Natagpuan - Hope Filipino Worship (Official Lyric Video)

  Рет қаралды 15,442,189

Hope Filipino Worship

Hope Filipino Worship

Күн бұрын

NATAGPUAN
Words and Music: Lopee Yparraguirre, Maia Untal-Tuplano, Don Tuplano Jr. Niña Villanueva, Jhamin De Paz
2021 Hope Singapore CCLI no. 7178232
Verse 1:
Ang tinig Mo ay aking hanap-hanap
Sa gitna ng bawat takot at paghihirap
Sa kabila ng aking pagkukulang
Katapatan Mo O Diyos tanging laan
Pre-Chorus:
Sa puso at damdamin, Ika'y mananatili
Walang hanggan ang alay Mong pag-ibig
Chorus:
Natagpuan ang Iyong pag-ibig ng dakila
Doon sa krus, ako'y Iyong pinalaya
Hesus, ako'y aawit ng
Walang hanggang pagpupuri
Ang puso ko'y Sa'yo iaalay
Verse 2:
Panginoon Ikaw ang kaagapay
Kabutihan mo saki’y di nag kukulang
Panginoon Ikaw lang ang kailangan
Magpakailanman sa'Yo ako’y mananahan
Bridge:
Hangad ko lang ay mamalagi sa Presensya Mo
Natagpuan, ako’y binago ng pag-ibig Mo
Hangad ko lang ay mamalagi sa Presensya Mo
Luwalhatiin ang Pangalan Mo
Chords and Lyrics
tabs.ultimate-...
#Natagpuan #BagongYugto #Tagalogworshipsong #HopeFilipinoWorship

Пікірлер: 1 200
@sudoxe-xh2hm
@sudoxe-xh2hm 3 жыл бұрын
Hindi kayang baguhin Ng tao Ang Kanyang sarili. Pero kapag naunawaan niya Ang pag-ibig Ng Panginoon, ito Ang magbibigay sa kanya Ng lakas upang lumakad sa kalooban ng Diyos sa Kanyang Buhay.
@rosamaeayot1852
@rosamaeayot1852 3 жыл бұрын
THANK YOU. 💓
@meinartdomingo408
@meinartdomingo408 2 жыл бұрын
Amen..salamat kapatid sa mensahe mo..
@jeneelynmariano1460
@jeneelynmariano1460 2 жыл бұрын
Amen Amen
@meinartdomingo408
@meinartdomingo408 2 жыл бұрын
Salamat po.. totoo po Yan..
@crisma25
@crisma25 2 жыл бұрын
wow this is my topic for tomorrow☝️🙏 Very true 🥰 Di kayang baguhin ng tao ang sarili. Pero sa pagpapatuloy sa paggabay ng banal espiritu we can walk to the rightousness of Jesus na binigay Niya satin🙏😍
@kadenWorship4540
@kadenWorship4540 9 ай бұрын
I was paralyzed in bed last year and I heard Jesus say out loud to me - If you believe in me get up and walk I got up and not only walked but went for a walk outside. Praise God!!!!! GOD IS ALWAYS WORKING!!!!
@alexaabrillo8868
@alexaabrillo8868 14 күн бұрын
kahit papaano gumaan 'yong pakiramdam ko, i am a christian yet nagkaroon ako ng girlfriend na ka same gender ko lang, i know it was a mistake pero ipanagpatuloy ko pa rin and umabot kami ng 6 months and kakabreak lang namin yesterday and now while singing along with this song madaming realization, tho may malaking part pa rin talaga sa puso ko na wasak i know naman na nariyan si God para buohin ulit ako, i pray na this time hindi na ako maging marupok at hindi ko na sundin ang pansarili kong kagustohan, nakakapagod na mag desisyon, LORD SAYO KO NA IPINAPAUBAYA ANG LAHAT!
