Magandang idea idol malaking tulong sa mga new begginer n nagmamanok atlest may idea na paano mka tipid sa pakain ng manok
@junceriola748 ай бұрын
Thank you. Ang aking advocacy ay mapalaganap ang aking mga kaalaman, lalong lalo na sa mga small farmers. Pa share naman brother ng video para may matulongan pa tayo. Kung may mga additional questions and clarification, message ka lang. God blessed
@alejandrodeocadez5614 Жыл бұрын
Bukod po sa Copra meal? Ano ano pa po ba ang pwede ihahalo sa pag papakain ng mga Alagang Manok? Purong Copra lang po ba ang ipapakain? O may hinahalo pang Darak?
@junceriola74 Жыл бұрын
Di ko ito nire recommend na puro, dapat naka mix ito sa ibang sangkap. Pwede itong ihalo sa mais, madre de agua, malunggay leaf flour ,cassava leaf flour.
@Mashallah-o8j Жыл бұрын
Directly grated coconut ang pinapakain ko. Okay naman
@junceriola74 Жыл бұрын
Pwede naman yan, yon nga lang di natin mami measure yong exact na needs ng animals
@myriamwahab7752 Жыл бұрын
Ma sha allah sir,ingatan NGO po hung unggoy ang bait nya sa inyu
@RolanDefacto-kk8oz Жыл бұрын
Thank you for sharing sir😊
@junceriola74 Жыл бұрын
Your welcome brother. God Blessed
@lezylbalawid8581 Жыл бұрын
@@junceriola74 pwede poba Yan sir SA bagong walay na biik?
@junceriola74 Жыл бұрын
@@lezylbalawid85815% lang ang I mix mo sa starter, biik man o sisiw.
@lezylbalawid8581 Жыл бұрын
@@junceriola74 gagamitin poba Ito simula hanggang dulo ng pagpapakain sir?
@junceriola74 Жыл бұрын
@@lezylbalawid8581ang feeds kasi ay may copra meal na ingredient dahil mataas ang protina nito at may mahalagang fatty acids, ngunit mataas ang fibre nito na di basta basta natutunaw sa intestine ng animals, kaya limited lang ang mixing nito, 5% sa starter, 10-15% grower & finisher at 15% sa layer hens.
@dadjokes6520 Жыл бұрын
Sir pwede ba pigain ang niyog or ibilad lang talaga sa araw?
@junceriola74 Жыл бұрын
Ibinibilad lang ito para matuyo at para madali ng lutuin, wag pipigaan o aalisin yong gata dahil mare reduce ang fats nito.
@annjoemodina4233 Жыл бұрын
Hello sir paano kaya pecentage sa paggawa ng patuka sa combinaton ng madre de agua sapal ng niyog mais. Darak na mais at kung lag yan ko nga feeds . Sa 100 grams sa isang manok? Salamat and God Bless
@junceriola74 Жыл бұрын
Yong sapal kasi ng niyog ay wala ng fats yan, ang fats ay importanteng nutrient, actually yong binanggit mong sangkap ay di ito matatawag ng complete nutrients, may ibibigay ako sayong video sa FEED FORMULATION, sundin mo yong mixing kung available sayo ang mga sangkap. Now dito sa binanggit mong sangkap, pwede mo din itong gawin (pero gaya ng sinabi ko, incomplete ang nutrients nito). 10% sapal ng niyog (lutuin mo ito) 50% madre de agua (mas maganda kung powder) 40% mais Note: di pwede ito sa sisiw
@junceriola74 Жыл бұрын
kzbin.info/www/bejne/g5bImayoid2XoJI For Layer Chickens
@radent.debelen1351 Жыл бұрын
Salamat sir sa information
@junceriola74 Жыл бұрын
You're welcome brother. God blessed
@randomize36415 ай бұрын
Nabawasan na Po ba Yung fibre percent naging 7 na Po ba sa process ninyo? Salamat
@junceriola745 ай бұрын
Actually, halos pareho lang ang fibre after ma process
@emelynhorowitz12622 ай бұрын
Sir thank you Ilana araw po dapat ibilad? Paano Kung kopra ang gambling ko poker pwede poker ba yon?
