tatay ko nun dating kartero sa buong los baños, laguna noon almost 47 years in service siya na postman at postmaster halos lahat na ata ng uri ng mail na deliver na niya. magmula lang nung natigil ang biyahe ng PNR Philpost year 1998 medyo naging matumal ang padala. lalo na nung nauso ang social media. hehehe sobrang proud ako sa mga kartero kasi grabe ang tiyaga nila. ngayon isa na akong Post Manager sa PhilPost Main Office.
@jihyanaodrei3160 Жыл бұрын
❤❤❤😢
@ecnirp9197 Жыл бұрын
salamat po sa serbisyo nio ✌️🙏
@mamertolopez4401 Жыл бұрын
@mamertolopez4401 Жыл бұрын
@mamertolopez4401 Жыл бұрын
@aneecruz77 Жыл бұрын
Sana lahat ng government employees may ganyang dedikasyon sa trabaho Nila, na kahit mahirap financially at physically andun ung tinatawag na serbisyong totoo. Sana rin maisip ng mga nakaupo ngayon ang kapakanan nila, benefits and all. Mabuhay kayong mga totoong may malasakit sa bayan..
@louiemarcduterte271 Жыл бұрын
Atom deserves a solo channel solely dedicated to all his documentaries. All deserves an award. Featuring always mga taong lumalaban ng patas sa buhay.
@Zehahahahahahahahahahahaha Жыл бұрын
Meron na siya matagal na yung Atom Araullo Specials
@jayann00000 Жыл бұрын
Galing nila, 20 and 33 years in service. Sa panahon ngayon na papalit palit ng work ang hirap mag stay sa isang work ng ilang years. To think na maliit pa ang sweldo. Passion na nila ang work nila kaya nagtagal sila. Sana tumaas din ang sweldo.
@gambitgambino1560 Жыл бұрын
Hinahangaan natin sila pero wala naman tayong ginagawa. Di nila kailangan ng hanga ang kailangan nila mataas na sweldo. Pag nag rally yan mga yan galit na galit iba. Sasabihin lahat na lang ni rarally buti nga may trabaho pa etc
@lorenavillianueva6291 Жыл бұрын
Malabo pong tumaas ng talagang mataas ang sahod ng mga tiga philpost...kc sa panahon ng internet ngaun malaki na inihina ng post opis...maging postmaster ka man... Di p din ganun kalaki ang sahod... Tiagaan lang talaga ang pagiging kartero...
@Cesyt1995 Жыл бұрын
Professionalism at passion po, yan ang wala sa karamihan ng kabataan ngayon... Yung pinagalitan ka lang ng boss mo mag aawol ka agad ganyan sila ngayon...
@gambitgambino1560 Жыл бұрын
@@Cesyt1995 sa bawat generation may ganyan. Nagkataon lang na may social media ngayon kaya nailalabas ng mga hr mga napapansin nila example sa twitter. Kumpara noon panahon nyo noon
@ertydg Жыл бұрын
buti na lang walang ginagawang aksyon ang dole
@charchartraveller305 Жыл бұрын
I consider them as unsung modern heroes. Thank you for making this dicumentary film. Much respect to all karteros.
@AdvincetureTV Жыл бұрын
Sad but true. Naging kontrakwal din na Kartero ako wayback 2015. Malayo pa ako nadistino. kaya Everyweek lang uwi ko sa amin. Kudos sa mga Kartero na kahit maliit ang pasahod lalo na pag kontrakwal lang ay masigasig pa rin sa paghahatid ng mga sulat at parcela. Very proud na naging Kartero din ako dati at naranasan ang isang napaka Marangal na trabaho.
@tradebucket3562 Жыл бұрын
Saludo ako sa mga Kartero. Iba ang dedikasyon nila sa trabaho. Sana mataasan din mga sahod nila dahil malaki din effort nila magdeliver ng sulat at packages through the years. Maraming buhay ang nabago sa bawat sulat na dala nila sa maraming taon. Mabuhay po lahat ng mga kartero.