@helenderrota8743
@helenderrota8743 11 күн бұрын
salamat sa desisyon. ganyan din sko dati pero kapag magdesisyon tayo na magbago tutulungan tsyo ni Hesus
@imkhaye4046
@imkhaye4046 3 күн бұрын
Praise the Lord for your life❤️
@soniavalera759
@soniavalera759 23 сағат бұрын
@dianarosePerecas
@dianarosePerecas 5 ай бұрын
23 years old na ako pero ngayon lang ako naging malapit sa diyos ngayon lang ako ng naka pag basa ng bible napakabuti mo po lord ❤❤
@monalizautoh
@monalizautoh 5 ай бұрын
God is so Good ❤
@RomelBenitez-y3d
@RomelBenitez-y3d 2 ай бұрын
Amo diay
@RomelBenitez-y3d
@RomelBenitez-y3d 2 ай бұрын
Amo diay ha❤
@MarkAron
@MarkAron Ай бұрын
Amen sister
@ailynfanoga
@ailynfanoga 18 күн бұрын
napakahalaga po ang pagbabasa ng bibliya...
@mariyalaleyn5098
@mariyalaleyn5098 3 жыл бұрын
One month ago, when I decided to quit my job. It was one of the tough decisions I ever made. But then, there's a beauty behind my unemployment. Kinatagpo ako ng Panginoon muli sa panahong isinuko ko ang mga pangarap ko sa paanan Niya. Mas nagkaroon ako ng maraming panahon to get closer to Him. Hangad ko lang ang mamalagi sa presensya Mo. These lyrics, speak to me. I surrendered my longings, desires, and even anxious thoughts. Binago ako ng Pag-ibig Mo, at patuloy na binabago. Luwalhatiin ang Pangalan Mo.
@cen8690
@cen8690 3 жыл бұрын
Amen
@ateplantita9466
@ateplantita9466 2 жыл бұрын
i hope me too soon maka full pag serbi kan lord
@sarahguerrero2591
@sarahguerrero2591 2 жыл бұрын
Amen. I also feel down and anxious right now. 😔
@Annblessko16
@Annblessko16 2 жыл бұрын
🤗🤗🤗 thanks for this comment.. I'm praying too na makayanan kong Iwan ang trabaho ko lalo nat napapalayo ako sa Diyos dahil sa trabaho ko. Samahan nyo nawa akong magdasal na muli akong bumalik sa presensiya ni Lord.
@catherineverdadero1537
@catherineverdadero1537 2 жыл бұрын
Amen 🙏
@gemmapalig-ad4998
@gemmapalig-ad4998 2 жыл бұрын
Last year, dumaan ako sa matinding depression., Tinulikuran kong manilbihan sa Diyos, dahil na din sa kahihiyan. Pagkat alam naman natin na kung tayo ay isang alagad ng Diyos at isang tumatayong worship leader sa church sa mata ng tao wala tayong karapatang magkamali,. At dahil doon, bumitaw ako sa Diyos dahil sa kahihiyan. Dahil ayaw kong makarinig ng maraming masasakit na salita mula sa mga taong nkapaligid sakin,. Dumating pa sa punto na gusto ko nalang mwala sa mundo, Pero salamat sa pamilya ko, pastors at mga church members kasi they never give up on me! Now, masasabi kong masaya akong nagsisilbi sa Diyos with all i am! Na kahit anong mga kinakaharap kong problema, hinaharap ko ng matatag at matapang dahil may Diyos akong kinakapitan.,At kung tau man ay ngkmali bastat Tayo ay buong pusong mgpakumbaba sa knya at humingi ng tawad tayo ay buong puso niyang tatanggapin! Never give up. Just keep watch and Guard our faith .. Salamat sa kntang ito ❤️
@carlotaregala290
@carlotaregala290 Жыл бұрын
Kapatid,you are precious to God. He understands our frailities. We are weak yet He is strong. We are very fragile,but God can remake us to ignite d fire brighter n better than b4 for His glory. Happy for you. No turning back. No chocolate soldier...You are not forgotten.
