Рет қаралды 67,871
Mga nakaw na sandali tayong dal'wa magkasama
Hindi mapigilan ang nadarama
Mga nakaw na ngiti 'di ko kayang matiis
Ang pusong ito'y naghihinagpis, nagmamakaawa
Mga nakaw na sandali
O bakit ba ikaw ay nakilala
Ngayon ako'y nakatali na
Mga nakaw na sandali
Ako'y iyong layuan
'Pagkat hindi ko na makakaya
Mga nakaw na sandali
Mga damdaming kay tindi kahit kailan ay 'di masisi
Na tanggapin ang paghamon ng pagkakamali
Mga uhaw na puso sa pagmamahal ay bigo
Nakakulong, naghihinagpis, nagmamakaawa
Mga nakaw na sandali
O bakit ba ikaw ay nakilala
Ngayon ako'y nakatali na
Mga nakaw na sandali
Ako'y iyong layuan
'Pagkat hindi ko na makakaya
Mga nakaw na sandali hindi malilimutan
Ang iyong mga yakap kasabay ng 'yong halik
At 'pag natapos ang pagsasama ang puso'y masasaktan
Bakit ba
Ngayon ako'y nakatali na
Ako'y iyong layuan
Hindi ko na kaya
Ang nakaw na sandali