@eltambulero2392 Жыл бұрын
Ibubulsa muna ng mga nasa taas yan kesa taasan sahod. Bilyon ang kinikita ng post office sa national id, pero nung pasko wala manlang bonus yung mga j.o./contactual employees. Grabe lang.
@erost.v9855 Жыл бұрын
Hays hangat may mga Sakim malabo po Yan.
@erost.v9855 Жыл бұрын
@@eltambulero2392 San pwede mag pa bago Ng national i.d pag namali Yung letter Ng name?
@sherylreyes8267 Жыл бұрын
Nawa'y mapanood ang dokumentaryong ito ng mga nasa gobyerno at makagawa ng panukala upang maitaas ang bilang ng trabahador at maging ng sahod nila. Batid nating ang mga importanteng dokumento ng gobyerno ay sila ang nagdadala sa mga dapat tumanggap. Pagpalain po kayo ng Diyos at mag iingat palagi mga masisipag na letter carrier/kartero. Thanks Mr. Araullo for this documentary.
@Aaron-og9xn Жыл бұрын
Sobrang ganda at simple ng docu and ang galing ni sir Atom. Salute sa GMA at sa mga kartero 🙂
@flinch2657 Жыл бұрын
What a beautiful documentary, ang sarap ipakita sa mga kabataan ngayon so they would have an idea what life is like in the past nakakatuwa ang nostalgic. ❤️🤗
@pedromarquez3889 Жыл бұрын
I was a letter carrier or postman with US Postal Service for 37 and half years i retired in June 2020 i love the job. I used the postal truck or Van to deliver my route.Thank you Atom love your documentary. Watching from Seattle. WASHINGTON USA
@aceb153 Жыл бұрын
The difference is malaki sahod pag nag work ka sa government post office sa United States at Canada. Sa Pinas maliit lang ang pasahod. Dito sa Toronto, marami nag-aaply sa Canada Post kasi maganda pasahod.
@erost.v9855 Жыл бұрын
@@aceb153 dba parang bawi din Malaki nga sahod madami din kaltas mahal din Ang bilihin etc.
@erost.v9855 Жыл бұрын
Sir magkano per hour dyan as sa postman?
@aceb153 Жыл бұрын
@@erost.v9855 True. Pag malaki sahod mo sa first world country, malaki din tax mo. I don’t work in the government Post Office, but some of my friends and my cousin works in Canada Post. I work in a chocolate factory. I do eat chocolate every day lol.
@erost.v9855 Жыл бұрын
@@aceb153 Ang Malaki daw sweldo dyan truck driver sa america. Kaya nga mas masarap mag work sa ibang bansa.
@ianflores6506 Жыл бұрын
Ang galing👏at least bago pa man tuluyang mapalitan ng teknolohiya ang payak na paraan ay makita ng mga bagong henerasyon ang isang bahagi na ng ating kasaysayan.
@nolascopfeliciano731 Жыл бұрын
Nkakamiss ang mghulog ng sulat pang personal man o pang komersiyo..Nkakalungkot lang sa makabagong Teknolohiya unti unti ng nbubura ang sinaunang pamamaraan ng paghahatid ng Komunikasyon sa pamamagitan nga ng "Liham" or sulat.. I am deeply salute you mga sir for over years you did your great job👏👏👏
@danicamarielduque8264 Жыл бұрын
Great storytelling. Pero sana sa pag-angat ng teknolohiya, sana mag-upgrade din ang Philpost. Set up PO Boxes in every town para tao na mismo ang magcheheck ng mailboxes nila kesa mga kartero pa ang maghouse to house. Pwde ding isetup mga PO Boxes sa mga palengke para convenient at nachcheck nila kada linggo kung nakatanggap sila ng sulat. Unless court orders should be really personally handed over. Saludo po ako sa mga Kartero! Ang laki po ng sakripisyo ninyo maihatid lamang ang mga sulat, umulan man o umaraw.