@khalebplayz7227
@khalebplayz7227 5 ай бұрын
Praise GOD, just keep on serving the LORD no matter what
@OfeliaIbarra-zi3yf
@OfeliaIbarra-zi3yf 2 ай бұрын
😊😊😊😊😊😊😊😊
@maricardacanay3163
@maricardacanay3163 2 ай бұрын
Same tayo Ng nararamdaman Kapatid dumaan din Ako sa depression Hanggang Ngayon nag sasafer Ako tinatanung ko Ang panginoon bakit Ako nag kakaganito kasi parang walang nangyayari sa pag serve ko sa kanya us a song leader Nan lamig Ako kasi filing parang kulang parin Ako dahil nang hahangad Ako Ng anak hanggang ngayon Wala parin Akong anak parang lagi akung disappointed hangang na lulung Ako sa online casino naka kita ako Ng mapag libangan Hanggang parang feeling ko Ang layo na Ng panginoon diyos Sakin naramdaman ko sa Sarili ko parang may Mali mas mahirap Pala kapag malayo ka sa panginoon parang hindi Muna kinakaya mag isa Yung parang takot na takot ka sa paligid diko na alam Yung nangyayari Sakin .tas parang bigla na lang akung umiyak na nag sisisi sa lahat Ng naging kasalanan ko hindi ko Pala kaya kapag Wala Ang panginoon Sakin Buhay I rialized na Ang panginoon diyos Ang kasapatan Saking Buhay na bless Ako dahil ramdam ko Yung comfort nya noong time na lugmok Ako god is Good ❤
@worshipprayer8165
@worshipprayer8165 2 жыл бұрын
I put this comment here so that everytime someone likes it, I'll be reminded of this song because it heals something in me❤❤❤
@AndreaDiamantes
@AndreaDiamantes 2 ай бұрын
Amen sa mga naliligaw nang landas naway matagpuan nyo ang pag ibig nang Dios,,basahin ang john 3:16 Sapagkat ganun na lamang ang pag ibig nang Dios ibinigay nya ang kanyang bugtong na anak upang ang sino may wag mapahamak kungdiagkaroon nang buhay na walang hanggang Amen
@TagalogPraiseSongs
@TagalogPraiseSongs Жыл бұрын
Whoever reading this, God never sends you into a situation alone, God goes before you, He stands beside you, He walks behind you. Whatever situation you have right now be confident. God is with you. Ameen
@roselyncapon8613
@roselyncapon8613 5 күн бұрын
Ako po ay baon at lubog sa utang Ngayon. Ako ay nanginginig sa takot...ngunit Ako ay kumakapit sa Panginoon Ngayon, nananalangin at patuloy na magmamahal sa kanya. Salamat Lord
@kristineminoza9157
@kristineminoza9157 2 жыл бұрын
Yung pag ibig mu ang sumagip sa tulad ko panginoon i comitted suicide because i feel empty para akong nalulunod sa gitna ng dagat tangap kona na mawala ako. Pero na alala ko yung pag ibig pano mu sinacrifice ang buhay mu para saamin. Pano ka namatay sa krus bigla kong na alala ang lahat ng yun. Na kung may mga taong walang nag mamahal sakin. May diyos papalang ipinaglaban ako dito sa mundong to at gusto ako makasama sa langit . Maraming maraming salamat panginoon i will served to you panginoon hangang sa huling hininga ko ilove you Jesus.♥️
@happyname1932
@happyname1932 7 күн бұрын
Lord, hindi ko na sila maintindihan, hindi nila ako maintindihan. ang alam ko lang ay sa’yo lang ako dapat mag tiwala at makinig, hindi man tumigil ang mga luha ko ngayon dahil sa sakit na nararamdaman. mananalig pa rin ako Panginoon, sa mga luha kong hindi tumitigil, kasabay ne’to ang pananalig kong walang tingil. salamat panginoon, sa’yo ko lang natagpuan ang kapayapaang hindi ko mahanap sa mga magulang kong dapat kong mag bibigay saakin ng tahanan at kalinga
@agnesabejuela27
@agnesabejuela27 5 ай бұрын
Kinanta to ng anak ko grabe ang iyak ko pra bang hinahaplos ako ng kanta nito sa mga ksalanan ko .. damang dama ko ang kanta NATO .. salamat sa anak ko DHL sa kanta NATO parang magicng ako 😥😥😥🙏🙏🙏 thank you po Lord ❤
@marilyntlagatuz2263
@marilyntlagatuz2263 10 күн бұрын
Napakabuti ng ating at Diyos nakilala ko sya sa idad ko na 60 yrs old ..maraming binago ang Diyos sa buhay ko natuto akong magbasa ng Bible ng ako ay mabawtismuhan sumusunod na ako sa kanyang mga utos..Amen
@laboh5137
@laboh5137 Жыл бұрын
I don't understand the language but I feel peace while listening May the Lord bless you Philippines...Philippine will remain to be the best country ever I wanna visit
@roelandrade8783
@roelandrade8783 Жыл бұрын
Of course it is good to Philippines..for God is really good in our lives
@OmegaJeriah
@OmegaJeriah 9 ай бұрын
Amen
@명진김-j3o
@명진김-j3o 7 ай бұрын
"Natagpuan" mean "found" the lyrics is about of how God's love found her/him. We found the love of God and God found us because of His love to us.
