako titigil sa pagpapasalamat sa Diyos kung darating ka.
**tawagin nalang natin syang LUNA dahil tuwing gabi kami nagkikita**
Swerte daw si Luna kasi ngayon hindi na basura lang ang nakakain nya.. hindi nila alam na mas maswerte ako nung nakilala ko sya ❤️
#savingluna