@marieroyal4434 Жыл бұрын
May Facebook na kasi kaya wala ng nagpapadala ng love letters. May Fed Ex, UPS, at Express mail services na pati. Yung mga old school people na lang nagpapadala ng love letters thru snail mail like my husband when we were still dating. Alam na this na boomer and gen X usually inabot ang snail mail love letters. Kudos sa mga kartero diyan. God bless you always sa araw-araw na pagde-deliver ng mga sulat. Madami diyan nakakagat ng aso at nasasagasaan ng mga sasakyan. Ingat palagi. Love your job and your job will love you tenfold.
@patrickpaguyo8235 Жыл бұрын
The site of the Manila Post Office is nostalgic. I remember those days in college when I used to walk from school (Mapua) to this building and stand in line to send a letter or claim a parcel. It was the primary link between my immediate family who were abroad and myself who stayed. Thank you for making and airing this documentary.
@shanetolentino8928 Жыл бұрын
Saludo sa lahat ng kartero, kagaya ng aking tatay :) nakapagtapos ako ng kolehiyo dahil sa sipag at tiyaga ng aking tatay. hanggang ngayon kartero pa din ang aking ama. per piraso ang bayad na di ganun kalaki. #proudanakngisangKartero
@renerosalez4915 Жыл бұрын
Salamat.
@CT-go1px Жыл бұрын
Sobrang galing na dokumentaryo!!! Ipagpatuloy ang malayang pamamahayag at galing ng kaisipan. Mabuhay kayo! Taga-sunod at tumatangkilik mula sa Chicago,Illinois sa Amerika.
@whatsuphanni_playz1239 Жыл бұрын
Sa ganitong palabas nakikita na hanggang ngun bulok at overwork ang mga manggagawang sa pilipinas walang day off dahil walang kikitain!!! Kaya madaming pilipinong nasa ibang bansa dahil ang pagod at Hirap mo na appreciate at higit sa lahat bayad! Saludo sa manggagawang pilipino
@mesiasflores7778 Жыл бұрын
Ang laki ng improvement naten mas napadali ung communication naten sa malalayong Lugar pero Isa to den sa maging Daan para makatanggap ng mensahe nuon sa malalayong Lugar ❤😊😊
@lazyleano3505 Жыл бұрын
Mailman from.ilocos norte here!!
@MiyakaOno Жыл бұрын
Bitin!! Haha grabe saludo ako sa kasipagan ni Tatay. siya yung deserving talaga tumaas yung sahod. yung dedication niya sa trabaho ang solid! di gaya ng mga corrupt sarap buhay lang pero ang laki ng sahod. kakapal ng mga mukha eh. Sana tlaga taasahan sahod nila lalo din yung benefits dahil napaka deserving po ninyo 'tay. May god bless you always! 💗💖
@quinethllagas-py5xw Жыл бұрын
Hello po sir atom..sana makasalamoha morin kaming mga cafgu.at Mae dokumentaryo morin kung ano ang buhay na mayron kaming mga cafgu.kasi Hindi kami napapansin ng government nation para dagdagan sana ang allowance namin..thank you po.god bless.
@leonkennedy1205 Жыл бұрын
Oo nga naman sir atom araullo.. Iba din buhay ng mga cafgu.
@joemesttv7280 Жыл бұрын
Support aku jan
@Lavender_mistDiary Жыл бұрын
nakakamiss talaga yong mga handwritten letters and photos attached sa letters noon. Lalo kapg OFW, kasi hindi talaga nakikita kaya I think mas heartfelt yong letters dati pati ang pagsalubong sa mga umuuweng kamaganak.
@vincentvillegas1737 Жыл бұрын
sana naman bigyan kame ng pansin ng nasa taas itaas din ang sweldo at wag idelay
@barbaryotik78 Жыл бұрын
Ang cute kaka miss din talaga ung paraan ng communication noon good job sir idol Atom❤️🙏
@babylily2448 Жыл бұрын
𝑶𝒐 𝒏𝒈𝒂 𝒑𝒐
@2005dythan Жыл бұрын
What a beautiful episode. Sobrang nakakahanga si kuya kartero
@eldie5071 Жыл бұрын
Napapunta dito dahil nasunog ang Post Office 😢 sarap balikan ang nakaraan
@factsmazing2021 Жыл бұрын
Nakakalungkot na pag nag modernize na. Surely mawawala na ang ganitong kaugalian. Haysss. Di ko man natry mag penpal or love letter before pero im sure nakaka excite yun. Imagine maghihintay ka ng dalawa o tatlong linggo bago makuha ang sagot. Di tulad ngayon lahat instant na nakakawala ng excitement.
