Рет қаралды 23,239
Ang payak at tahimik na bayan ng Matuguinao ay minsang binalot ng kaguluhan at karahasan na dulot ng mga teroristang kilusan. Lubos na naapektuhan ang mga naninirahan sa nasabing bayan kung kaya’t nilayon ng pamahalaan na paigtingin ang pagsupil ng mga terorista rito. Isa sa mga naging prayoridad ay ang pagpapagawa ng mga daanan upang mas madaling matugunan ang pangangailangan ng mga naninirahan dito at nang sila ay maprotektahan mula sa mapagsamantalang kilusan.
Matutunghayan sa dokumentaryong "Matuguinao: Dalan sa Paglaom" ang isang kwento ng pag-asa at pagbabago na hango sa tunay na karanasan ng mga residente nito.
#MatuguinaoDalansaPaglaom
#KapayapaanParaSaLahat
#PhilArmy
#ARMY125