@junceriola742 ай бұрын
@@emelynhorowitz1262 kahit maghapon lang ibilad, basta amg importante matuyo ang niyog para madaling lutuin
@joyduguil65465 ай бұрын
Hello Boss. Hindi na ba pinipigaan ang niyog bago ibilad sa araw? Maraming salamat
@junceriola745 ай бұрын
Pwedeng pigaan, pero mas Maganda kung hindi, mababa kasi ang fats na makukuha kapag ito ay pinigaan o aalisan ng gata, pero pagdating sa protina pareho lang ang makukuha dito.
@joyduguil65465 ай бұрын
@@junceriola74 Maraming salamat sa reply boss.
@junceriola745 ай бұрын
@@joyduguil6546 you're welcome my friend
@eduardoapostol82578 күн бұрын
Ok po ba yung pinagpigaan ng gata ng niyog sa palengke na source ng protein?@@junceriola74
@junceriola748 күн бұрын
@@joyduguil6546 pwedeng di mo na pigaan para mas mataas ang fats content after mong mabilad or kung gusto mo namang kunin yong unang piga para gawing cooking or coconut oil pwede din, di naman magbabago ang protein content ng piigaan at di ponigaan.
@arviepalmero24247 ай бұрын
Sir, paano iimbak ang copra meal, mabilis kasi magkaamag ang copra sa konting moisture lang, thank you, sana masagot
@junceriola747 ай бұрын
Yes, ang mataas na moisture ang kalaban ng copra meal, kaya kung marami gagawin mo, every 3 days ibilad mo sa araw o hanggat maaari yong good for 7 days lang ang gagawin mong copra meal
@GarrySajulga7 ай бұрын
Diba dpat tanggalin muna ung oil bgo ibilad..
@junceriola747 ай бұрын
Depinde naman sayo yan, pwede mong pigaan at di isama ang gata bago ibilad at lutuin, ngunit mababa ang fats nito dahil ang fats (oil) ay nanggagaling sa gata.
@GarrySajulga7 ай бұрын
@@junceriola74 ok. Pero daming ayaw sa makapal na taba ng baboy
@novideos23111 ай бұрын
Salamat sa idea lods
@junceriola7411 ай бұрын
You're welcome my friend. God Blessed
@davetvfallarna28756 ай бұрын
Salamat idol sa info.
@junceriola746 ай бұрын
Welcome brother
@blackwolf2036 Жыл бұрын
Sir mga ilang months po ba pwde iistock yan nsa 5k piraso ksi nyog ko
@junceriola74 Жыл бұрын
Ang copra meal ay mataas ang fats (oil) kaya madali itong magka mold (amag), to make it sure na quality lagi ang home made copra meal mo dapat lagi itong bago. I recommend na maximum of 1 week lang ay dapat ma consume na ang ginawa mong copra meal, pero kung marami talaga, lagi mo itong ibilad sa araw para mawala ang moisture nito, kapag mataas kc ang moisture dito nagkakaroon ng mold o amag. Kapag tag ulan o malamig ang panahon, iwasang gumawa ng maraming copra meal.
@odessaperadilla3954 Жыл бұрын
Un sapal n po galimg s market pwede po b un ?wl n katas sapal lng po b
@junceriola74 Жыл бұрын
Pwede din, pero mababa na ang fats content niyan kc wala ng gata, protina na lang maibibigay nito.
@nelsondaligcon9940 Жыл бұрын
Kumbinsido ako sa sabi nyong magandang ihalo ang copra meal sa pakain. Ang kulang yata ay kung anong pakain ang inihalo o isinama sa sabing mga percentage ng copra meal, halimbawa yung sabing 5% -- solong darak ba o solong commercial feeds ang inihalo sa 5% copra meal? Salamat po sa sagot nyo.
@junceriola74 Жыл бұрын
Ito ang ration: 5% for starter (chicks) 10% for grower Ito ay ration sa feed formulation, kung may idea ka sa formulation, pero kung wala may video tayo niyan. Now pwede mo din itong ihalo kung anong available mong patuka jan sayo in same ratio.