@lenyandansalamat6656
@lenyandansalamat6656 4 күн бұрын
By God grace RSW na po ko "With God all things are possible basta gawin mo lang yung best mo at ipagkatiwala mo lang sa Kanya lahat Sya na bahalang kumilos☝️🥹🫶
@JANiJINFoodProducts
@JANiJINFoodProducts Жыл бұрын
If you are reading this message, I wish that you receive what you long for and everything you need. Thousands of blessings to all! 💙🙏
@MariaGaynellGomez
@MariaGaynellGomez 22 күн бұрын
Salamat Panginoon, sa patuloy na presensya mo sa buhay ko Ama... Purihin ka, luwalhatiin ka aming Ama
@lorraineortiz7714
@lorraineortiz7714 3 жыл бұрын
This song is perfect for our current situation. Truly the Lord is faithful in every seasons. He is the God that never changes. His love remains the same yesterday, today and forever. He shows the greatest love that no on could ever fathom. If you are facing any situation in your life right now that is too difficult for you, maybe its the time for you to fully surrender it to the foot of the cross. And you will see how God can truly move in your life. Sadly, a lot of people only seek the hands of God- His blessings, His goodness and not His face. Remember that the greatest blessing is the Blessor ( "God" )itself. It is said "Seek first the kingdom of God and His righteousness, and all these things shall be added unto you"- Matthew 6:33 :) Have a blessed day everyone! Let me know how can I pray for you. :)
@ryanburgos583
@ryanburgos583 2 жыл бұрын
Amen sis
@adarlomeyn_art
@adarlomeyn_art 2 жыл бұрын
Amen🙏
@roselynlabesores915
@roselynlabesores915 2 жыл бұрын
Amen
@jorelgopez
@jorelgopez 2 жыл бұрын
Amen 🙏
@NewBeeFx_Trader
@NewBeeFx_Trader 2 жыл бұрын
salamat sayo maam dahil ito menshae na ito nabasa ko ng lubusan sa aking puso.. ito mensahe na ito nabibigay lakas at tibay ng pananampalataya at manalig sa Panginoon.
@lanilyn_Pidlaoan
@lanilyn_Pidlaoan 4 күн бұрын
Napasarap sa pakiramdam kapag ang kanta na ito ang pinapasound ko sa Bahay,damang damma ko yong pagmamahal at pag iingat Ng dios sa puso ko,kaya lagiinnatin sumunod at mahalin natin ang panginoon dios🙏🙏🙏
@eduardtarectecan6962
@eduardtarectecan6962 2 жыл бұрын
Amen! With God all things are possible, habang andito pa ang grasya ng panginoon ibigay na natin ang lahat sa panginoon. Masaya ang buhay kapag nasa panginoon, at gusto ng Lord na madatnan niyang ginagawa natin kung anoang kalooban niya. Glory to God.🙏
@kathleenbombeo2320
@kathleenbombeo2320 4 күн бұрын
i found comfort with you Lord. I lift everything to you. Thank you for being there for me. with you, i never felt alone.
@tingting7558
@tingting7558 Жыл бұрын
Nang mapakinggan ko ang Awiting ito, lagi akong umiiyak.! Magkasunod na namatay ang papa & mama namin, 2020 at 2022.! Pero salamat sa Kalakasan na dulot mo Panginoong Hesus, alam ko lagi kang nasa aming tabi at di mo kami pinababayaan! Glory to GOD! Amen.