@Jason-qt9iz Жыл бұрын
Naalala ko, last tanggap ko ng sulat ay nung 2009 talagang inaabangan ko dumating yun araw araw kasi gusto ko ako makatanggap at wag magulang ko. Dahil, yung sulat na yun galing sa school namin nung college at ang laman nun at summary ng grades ng last sem namin. Yari ako pag hindi ako nakatanggap, makikita yung isa kong bagsak sa isa kong subject. 😂
@janechu1009 Жыл бұрын
Thank you for bringing awareness to their plight.
@jeffrey.jimenez4632 Жыл бұрын
Salute po ako kay tatay at kay kuya at sa ibang pang katerong kagaya nila, ang tyaga nilang magtrabaho.
@alvinaltovar163 Жыл бұрын
Superdad and salamat po sa service nyo sa ating bayan. Much Respect!
@theroamingwatercolorist937 Жыл бұрын
Nakakalungkot sobra nang masunog ang Philpost MCPO. Last na punta ko dyan bago magpandemic. Nakapag selfie pa ko sa mga antigong gamit nila na nasa museo tulad ng typewriter. Narating ko pa yung parang columbarium na mail boxes sa dungeon na sobrang tahimik.
@ma.theresalaquindanum5036 Жыл бұрын
wow tatay hermie go go go lng po
@ronaldomagat17 Жыл бұрын
Salamat at nakita ko n nman bayan ko Macabebe, Salamat Atom more power
@LeaMaria2020 Жыл бұрын
Salamat po sa dokumentaryong ito! Balik tanaw at pagpapahalaga! 10 days yata ang mimimum waiting time pag domestic...
@bentong1324 Жыл бұрын
Wow.. thank you for highlighting all the postal workers and their challenges at work. He was probably my dads long lost relative… Quiambao’s from Macabebe - he just look like my dad… 😊
@emilcahilig Жыл бұрын
Maraming salamat I Witness lalo na Kay Sir Atom na napansin pa Rin ang mga Kartero natin . Napakagandang Documentary
@markrobertcastillo3461 Жыл бұрын
Sobrang gandang documentary nanaman!
@BricksGaming Жыл бұрын
Always a fan on all documentaries by I-witness, keep it up :)
@cristymalano3498 Жыл бұрын
Dito sa UK ndi Ka makaka work as a post man or woman na may record ka trustworthy hard working sila I will salute you all working as a kartero
@liriopimentel6471 Жыл бұрын
Kudos atom! 😍
@parekoyinmacau8722 Жыл бұрын
May brother kartero din sa roxas city capiz, for 35 years kaya saludo kami sayo kuya
@mlsbtn67 Жыл бұрын
Ang pag aanak choice ng tao. Choice mo, sakripisyo mo. Huwag ihinaing sa gobyerno ang hirap mo, dahil pinili mo mag anak. Gayunpaman, may mga programa ang gobyerno para tumulong, pero hindi para iasa at isisi sa gobyerno ang responsibilidad ng tao sa kanyang sarili.