@maricelaraba670 Жыл бұрын
@@junceriola74 sir pwd po bng gwing copra meal ung sapal Ng niyog.ung pnag pigaan po s palingke
@junceriola74 Жыл бұрын
@@maricelaraba670 pwedeng pwede, pero mababa na ang fats content nito kasi wala ng gata, sa gata kc kinukuha yong fats.
@princebomarfugoso3009 Жыл бұрын
tama po kayo sir sa tanong nyo po.kahit ako man ay nalilito sa sinasabi ni lods na ihalo na kulay green at percentage.di nya po naipaliwanag ng maayos po.paki paliwanag daw po ng maayos lods.thanks po.
@coleenmae36711 ай бұрын
pwd po ba ung copras na tlg tz ipapa giling nlng?
@arnelcales Жыл бұрын
pwidi po ba ito ipakain sa kambing?
@junceriola74 Жыл бұрын
Pwede, pero wag pure copra meal, need haluan ng ibang sangkap,
@christopherduma5759 Жыл бұрын
Sir ok po yan ngaun ko lang yan nlaman.. mas mataas po ba nutrient content nya kaysa copra cake?
@junceriola74 Жыл бұрын
Same lang nutrients niyan, except sa fats, sa tingin ko mas mataas ang fats content ng homemade copra meal, ang copra cake kc yan yong tira kapag na extract na yong oil, meaning mas mababa na ang fats nito.
@syetebentetres606 Жыл бұрын
Good day, po Sir, hindi nyo nb tinanggal ang mantika sa ginawa nyong kopra mill, salamat
@junceriola74 Жыл бұрын
Hindi, yan ang kasi source ng fats, very important yan sa health ng poultry.
@junceriola74 Жыл бұрын
Or kung gusto mong bawasan ng oil, after mong makayod ay pigaan mo para maalis ang ibang gata, pero wag mong tutubigan kapag pinipiga mo para di maubos ang fats. (Note: isang piga lang dapat).
@robifamorcan79655 ай бұрын
Yon po ba na pinagpigaan na di na pwd sa ganyan.
@junceriola745 ай бұрын
Pwede din, yon nga lang medyo mababa na yong fats na makukuha diyan, pero yong protein the same pa din naman
@earthdragon88backyard5 ай бұрын
Nice
@junceriola745 ай бұрын
Thank you. God blessed
@junelapura9082 Жыл бұрын
Sir papanu naman ung sa napiga an na ung pinagtangalan ng gata pwede pa dn ba un sir
@junceriola74 Жыл бұрын
kzbin.info/www/bejne/iZuVmamFfLqkorM For Grower Chickens
@junceriola74 Жыл бұрын
Pwede pa din yong pinagpigaan ng gata, ang makukuha na lang na nutrients dito at protina, may fats man ito ngunit mababa na.
@carlitoreyna533510 ай бұрын
Meronbang coprameal sa mga agri store na tingi lang??
@junceriola7410 ай бұрын
Parang wala kaibigan, ang copra meal pwede kang makabili niyan sa mga pagawaan ng coconut oil.
@leonorabuenoreyes66026 ай бұрын
PwPwede po ba ung sapal nalang?
@junceriola746 ай бұрын
Yes, pwede naman, make sure lang na bago at malinis ito, may kaunti lang akong ipapaliwanag kapag wala ng gata ang niyog (sapal), protina na lang ang mako contribute nito, less na ang fats na makukuha dito, pero bottom line pwedeng pwede pa ding gawing copra meal ang sapal.
@erlindadigamon-ld2di Жыл бұрын
Thank po Sir
@sisadumato54458 ай бұрын
Ano po ba inihalo nyo sa copra meal ,?
@junceriola748 ай бұрын
Bigyan na lang kita ng complete feed formulation, for LAYER hens
Boss pwede ba yung pinagpigaan na ng gata sa palengke?
@junceriola74 Жыл бұрын
Pwede naman, kaya lang mababa ang fats na makukuha don dahil kulang na ito sa gata, pero kung di naman masyadong pinigaan at di naman naubos yong gata, pwedeng pwede pa itong gawing copra meal. Makakakuha pa din tayo ng protina don, mababa nga lang yong fats content.
