KILIG BY MC EINSTEIN Panay sulyap lang lagi Nagbabakasakali Na maabutan ka habang nagkakalad Kasi pag nakikita ka'y tumatalab Ang nagmistulang gayuma ng iyong ganda Ako'y kinikilabutan pag andiyan ka na Halos mahulog ang puso ko sa'king kaba Paano na lang to kapag akin ka na Kaso lang malabo pa ayaw kong pangunahan Pa'no makakaamba eh hanggang tingin pa nga lang Di nga kita kayang kausapin Ni lapitan ka'y isang pagsubok sa'kin Pa'no ko ba kasi hahanapin ang lakas ng loob oooh... At nang mahuli kitang sa'kin nakatingin Ay muli kong nadama na naman ang kilig At nanghina ako, nanghina ako 'Di ko sinasadya na ako'y kiligin Malay ko ba naman na nakatingin ka rin Nanghihina ako, nanghihina ako Sa t'wing ako'y humaharap sa salamin Susubok kung pa'nong ngiti ang gagawin Nag-aayos maigi pero aanhin Ang porma at pabango kung wala lang rin Namang mapapala pa'no panay ang tulala Abot kamay na nga, pero wala pang nagawa At nang mahuli kitang sa'kin nakatingin Ay muli kong nadama na naman ang kilig At nanghina ako, nanghina ako 'Di ko sinasadya na ako'y kiligin Malay ko ba naman na nakatingin ka rin Nanghihina ako, nanghihina ako Magkakar'on kaya 'ko ng pag-asa kung aasa lang at walang ginagawa Kung lagi lang nakatanga, nag-aabang kung kailan ba talaga Ang tamang panahon o pagkakataon Paano kung magtanong na lang kaya sayo At nang mahuli kitang sa'kin nakatingin Ay muli kong nadama na naman ang kilig At nanghina ako, nanghina ako 'Di ko sinasadya na ako'y kiligin Malay ko ba naman na nakatingin ka rin Nanghihina ako, nanghihina ako
@satskiusatskiu25 Жыл бұрын
Noice ❤️
@satskiusatskiu25 Жыл бұрын
Pagawa din po yung inging by Bigyear Intrumental din po sana idol🥺❤️