@jenymarthavicent9880
@jenymarthavicent9880 2 жыл бұрын
Praise God. I've been watching a lot of worship songs this passed few months and I felt relieved and God-centered. I admit that I can't go to churches personally because of covid to worship and give praise to Him. But, I met 2 person that change my perspective about life. I accepted Him as my God and I started reading the bible. I also set morning and evening prayer plus my devotion and plans to learn His words. Listening to this kind of worship song also helped me to worship Him inside our house. I can't start my day without it and thank you so much for sharing this video because it really helps to relieve all my negative thoughts and it reminds me that God is amazing enough to work in my life, so i don't need to worry and let God do His will. And He deserve this kind of praise. Anyone who is reading this? God guide you always and I hope that your life will be full of blessings. God bless you
@teresitasalonga9497
@teresitasalonga9497 Жыл бұрын
Thanks God bless you too
@irishmeevlog4938
@irishmeevlog4938 3 жыл бұрын
Being in the prsence of God is the best feeling. Having a peace of mind and heart thag it will never be given by anyone else or anything else except God. I've been broken and lost inheritances from my parents, I lost job for almost 8 montha but God never gave up on me. Glory to God for being my provider, my healer, my comforter, for delivering me to the right path of life. Serving him is not asking anything but because it our purpose and we love God. I really thank God for giving me a better work now and good salary. Thank you Lord Jesus!!!! Amen.
@sarahguerrero2591
@sarahguerrero2591 2 жыл бұрын
Amen..
@bhernievilleza23
@bhernievilleza23 2 жыл бұрын
Sobrang bigat ng na mga pag subok na inatang ng Panginoon HESUS para sa akin buhay. Pero hinde ako sumusuko na manampalataya sa kanya dahil ang pinanghahawakan ko ang pangako niya na hinde niya ako iiwan. Panginoon basagin muna po ang tanikala na nkakapit sa akin. Pangako magpapatuloy akun maglingkod sayo habang akuy nabubuhay.. Iloveyou jesus
@olartelet5451
@olartelet5451 2 жыл бұрын
Ang ganda ng songs. Papuri sa Panginoon.hangad ko palaging nasa presensiya mo Panginoon.natapuan na kita at hindi hindi na ako tatalikod oh Aming Panginoon.napakabuti mo at napakadakila. All belongs to you oh God.Thank you Oh Lord.🙏🙇‍♀️❤️
@beverlygatso
@beverlygatso 2 жыл бұрын
Ang sarap pakinggan,kapag napapagod kana sa Buhay,your stuck again and depress,hayyy saLamat Papa God💗🙂 Paulit-ulit ko syang pinapakinggan🙏❤️☺️
@adingko9863
@adingko9863 2 жыл бұрын
Sa mga panahong sinubok ako ng pagsubok na puno ng lungkot at pighati ang buhay ko sa pagkawala ng aking nag iisang anak para akong nawalan ng direksyon sa buhay pero isinuko ko sa Diyos ang lahat at hiningi kong iayos nya muli ang buhay ko. Salamat sa pamamalagi at sa pag ibig ng Diyos muli kong natagpuan ang tunay na saya sa Krus na inalay Nya ang kanyang buhay.
@Zayithyah
@Zayithyah 2 жыл бұрын
Tanging SIYA lang ang pupuno ng “emptiness” na mayroon tayo. Kay buti Niya sa atin, despite, inspite, anuman ang naging lakad natin. Sa araw-araw na lang na humihinga tayo, biyayang tunay na. Lalo pa na ibigay Niya ang Anak Niya para tayo ay maligtas. HalleluYAH! Amein.
@TitseCheVlogs
@TitseCheVlogs 2 жыл бұрын
Nong walang wala ako at down na down ako sa sarili.. Sa mga trials,challenges, at problema na binigay saakin ng Panginoon, peru bumalik ako sakanya at humingi ako ng kapatawaran sakanya walang impossible dahil gusto lng ng ating Panginoon manalig sakanya.. Kayat noon at hanggang ngayon siya ang buhay ko at siya ang sinasamba ang ating Panginoon. Masarap kapag nasa kanya tayo nag lilingkod ang gaan sa Feeling..
@joanasantos407
@joanasantos407 2 ай бұрын
Nakakaranas ako Ngayon NG natinding pagsubok sa pamiya napakadaming karanasan Ngayon n a akala ko suko nako 😢😢muntik nko bumitaw sa ministry so rang bigat ang hirap... Pero patuloy sakin ipinapaalala sa akin NG Lord na anak wag ka bibitaw sasamahan kita hanggang mapagtagumpayan mo Yan... Buntis pa namn ako Ngayon sa 2nd baby, ang hirap iyak ako NG iyak kina Kaya sa tulog NG Lord...
@donitalynpedral8388
@donitalynpedral8388 2 жыл бұрын
sobrang buti nang Panginoon sa buhay ko akala ko dati nasa makamundo na lang ang pamumuhay ko but only Jesus save me from being a sinner , Thankyou Lord!!!