@vipjoe2450 Жыл бұрын
sir pwede bang ihalo sa starter feeds for broiler? halimbawa sa 50 kilo na feeds comercial 25 kilo copra meal pwede?
@junceriola74 Жыл бұрын
Ito ang ration: Starter - 5% Grower - 10% Layer - 10% Ang copra meal kasi ay mataas ang fiber (14.10%) which is 5-7% lamang ang required fiber sa poultry feeds, kaya kailangang wag madyadong damihan ang copra meal sa feed mixing. Di kasi yan matutunaw sa intestine ng poultry at swine kapag lumampas tayo sa ration, unless kung ipe ferment mo ito, pwede kahit 20% ang inclusion sa feed mixing.
@junceriola74 Жыл бұрын
Kapag na ferment kasi ang materials ay mare reduce ito ng 70.07%, meaning kung 14.10% less 70.07% equals 4.22% na lang ang fiber, pasok na ito sa 5-7% required fiber.
@bernieabellano37408 ай бұрын
Salamat po sir
@junceriola748 ай бұрын
You're welcome brother
@dennisalejandro5467 Жыл бұрын
Sir MGA ilang days nabilad sa araw?
@junceriola74 Жыл бұрын
Maghapon lang kung maganda ang araw, ok na yan, mapapansin mo naman yan pag tuyo na, buhaghag na, di na dikit dikit.
@alexismontoya4076 Жыл бұрын
sir ask ko lang yung percentage na nabanggit nyo...paano po yon san po ang base ng percent o saan po kinuha...
@junceriola74 Жыл бұрын
5% inclusion ay para yan sa starter feeds. Example gagawa ka ng 25 pounds na starter feeds. Ang 5% ng 25 pounds ay 1.25 lbs o 566.99 grams, meaning need mong haluan ng 566.99 grams ng copra meal ang gagawin mong 25 pounds na starter feeds.
@lorenssilvestre Жыл бұрын
Ano po ba yung kulay green na hinalo nyo po sir?
@junceriola74 Жыл бұрын
Cassava leaf flour, ito ang source ng vitamins and minerals.
@junceriola74 Жыл бұрын
kzbin.info/www/bejne/gpiVm5aqZZuqetU Ito ang link ng video kung papano ang process sa paggawa ng cassava leaf flour.
@lorenssilvestre Жыл бұрын
@@junceriola74 mainam po ba itong pampaitlog ng manok sir?
@junceriola74 Жыл бұрын
@@lorenssilvestre oo naman, nakakatulong ito na maging fertile ang itlog, at mapapansin mong mas matingkad ang kulay ng egg yolk, di tulad ng commercial egg na maputla.
@lorenssilvestre Жыл бұрын
Salamat po sir. Malaking tulong pi ito.
@valenrommeldelossantos153 Жыл бұрын
Anung blender?
@junceriola74 Жыл бұрын
Blender, marami niyan sa mga appliance store.
@junceriola74 Жыл бұрын
Sa Lazada or shoppe marami niyan, search mo lang blender.
@alfiedumaguing Жыл бұрын
Salamat po sa info
@junceriola74 Жыл бұрын
You're welcome brother
@juvelitoserna331 Жыл бұрын
Wow good job sir
@junceriola74 Жыл бұрын
Thank you, pa subscribe naman brother para ma notify ka lagi sa mga new uploaded video ko. God blessed
@simplengmanokannghirapsabu5357 Жыл бұрын
Tapos kudkurin ilang oras ibilad sa,.araw ang nyog sir
@ronnelreyes80206 ай бұрын
Salamat sir ..at nkakatuwa yung alaga mo ungoy jaha
@catalinoopoc784 Жыл бұрын
Pwede ba ang sapal ng niyog
@junceriola74 Жыл бұрын
Oo Pwede, pero mababa na ang makukuhang fats dito kc wala na itong gata. Ngunit ang protein ay the same pa din.
@cesardegala702210 ай бұрын
Thank you po
@junceriola7410 ай бұрын
You're welcome my friend. God bless
@marlonmiralles3048 Жыл бұрын
New subscriber sir
@junceriola74 Жыл бұрын
Thank you brother, kung may mga katanungan ka about sa Poultry Farming, message ka lang. God Blessed
@bahaghari6261 Жыл бұрын
Hi po sir good day po. May natutunan me s mga video nyo po. Sir pwede po b makipagtulungan para po madagdagan mga subscribers natin, pwede po b sir? Thanks po sir.
