After looking at my pics, I realized pala na ako lang mag-isang Pinay ang umattend ng Chrismtas party namin.. There are 600+ realtors sa brokerage namin.. Ang alam ko, wala pa kaming 10 Filipinos.. And when I reviewed the pics, ako lang pala ang Pinay na umattend.. You can see all of us realtors at 8:06-8:36 mark Sobrang happy ko kasi hindi lahat ng realtors ay nakakabenta nang marami sa kanilang first year pero ako, kahit papaano nakabenta na ng ilang bahay na.. Share ko na rin ang caption ko sa FB when I posted this Christmas party/Awarding.. First award in Real Estate!!! Hindi ko plano umattend - ang Christmas party + awarding namin ay 5pm today. Bumili ako ng damit, kanina 9am lang. Need ko raw umattend kasi may awards kaya nag-last minute shopping ako. Honestly, I'm not expecting kasi ang brokerage ko, hindi mahilig magbigay ng awards monthly kaya nung nag-invite sila ng Christmas party, hindi ko inisip na meron ako tatanggapin. Sa Christmas party pala sila nagbibigay ng awards 😅 Noong nagstart ako last year, sabi ko, okay na sa akin makabenta kahit isang bahay kada buwan. Yun lang ang goal ko kasi malayo ako, maliit lang ang area ko plus may 2 young kids pa akong kailangan bantayan. Pero ang nangyari, hindi lang isang bahay sa isang buwan ang nabibenta ko 😍 Sa loob ng 12 months, 6 months lang pala ako nagtrabaho sa current brokerage ko kasi yung first 4 months, ko ay sa ibang brokerage ako - may sales din ako doon pero hindi kasama sa bilang dito sa award na natanggap ko. Then August and September, nagbakasyon kami. Na-guilty ako kasi medyo marami ako nabenta ng May, June and July and feeling ko, kulang ang oras ko sa kids ko kaya bumawi ako sa kanila at nagpahinga muna ng 2 months. Kaya yung award na natanggap ko, bonus nalang sa akin. Ang importante sa akin, pag hired ako ng clients ko, dedicated talaga ang time ko sa kanila. I make sure na pinaghihirapan ko ang bawat perang natatanggap ko pero kailangan balanse lang. Sinisigurado ko na hindi ako nawawalan ng time sa mga anak ko. I'm proud to say na bawat gabi, kasama ko at nakakayakap ko ang mga kids ko sa pagtulog. Pinili ko maging realtor para maging hawak ko ang time ko at magkaroon ako ng mas mahabang oras sa kanila. This is something na hindi ko ipagpapalit sa kahit anong award - dahil ang tunay na reward for me is my time with my kids. Gayumpaman, gusto ko magpasalamat sa tiwala ng aking mga clients - past, present and future pati na rin ang mga nagri-refer sa akin. This won't be possible without you. Thank you all!
@gin-N11 сағат бұрын
Youre awesome gf.. You're an inspiration to us all. Congratulations, & may u have many more blessings to come. 💓🙏🥰
@RaczKelly5 сағат бұрын
Thank you sooo much!
@feenriquez73236 сағат бұрын
Congrats Racz Kelly ❤
@ma.precylopez18725 сағат бұрын
Congratulations Raczkelly❤❤❤
@corazontungala470011 сағат бұрын
Congratulations@Raczkelly👏👏💕
@corazontungala47007 минут бұрын
Salamat 🥰🥰
@wandermom0329Сағат бұрын
Congratulations Mam Racz! More blessings for you this 2025! 🥳🥳
@araAvila984 сағат бұрын
🎉🎉🎉❤❤❤ deserved
@helenguiyab265112 сағат бұрын
Congratulation po❤
@lalettesanoy86016 сағат бұрын
Congratulations 🎉👏
@amordevera9637 сағат бұрын
Congratulations.
@merceditalazarte670611 сағат бұрын
Congratulation,❤❤
@LuckyCooperAndFriends4 сағат бұрын
Hi Racz kelly, watching from Vancouver,Canada. Congrats! Godbless!