Рет қаралды 23
Mabuhay ang Pilipinas (Music) /Poem
Lupang sinilangan nais kong ipaglaban
Gusto kong mamayani ang kapayapaan
Pusong di pasisiil sa mga dayuhan
Dala ang pangarap sa kasarinlan
Nais kong ipaglaban ang bayan
Sa mga mapang api sa kapangyarihan
Dugo ng batang heneral tinarak sa kawalan
Sandata at tapang ni Heneral luna palatandaan
Pluma ni Jose Rizal dala'y pag- asa't kalayaan
Pagmamahal sa bayan aking ihahayag
Sa aking tulang ginawa ituturing kong layag
Lambat sa katotohanan ni mabutas at di malaglag
Di sama ng loob ngunit matibay na kalasag
Mensahe ko lamang sayo at para sa lahat
Pahalagahan mo ang iniwan ng nauna't magpasalamat
Sa biyayang natanggap tulong sa iyong pamagat
Tayo'y mananatiling matapat patuloy na magiging alamat
Sa pagsubok epidemya man ay manguha ng buhay
Sigaw ng puso inang bayan Pilipinas ika'y mabuhay
Walang sama ng loob lahat ay pupunta sa hukay
Tayo'y tila isang sundalong buhay iaalay
Puspos ng pag ibig at dakilang tunay
Mananatili ang pag - ibig sa tinubuang lupa
Inang bayan patnubayan nawa ng bisa
Nang pagmamahal at nang pag - asa
At nang maitaas muli namin ang bandila ng bansa
Facebook: / lj.ramos.92505
Wattpad: www.wattpad.co...
Website: lazarojrramosstories.blogspot.com
Website: mgatulanilazarojr.blogspot.com
#tula #music #composition
©️ Lj Ramos Music