Рет қаралды 38,114
Pinakaaabangan talaga ang laban na ito ngayong SEA Games. Nandoon ang Deputy Prime Minister ng Cambodia upang masaksihan ang posibleng una nilang ginto sa larangan ng basketball. Nandoon din ang mga kababayan nating Pinoy upang ibigay rin ang kanilang sandaang porsyentong sigaw sa misyon ng pagbawi ng nawalang giting noong huli silang lumahok sa palakasan na ito. #GilasPilipinas #NABASTOS #PUSOSports
Tensyonado marahil ang lahat sa pagsisimula ng laro. Dikitan ang laban na kung saan maagang nakalamang ang host country. Gayunpaman, nandoon ang mga napapanahong puntos ng mga manlalaro ng Gilas. Nandoon ang birthday boy na si Marcio Lassiter na naging bwenas sa tres. At syempre, naging mabilis ding uminit ang opensa nitong ating sandigan na si Justin Noypi Brownlee.
Team effort. Iyan marahil ang kalakasan ngayon ng Gilas. Bagaman, mabilisan lamang in-assemble para sa torneyong ito, nandoon ang composure at veteran experience ng mga manlalaro na sobrang crucial din lalo na’t maituturing tayong dayo at ang karamihan ng sigaw sa court ay para sa kalaban. Lalo na noong bumitaw sina CJ Perez at Brownlee nang magkasunod na tres na pumigil sa 8-0 run ng mga nakaputi.
Ganyan marahil talaga ang bida, nagpapabugbog muna sa umpisa ngunit sa huli ay sa kanya pa rin ang huling halakhak. Ganyan marahil ang kwento ngayon ng ating Gilas - tila nabastos noong una ngunit sa huli ay sa kanila napunta ang gintong medalya. Na kahit pa ilan ang naturalized players ng Cambodia, isang Justin Brownlee - at mangilan-ngilang Fil-Ams - lang pala ay sapat na.
Banggit ni Coach Chot matapos ang laro na ito na ang huling pagkakataong magiging coach siya sa SEA Games. Anong masasabi mo rito? Kung kayo ang papipiliin, at kung ang kanyang ambag at record ang pagbabasehan, nais mo bang siya pang muli ang head tactician ng Pilipinas sa mga susunod na laban kontra mga koponan sa Timog Silangang Asya? O nararapat na bang magpaubaya at ang maging coach ay ibigay na sa iba?
__________________________________________________________________________________
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!