@silverblossom9119 Жыл бұрын
So happy n nka experience pa ako magpdala ng sulat thru post office.piso ng selyo noon pag local lng.nkka excite din mghintay ng reply.pati sa mgs artista sumusulat kmi dati.pinapadalhan kmi ng picture
@gabz1059 Жыл бұрын
Refreshing,,kc maalala m ung time na wala pang cellular phone..Love letter pa noong araw,challenging ung paghhntay ng reply..❤❤❤
@alpinaes1006 Жыл бұрын
Good job to all post man❤️❤️❤️🎉
@rhonagilo8176 Жыл бұрын
Ang tagal kase dumating ang sulat kahit na sa pilipinas lng naipadala. sana 3 to 7 days lng makakarating na . 😂 Relevant pa din tong pagpapadala ng sulat , ng nasa ibang bansa na ako parati akong ngpapadala ng sulat agad2 nmn nkakarating ❤
@mikeiglesias1255 Жыл бұрын
totoo po iyan. Ako po bilang HR nag papadala po ako ng ibat ibang sulat sa mga empleyado at mas mura talaga sa Philpost. Mas malayo din po ang naabot nila. May mga sulat po dati ako sa lbc di na po kaya ideliver kasi nasa gitna ng tubig ang isla pero sa Philpost po lahat pede. :) saludo po ako sa mga kartero! salamat sa dokyu mo sir atom at namulat nanaman ang akin mata at isipan sa isang mundo na hindi masyado nabibigyan ng pansin! Sana makatanggap din ako love letter via mamang kartero ahahaha
@lazyleano3505 Жыл бұрын
Haha im sure.ung mga awol maam? Oo naman maam! Hahanapin namin lahat except kung hindi kakilala sa brgy or nangupahan lang
@manangmjtv1115 Жыл бұрын
Salute po sa lahat ng kartero sa ating bansa 👏👏👏👏👏
@rouldansantiago3227 Жыл бұрын
First comment all the way from TAIWAN 😊
@saxhehalton1362 Жыл бұрын
Salute sainyo, naway dagdagan din sahod at benefits nyo🙏❤️ Godbless po always ❤️❤️❤️
@flocerfidaestanislao6054 Жыл бұрын
Hello May Idol Atom iba rin.talaga pag sulat ang sarap ng pakiramdam at sa malalyong lugar na alang cgnal at may masipag na cartero Godbless
@senaritaluzon2365 Жыл бұрын
Wow, good job to the team🙏😊
@suites62007 Жыл бұрын
salute! 5stars! yung mga dumanas at nakaranas ng penpall diyan. specialy mga girls natin na naka hanap ng penpals at mag pa hangang ngayon naninirahan na sa ibang bansa at nadala na pati buong pamilya. isa po yan sa dati niyong pangarap na maka pang asawa ng foreigners.. hehe yung iba nakalimutan na sila.
@thelmagrover2977 Жыл бұрын
Von Rex, I worked in Manila Post Office 1969-1976. March 1976 a white man from USA was my penpal. I was able to write to him everyday kasi doon ako nagtatrabaho. November 1976 he came to marry me and brought me here in GREAT USA. All Glory to God for finding a great job with U S Air Force as I studied accounting at Far Eastern University.
@kulotgonzales4582 Жыл бұрын
Sarap manood Ng I witness legit pang tangal stress din
@jessieveridiano2854 Жыл бұрын
nice one
@jimpenas6525 Жыл бұрын
Saludo sa inyo dalawa sir. At sa buong pillpost
@xmarksthespot6699 Жыл бұрын
Eto dapat taasan na sahod na mga government employees, hindi mga buwayang kurap na mga opisyal
@LearningBuddyMHH Жыл бұрын
Nice docu hanga ako sa kanila
@jonitai3795 Жыл бұрын
Saludo talaga me sa mga kartero nang minsan magdeliver ung kartero sa school namin kc ako nagrereceived ng mga letter na laman ay form137/sf10 sa school nag ask ako kung ilan taon na xa sabi niya apat sabay sabi apat na dekada na niya itong trabaho napa Wow ako sa tiyaga niya sa work niya imagine 40 years 👏👏🥰
@artrebancos1158 Жыл бұрын
Mabuhay po kayo mang con 15 years nagdedeliver samin yan at lahat ng kartero ♥️♥️🙏🙏🚴🚴
@lestersayno2210 Жыл бұрын
Good job
@angtiaga7770 Жыл бұрын
Ok n sana tapos my patalastas n pagkahaba haba n walang skip...hininto q n manood
@ricoalmarez Жыл бұрын
Kailangan mahalin at seryosohin mo ung trabaho para tumagal. Lesson of the day
@marlonmendoza3686 Жыл бұрын
Naalala q yan kc unang trabaho q yan year 1998 at ang transpo bnbgay skin 80 pesos. Ex: QC route q instead n masahe aq lakarin q kc 80pesos nun laking bagay na. Lakad lng ggwin q ang baon q kainin q san man aq magutom. Hayy sbrang hirap pero masaya aq kc pinakaen q xa pamilya q gling xa pawis q. Ngyon andito aq xa UAE nsa 19yrs nko dto. Salamat at nging matatag aq
@PapsGhelo5328 Жыл бұрын
isa sa inaabangan ko itong i witness na mag upload sa youtube.
