patawad ay isang salitang, gamit na at gasgas/ na nasasambit sa bandang last/ pag bago mag split at magwakas/ di ko alam yang salitang yan, ako sa chicks ay pangahas/ bago ka nakilala, ngayon salita'y binabanggit ng malakas/ matigas ulo ko parang may tubo sa bungo/ ang hanap lagi'y taong magpapalukso ng dugo/ pinapaikot babae sa palad parang trumpo/ pulso't puyo, tatlo, dyos ko, sabi pa, lapitin daw ng tukso ang bunso/ 'kala ko bati naman kagad/ pag ika'y galit at madrama/ 'kala ko kayo kong magpalit ng asawa/ manhid/ nalaman kong di ako tama't, totoong mali ang akala/ nung naranasan ko takot, lungkot at kilabot ng mag isa lang pag gabi at wala ka/ patawad, sana natuto nung pagalitan mo/ patawad sa nakaraan, pangako, sa susunod, aayusan ko/ patawad narin at dahil inabuso ko kabaitan mo/ pagbigyan mo sana ngayon na puso mo'y maawitan ko/ kayo'y nagtalo at nagsigawan/ ang mga plato ay nagliparan/ biglang di ka na importante, matapos ka nyang ligawan/ paano nya nagawa na kanyang pangako ay mabitawan?/ eh pano kapag ikaw ang/ taong hinamon ng kapalaran?/ sa eksakto mong kahinaan/ parang pinakay ng madla/ kase tagay plus handa/ equals malay mawala/ may dinale syang chick, subalit di naman away ang sadya/ ba't kase malaking kaso sayo, walang kwentang bagay sa kanya/ di sya laging paangat sa norte, minsan sya'y pababa sa timog/ di laging matuwid at pino, minsan parihaba'y pabilog/ di naman nya iniisip na mamangka sa dalawang ilog/ di nga sya marunong lumangoy, gusto nya lang maglabas ng libog/ kung wala ka nang pasensya/ iwanan ang punyeta/ hanap ka ng lalakeng 'lang hilig sa chicks at di papa-impluwensya/ kung kaya mong magpatawad, eh wala namang problema/ at di pag desisyon ang mahirap kundi kung ito'y makakaya ng konsensya/