Рет қаралды 16,024
TITLE: SAPAT NA ANG PANSAMANTALA
BY: MERCY BLESS C. LIGERO
Kahit na saglit
Kahit na masakit
Sapat na sa akin ang makasama ka
Kahit na maliwanag na
Na masaya kana sa piling niya
Sapat na ang pansamantala
Di ito ang nais kong isatorya
Na ako yung bida na nagpapakatanga
Pero walang magawa dahil
Natatakot na mawala ang mahal niya
Kailan ba matatapos ang ganitong kalokohan
Na ang puso ko’y di ka kayang pakawalan
Kahit na ako lagi ang umuuwing luhaan
Ay ok lang kasit na masasaktan
Pinili ko ang maging parte ng buhay mo
Kaya eto ako buong buo, na magmamahal sayo
Tanga man ako sa mata ng iba
Ang mahalaga ay sinubukan kong mahalin ka
Kahit na alaam kong pansamantala
Kahit alam kong sa dulo
Ang pipiliin mo ay siya
Di kita masisisi na siya yung magpapasaya sayo
Na kahit ano pa ang gawin ko, ay walang pag-asang maging katulad niya ako
Kase ako kayang kong ibigay sayo ang lahat manatili kalang
Pero siya kahit na makita mo lang ay maipagmamalaki mo ng di siya nagkulang
Sinusubukan kong siya ay higitan
Pero paano kasi ang bawat pagkukulang niyay iyong tinatakpan
Totoo ngang mahal na mahal mo siya
Kasi kung gaano kita kamahal
Ay hinigitan mo pa
At hihigitan at hihigitan mo pa
Maiparamdaman mo lang na mahal na mahal mo siya
Kaya sapat na sa akin na masilayan ka
Kahit na masasaktan ng sobra
Sapat na sa akin na masaya ka
Kahit na alam kong ang lahat ng ito ay dahil sa kanya
sapat na sa akin ang pansamantala
Ang mahalaga ay masaya kana
You can follow me on my Facebook Page For more hugots to share
FACEBOOK PAGE :
/ mercy-bless-1024176646...
Lets be friends
FACEBOOK:
/ mercybless.ligero
REMEMBER TO SUBSCRIBE FOR MORE :)
GOD BLESS YOU ALL :)
IF NAKAABOT KA HANGGANG DITO
-- I LOVE YOU HAHAHA, SALAMAT SA SUPORTA
music produced by:
Music provided by Free Vibes: goo.gl/NkGhTg
The End by Day 7: / t. .
Attribution-NoDerivs 3.0 Unported (CC BY-ND 3.0)
creativecommon....