@lotlife Жыл бұрын
Saludo po sa inyo
@jhonreyybanez6195 Жыл бұрын
Shout out po Kartero from Bayawan City Negros Oriental..
@tuesday_n00n Жыл бұрын
Salute!
@josephinealumpe7730 Жыл бұрын
Kamusta n kaya si kuya kartero sa amin lagi nming hinihintay kung may sulat o padala ang kuya ko galing Ausria sana makita ko ulit si kuyang kartero.
@elmersuriaga5180 Жыл бұрын
Trabaho ko dati yan sa post office NG que on city. Naka mi miss work ko dati10 years din po ako Don. Bago NG abroad
@krysia2686 Жыл бұрын
Watching it again after the devastating news. 😞
@nuanlee928 Жыл бұрын
Basta tatak I WITNESS the BEST talaga sa documentaryo
@ella7582 Жыл бұрын
Nakaka Hanga sila~ very inspiring.
@liriopimentel6471 Жыл бұрын
Parang ang sarap uli magpadala ng sulat .. Nakakamiss .
@calixfyzx6765 Жыл бұрын
date noong late 90's sa isang linggo halos 2 beses ako ngapapadala ng sulat sa hawaii at halos 2 beses din nakakatanggap ng sulat mula kapolei hawaii express mail yun,mula sa isang kaibigan na taga doon na nakilala ko s isang mall s metro manila.
@NersThErr Жыл бұрын
parang nakakamiss gumawa ng sulat. tapos yung tatanggap nung sulat mo e excited.. #SaluteSaMgaKartero
@wndrPLPNS Жыл бұрын
Sometime ago nung nasa 20s pa ko, naiisipan kong maging postman kaso naisip ko parang pahirapan ang application sa PhilPost dahil sa digitalization at nagbabawas ng emplayado. I ended up not submitting any application. Saludo ako sa mga post people! ☝🏼
@jai-he5gv Жыл бұрын
I'm in the current phase. 20's and interested din sa pagiging postman, dahil passion ko rin ang paglalakbay and pakikipagsocialize. And yeah, what hinders me is the digitalization and low salary...
