Рет қаралды 7,965
Kasama sa mga pumipigil na kaisipan para mangarap at magpakayaman ay ang paniniwalang kasalanan ang magkaroon ng maraming pera. Binabanggit kasi ito sa banal na kasulatan. Mahihirapan ding makapasok ang mga mayayaman sa kaharian ng Diyos. Literal na nakasaad yan. Dahil sa takot na magkasala, minamabuti ng ilan na manatili na lang na maging mahirap.
Sa episode na ito ng Mobazilla, sasagutin ang isyung ito sa pamamagitan din ng mga salita ng Diyos. Panoorin at matuto.