Рет қаралды 214
Sa darating na Linggo, ika-24 ng Marso, ay Domingo de Ramos. Sama-sama tayong makiisa sa pagsisimula ng mga #MahalNaArawSaMeycauayan2024 kasama ang imahen ng Matagumpay na Pagpasok ni Jesus sa Jerusalem ng Pamilya ng Yumaong Leonardo "Boy Pitong" Ramos at Isabelita Ramos na ngayong taon ay nagdiriwang din ng ika-30 anibersaryo ng pagkakagawa.
Ang Prusisyon ng mga Palaspas ay magsisimula sa ganap na ika-8:00 AM sa Bisita ng Hulo. Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at magdala ng mga palaspas.
[Ang video na ito ay gawa ni Nykko Santos ©.]
#Lent2024
#Kuwaresma2024
#Meycauayan
#1578to2028
#MeycauayanRoadTo450Years