@lazyleano3505 Жыл бұрын
Second job ko nun pension loan, nagpapadala kami sa post office ng mga prospect client namin na hindi nmin mahanap, Kada taon ako nagpapadala ng application ko sa post office para maging mailman, Umabot ng mahigit 7 years sa pangungulit, natanggap ako pero bilang job order muna, Ngayon, mas magaling pa ako mag deliver sa regular na mailman namin, 40percent ng national id at deliver ko, Totoo maliit sweldo, pero ginagawa namin, four days lang pasok ko para mabayaran ung fifth day kahit di pumasok (internal arrangement sa postmaster ko) at nagpa.part time sa palengke kapag friday at sat. May eligibility ako sa subprof at prof, mas pinili ko ito kesa maging fireman o lto clerk na pinu push ng tatay at nanay ko, Iba din kasi ang feeling ng pasion sa work,
@diethertv4472 Жыл бұрын
Ngayun sunog na ang Post Office sa Manila. Sayang lng, pinanday ng kasaysayan ngaun abo nalang🥺
@Vulpixxxxxxx90000 Жыл бұрын
nice documentary 🙂
@edwinmenez8213 Жыл бұрын
Yan po ang tunay na bayani ng bayan
@naldy888ace8 Жыл бұрын
Saludo ako sa ating mga kartero, Mas maganda padin talaga yung magpapadala ka sa mahal mo sa buhay or nililigawan is Card kasi sa panahon ngayun dahil nadin sa technologie nadin wala ng nakakaisip nito. Mas Romantic kung card ang ibibigay mo sa nililigawan mo kasi itatago nya talaga yung card na ibibigay mo. compare sa text message na pwede syang mabura. Iba filling kung yung tumatangap ng card ang bibigyan mo. kilig sila. kaya ako mas gusto kupa din card ibigay sa taong mahal mo. mas maalala ka nila, kasi nag effort ka. Sweet masyado nakikita mo kasi yung penmanship ng tao sumulat at mahal mo. 🥰❤👍👍Akala ang liham na isusulat ni atom para kay Zen Minamahal kong Zen H. 🥰✌
@fedilyngarcia9837 Жыл бұрын
Salute
@pearl14090 Жыл бұрын
Dati ring Kartero uncle ko dyan sa Maynila.Nag resign dahil nag Abroad.Also..nung nasa Abroad din ang asawa ko,weekly once or twice a week nagme mail ako sa asawa ko.malaking bahagi sa buhay may asawa ko ang Post office dahil yan lang ang means of Communication nung araw.(wala pang Cp) at nung araw walang puwang ang Mali sa Spelling 🙂dahil nakakahiya pag malimali ang spelling mo sa sulat.Imagine 2 to 3 Pages ng Yellow paper na baliktaran na para kang gumagawa ng Novela para lang mabawasan ang Homesick at Boredom ng asawa ko.Nung nauso ang CP dyan na nag umpisa yung mga wrong spelling gawa ng kailangang ishort mo ang sms lalo pag Abroad.Mas ok pa rin ang Philpost.
@nymphacubile6554 Жыл бұрын
Kuya, ipa update nyo po leave credits nyo sa philpost. Hindi po pwedeng 10 days ang leave balance nyo. Atom please help them.
@redfordsaludes52 Жыл бұрын
Salamat mga kartero❤
@BisdakCutie Жыл бұрын
sana gumawa kayo nang dokumentaryo sa National ID
@samlucas1857 Жыл бұрын
Napakaganda!
@Survivor100 Жыл бұрын
💕💕💕💕
@heartie24 Жыл бұрын
Parang mas masaya nuon kesa sa mga automatic na sistemq ntin ngaun
@karikare2054 Жыл бұрын
saan aabot ang 8to9k per month
@pauloercia1352 Жыл бұрын
Sa canada ang mga Kartero super laki ng salary at maganda ang benefits. Sana sa Pilipinas din bigyan ng karampatang benepisyo at sahod silang umulan bumagyo umaraw man naghahatid ng mga sulat at parcel sa ating mga tahanan
@jencastro Жыл бұрын
Because here in Canada it’s federal government run.
@jrdonasco233110 ай бұрын
@02:02 ❤
@jamillamariematias1085 Жыл бұрын
Watching it again a day after na masunog ang Manila Central Post Office 😢
@great_victory Жыл бұрын
❤️❤️❤️❤️
@liriopimentel6471 Жыл бұрын
Nakakatuwa nmn c tatay napakasipag .
@jameskielmaylas3366 Жыл бұрын
Saludo sa lahat ng mga Kartero.
@ceferinobanting3099 Жыл бұрын
Namamatay ang Phil Post dahil sa makabagong panahon, alam ko inaayudahan ng gobyerno para lang mabuhay ito, pero nakapagtataka kung bakit hindi ginagamit na courier ng Phil Statistic office, at ng DFA para maghatid ng mga passport, birth certificate at iba pang Public documents, sa halip meron mga sarisariling private courier ang mga ahensiyang ito, na binabayaran ng malaki ng mga tao sa kanilang serbisyo!...Magkano kaya ang kinikita ng mga bossing ng mga ahensiyang ito?