Рет қаралды 4,875
Andami kong naaalalang
Ating mga napagdaanan
Hindi ba't parang kamakailan lang
Andami ko nang nadama
Ang daming naipadama
Alam ko na ito'y lalagpasan
Ang dami nang nasimulan
Ang dami nang natuklasan
Ang dami nating naipamahagi
Ang daming pang madadama
Ang daming ipadadama
Ang dami pang natitirang himig
Ayaw ko ng
Ihip ng kasalukyan
Ngunit alam ko na
Hindi 'to ang hangganan
Ayaw ko ng
Walang katiyakan
Noon at ngayon at magpakailanman
Maninindigan
(Ngunit alam ko na
Walang maiiwan)
Nananalig
Panatag na hindi 'to ang huli
Pangako na magtatagpo muli
Panatag na hindi 'to ang huli
Pangako na magtatanghal muli
______________________
Naisulat para sa newly established #NationalLiveEventsCoalition - isang alyansa para magkaisa at maging boses ng mga sektor na bumubuo ng live events industry.
At, depende sa interpretasyon niyo sa kanta, para sa inyong lahat.
Maraming salamat din kay Otto Hernandez sa pagdamay sa akin dito.