Рет қаралды 34,525
STORY:
Pangarap ni Julia at nang boyfriend nyang si Patrick na maging sikat sa kung anumang linya na mapipilia nila. Nang mamatay si Patrick sa isang aksidente, nawala sa focus si Julia at parang nawalan nang ganang mabuhay kaya nagbagong paligid siya para makapagsimula ng panibagong buhay.
Kahit bago ang lahat, hindi pa rin makita ni Julia kung paano sya magkakaroon ng inspirasyon at magpapatuloy ng pangarap nya. Sa bagong school na pinasukan nya, nakilala nya si Daniel. Isang easy-go-lucky na kuntento na sa kung nasaan sya at kung anong meron sya ngayon.
Sa unang pagkikita hindi magkasundo ang dalawa pero nang malaman ni Julia na si Daniel pala ang nakatanggap ng mga mata na idinonate ng namatay nyang boyfriend, nagkainteres syang kilalanin ito. Nalaman ni Julia na simpleng tao lang talaga si Daniel pero may kakaibang galing ito sa larangan ng volleyball. Nalaman naman ni Daniel na kaya pala parang galit sa mundo si Julia ay dahil sa nangyari sa boyfriend nito. Parang nakita ni Daniel ang sarili nya noon kay Julia. Naranasan nya ring mawalan ng pag-asang mabuhay nang mabulag sya dahil sa isang babae na niloko lang sya. Nagkaroon lang ng pag-asa si Daniel nang may magdonate ng mga mata para sa kanya. Para mainspire, tinuruan ni Daniel si Julia kung paano maging mahusay na volleyball player at sa sandaling panahon naging magaling na volleyball player nga si Julia at nanumbalik ang sigla nito sa buhay.
Dahil sa pagbabalik ng inspirasyon nya, sinubukan ni Julia na hikayatin si Daniel na paghusayan pa ang sports nila para makilala sila sa ibang bansa. May mga offers kay Daniel sa iba't ibang team mula sa iba't ibang lugar pero lagi niya itong tinatanggihan. Minsan tinanong ni Julia kung bakit, ang sabi ni may mahal sya at hindi niya ito maiwan. Hindi alam ni Julia na sya ang tinutukoy ni Daniel.
Sa patuloy na paggaling ni Julia, nagkaroon ito nang opportunity na mapabilang sa sikat na team sa bansa. Tinanggap ito ni Julia dahil ito na ang katuparan ng mga pangarap nya. Sumama ang loob ni Daniel nang malaman na aalis si Julia para ituloy ang pangarap nya at hindi na nya ipinagpaalam kay Daniel dahil alam nyang tatanggi nanaman ito.
Bago umalis si Julia, pinagtapat nya kay Daniel na mahal nya ito at nanghinayang si Daniel na huli na nyang nalaman ang tungkol sa nararamdaman ni Julia. Umangat ng umangat si Julia sa career nya habang si Daniel naman ay pinagpatuloy ang normal nyang buhay habang sinusubaybayan si Julia sa mga balita.
Habang tumatagal, lalong naiisip ni Daniel na walang mangyayari sa kanila ni Julia kung hindi sya mag-aadjust at maghahangad na magkaroon din ng mataas na pangarap para sa sarili nya at para kay Julia. Palihim na kumilos si Daniel para maabot ang mga pangarap nya at nang makamit na nya ito, tska sya naglakas loob na makipagkita ulit kay Julia.
Sa muling pagkikita nila, bumalik lahat ng ala-ala noong kabataan nila. Sinabi ni Daniel na pangarap lang nya talaga na matupad ng nag-iisang bituin nya, na si Julia, ang mga pangarap nito pero gusto nya rin na may maipagmalaki si Julia sa kanya kaya hinabol nya ang mga achievements nito.
Sa huli, ipinagpatuloy ng dalawa ang pagmamahalan na naudlot dahil sa pagkakahiwalay nila habang tinatahak ang landas ng pangarap.
Credits to:
ABS CBN
Christian Bautista
JulNiel Lovers