@junceriola74 Жыл бұрын
Pwede naman,
@galangkonsi8610 Жыл бұрын
Salamat lods mabuhay ka
@junceriola74 Жыл бұрын
Thank you brother
@inspiredcapillo444 Жыл бұрын
Saan po kayu sa iloilo boss
@junceriola74 Жыл бұрын
Sa guimaras ako brother
@junceriola74 Жыл бұрын
Taga iloilo kaba brother
@inspiredcapillo444 Жыл бұрын
Opo sa calinog po Ako sa iloilo lagi Ako nanonoud Ng videos nyu po nakakatulong talaga
@junceriola74 Жыл бұрын
Basta about poultry farming, BSF farming at Feed formulation nasa vlog ko yan, keep on watching lang. God blessed brother
@AngelitoBitbit-op6eu Жыл бұрын
Mahusay wait ko Ang paggawa ng feeds para sa baboy
By weight, magmi mix ka ng 1 kilo na patuka, ang 1kg is 1,000 grams Solution: 1000 grams x 5.00% = 50 grams Meaning, every 1kg or 1000 grams na gagawin mong feeds ay 50 grams na copra meal. Keep in touch lang, message ka lang kung may additional questions, pa-share naman ng video. Good blessed
@junceriola749 ай бұрын
By weight, example magmi mix ka ng 1 kilo na patuka, ang 1kg is 1,000 grams Solution: 1000 grams x 5.00% = 50 grams Meaning, every 1kg or 1000 grams na gagawin mong feeds ay 50 grams na copra meal. Keep in touch lang, message ka lang kung may additional questions, pa-share naman ng video. Good blessed
@agrihobbytv1028 Жыл бұрын
shout out Sir..
@junceriola74 Жыл бұрын
Cge sa next video ko, shout out kita. Thanks for watching
@lakbaypasyal69468 күн бұрын
But it need..griding machine
@junceriola748 күн бұрын
@@lakbaypasyal6946 it optional.
@PinoyUnstoppable Жыл бұрын
Wow good job po sir
@junceriola74 Жыл бұрын
Thank you
@joelvillamino4011 Жыл бұрын
Good jib sir
@junceriola74 Жыл бұрын
Thank you brother, advocacy ko kc yan, ang magbigay ng knowledge sa mga small farmers
@rosalinanario56682 ай бұрын
Masyado detail kya mabagal
@junceriola742 ай бұрын
@@rosalinanario5668 ano yon, di kita ma gets
@edwardsenarlo5195 Жыл бұрын
Good evening sir
@junceriola74 Жыл бұрын
Good evening
@johnnyzandro7480 Жыл бұрын
Di nyo na naexplain paano maayos ang isyu doon sa high fiber content. Tnx.
@junceriola74 Жыл бұрын
Hahaba masyado ang video, alam kung itatanong ninyo yan. Anyway, ito ang kasagutan, 14.10% ang fibre ng CM, kaya need itong idaan sa fermentation gamit ang lactic acid bacteria para ma reduce ang fibre kahit papano (may separated video ako about fermentation). Nare reduce kc ng 7.98% ang fibre kapag na ferment ito, kaya yan ang dahilan (high fiber) sa limited na ratio nito sa formulation (maximum of 10% only).
@johnnyzandro7480 Жыл бұрын
@@junceriola74 so pag di mo na ferment idol, babaan mo na lang ang ratio sa formulation? Di ba maapektuhannaman ang fat content na kailangan din natin pag binabaan din natin ang ratio? Salamat.
@junceriola74 Жыл бұрын
Di naman ito makaka apekto sa fats, dahil ang formulation ay may 4% na corn oil, sapat na ito para sa fats, now doon sa isa mo pang tanong kung di na ipi ferment at babaan na lang ang ratio sa CM, para sa akin need I ferment, kc sayang naman ang CM lalot marami ka nito kung kakaunti lang ihahalo natin sa formulation.