𝖯𝖺𝗆𝗂𝗅𝗒𝖺 - 𝖯𝗋𝗂𝗇𝖼𝖾 𝖬𝗁𝖾𝗅 Makata - 𝖲𝗉𝗈𝗄𝖾𝗇 𝖶𝗈𝗋𝖽 𝖯𝗈𝖾𝗍𝗋𝗒 - 𝖵.𝖮.𝖠 𝖻𝗒 Lesmel Imperial Quindong

  Рет қаралды 25

Prince Mhel Makata

3 ай бұрын

"Pamilya"
Ni Jomel Fernandez Salcedo
Isang Araw lang Ang lumipas,
Ang pagbigkas ko'y matagpuan sana ng bawat antas.
HINDI biro, pero nababalot ng Ligaya ang Pamana,
May pighati, may lungkot may sumbatan , pero iisa Ang kulay ang Pamilya.
Hindi ko ito isinulat sa mababaw na paraan,
Nilikha ko Ang obra na ito sa Dalawang Kaparaanan.
Una Ang emosyon pangalawa Ang inspirasyon,
Ilaw, haligi,bobong, at hagdan sa masayang Panahon.
Pamilya, Ang Sagisag mo'y Isang Kristal sa bawat sulok ng Silid
Pinagtibay at pinagyaman sa Dami ng Pag-ibig
Hindi ka mawawala , iisa ka , tayo parin Ang Magkakasama.
Hindi pa tapos nagsisimula pa lang ito ngayon pakinggan mo ang kwento ng Pamilya.
Ang Ina Ang sinasabing Ilaw sa Tahanan
Ang magsisilbing liwanag sa ating daraanan
Ilaw na kailangan maliwanag pa sa Araw
Hindi dapat mapundi, dahil s'ya Ang gabay sa gabing mapanglaw.
Subalit hindi Lamang sa ilaw magiging matatag Ang Tahanan,
Bagkus maging sa haligi, at pader makikita Ang tibay at pundasyon sa bawat tarangkahan.
Haligi na anumang sakuna , hindi natutumba,
Ang pader na kahit anong bala Hindi tatabla.
Halina't Samahan n'yo akong tuklasin Ang hiwaga ng salitang pamilya,
Kapayapaan, pagmamahal, pag-aaruga.
Pakinggan Ang Bawat salita sa mga Tula at korido ng Panata,
Ang Pamana ng Lahi , walang pasubali, Mahalin mo Ang pamilya.
Hindi ko ito isinulat para mag bida,
O ano pa mang salita na pagyayabang ng Dila.
Hindi ako perpekto nagkakasala din ako,
Gusto ko lang ipabatid na Ang karamay mo sa lahat ng bagay ay ang Pamilya.
Hindi Ang iyong kaibigan, o kasintahan Ang magsasalba sa buhay mo,
Pagbalikbaliktarin mo man Ang mundo.
Pamilya parin ang nariyan , Ang karamay mo.
Sa anumang talim ay hindi masasaktan , dahil higit na matibay ang Pamilya ko.
Kapatid, hindi Lamang isang kaibigan, kundi isang katuwang sa anumang bagay,
Kapag nagkamali ka, pagsasabihan ka nila , para hindi bumagsak ang iyong Buhay.
Iyan Ang pamilya, sa bawat tugma, Hindi sila mawawala
Dahil Ang Tahanan ng Lahi, hindi mabubuo, kung walang Salitang Pamilya.
Subscribe now..

Пікірлер
Life hack 😂 Watermelon magic box! #shorts by Leisi Crazy
00:17
Leisi Crazy
Рет қаралды 80 МЛН
World‘s Strongest Man VS Apple
01:00
Browney
Рет қаралды 59 МЛН
Ozoda - Lada ( Official Music Video 2024 )
06:07
Ozoda
Рет қаралды 30 МЛН
Life hack 😂 Watermelon magic box! #shorts by Leisi Crazy
00:17
Leisi Crazy
Рет қаралды 80 МЛН