@teresitasalonga9497
@teresitasalonga9497 Жыл бұрын
Thanks God bless you too
@jiggsflores536
@jiggsflores536 Жыл бұрын
sis hindi k nagkamali n pinapasok m ang panginoon Hesus s buhay m,GOD BLESS
@jingjing9832
@jingjing9832 Ай бұрын
Ang Diyos ay mabuti sa lahat ng oras,, kapatid kamusta ka? Hindi madali ang ating pinagdadaanan sa bawat araw ngunit palagi nating tatandaan na nariyan ang Diyos kapatid hinihintay ka lamang nya na ika'y lumapit sa Kanya..
@RufoVillamarzo
@RufoVillamarzo 7 ай бұрын
Purihin ang Diyos sa Kanyang pagibig sa bawat isang nagsuko ng kanyang buhay sa kanya...nakamit natin ang tunay na kapayapaan at kagalakan sa ating Tagapagligtas na si Jesus..
@SilverioGanancial
@SilverioGanancial 2 ай бұрын
amen ang dios lamang pag asa natin bkt p namatay ang panginoon kong kaya nating iligtas ang ating buhay
@myalabasterheartamecabesas8618
@myalabasterheartamecabesas8618 3 жыл бұрын
Hangad ko lang ang mamalagi sa presensya Mo. This is my heart's desire, Lord. May my heart always be like this everyday. Ikaw lamang ang kasapatan. Ikaw lamang ang kailangan aking Panginoon Jesus. ❤️
@shyladejeto5471
@shyladejeto5471 Жыл бұрын
Hello po
@djfarrah9932
@djfarrah9932 2 жыл бұрын
I'm totally broken and alone. But God's love for me is forever dahil kinausap ako ni Lord sa pamamagitan Ng kantang ito... Thank you Lord... Teary 👀...
@eddiecruz454
@eddiecruz454 2 жыл бұрын
@JohnRobinAdam
@JohnRobinAdam 8 ай бұрын
Napakabuti ng Panginoon, simula ng makilala ko ang Panginoon araw araw Niya akong binabago sino ba naman ako pero dahil sa biyaya at habag Niya heto ako ngayon isa ng worship leader dati nagagalit ako sa mga nagpapractice kc maingay sila pero now isa nako sa nag iingay ☺️pero ang ingay na yun pala ay ingay ng papuri at pagsamba sa DIYOS, at itong song na Natagpuan ay kakantahin namin mamaya para sa Panginoon dahil natagpua Niya ang bawat isa na pinili Niya all Glory to You oh God you are worthy Hallelujah ❤️☝️🙏
@cd.sierra
@cd.sierra 28 күн бұрын
Salamat po, LORD, sa pagpapaalala through this song that I can find everything in YOU alone. Sa kabila po ng pagkukulang at pagkakamali ko, ang pagibig MO po ay nananatili. Salamat po sa pagibig MO na dakila. The LORD is speaking to me right now through this song. Dahil for the past 2 weeks, hindi ako nagchurch, humina ang faith ko. Hindi ko pala kaya kapag wala ang DIYOS sa buhay ko. Hindi ako pwedeng magyabang dahil, "Apart from HIM, I can do nothing." Sorry po LORD. 😭😭🙏🙏
@ooobbb8394
@ooobbb8394 2 жыл бұрын
SALAMAT SA DIYOS 🙏 Diko maintindihan ang sarili ko, habang pinapakinggan at binabasa ang lyrics nang kanta. Tumulo luha ko, Sobrang naramdaman ko ang presensya mo Panginoon 🙏❤
@MelanieMarmuada
@MelanieMarmuada 2 ай бұрын
LORd Ikaw na bahala sa Lahat . Ginawa kunaman tanagapin Siya pero Ang puso ko nasasaktan patin may takot na baka maiwan ako ulit Lord . Ikaw na bahala sa Lahat . Lumalapit ako syao
@shella3993
@shella3993 3 жыл бұрын
Anointed song i ever heard 😇 ,sa panahon natin ngaun kaylangan tlga alalahanin ang napaka dakilang Pag-ibig ng Diyos saatin na bumabago satin everyday 🙏🙏🙏More of your presence Oh God 😇😇
@felicidadvillamor4929
@felicidadvillamor4929 2 жыл бұрын
Amen Lord kung dka namin tagpuanparalang kaming. