Рет қаралды 2,313
Paano mo sasagipin ang iyong kapamilya kung kailangan ninyong maglaban para sa isang pwesto sa finals ng huling kumperensiya? Magbibigayan ng mga panalo sa isa’t isa upang kahit papaano ay tumagal ang serye at nang sa gayon ay marami pa ang manood sa PBA? O ang paraan ng pagsagip sa inyong kapatid at kapareho ng hanay ay mabigyan sila ng sapat na pahinga upang makapaghanda sa pinakadulong yugto ng Governor’s Cup? #SagipKapamilya #PUSOSports
Papasok ng kanilang harapan ngayong semifinals, mayroong mga balitang nagpa-antig at gumulat marahil sa mundo ng Pinoy basketball. Ang batikang big man ng San Miguel Beermen na si June Mar Fajardo ay hindi na nga muna makapaglalaro dahil sa iniinindang injury. Habang ang ironman ng Ginebra na si LA Tenorio ay mayroon namang mabigat na laban na kakaharapin patungkol sa kanyang kalusugan.
Gayunpaman, patuloy ang buhay ng mga nananatiling manlalaro sa hanay ni Ramon Ang. Patibayan na talaga ng lineup at palakasan na talaga ng mga imports ang dalawang sister teams. Kung ano ang kayang gawin ng San Miguel, nais namang pantayan o higitan pa ng Gin Kings. Lumamang man sa puntusan itong si Cameron Clark kumpara kay Justin Brownlee ngayong gabi, lamang naman si Malonzo sa produksyon kontra kay Perez.
Kung wala si JMF para sa SMB, sino ang tatapat sa magiging ambag ni Christian Standhardinger para kay Coach Tim Cone? Sa lahat ng mga manlalaro, si CStand nga ang nakapagtala ng pinakamataas na puntos sa larong ito sa pagkakaroon ng tatlumpu’t tatlo. Sa kanyang pag-atake sa loob, walang nakapigil at kanya lamang iwinasiwas ang kanyang mga kabantayan. Parang pinatutunayang akma sa kanya ang bansag na “bulldozer”.
Nagtapos ang laro sa final score na 121-112 pabor sa mga nakaputi. Nanaig sa dulo ang tila pinakasikat na team ng SMC. Anong masasabi ninyo sa bakbakan ng San Miguel at Barangay Ginebra? Tila walang sagip kapamilya na magaganap. Kung nakapaglaro kaya si Terrence Romeo, may magbabago ba? Eh kung naglaro si Japeth Aguilar, patuloy bang mababaon sa limot ang kabilang koponan?
__________________________________________________________________________________
Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: / @onesportsphl
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
www.pba.ph/recap
www.pba.ph/gal...
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!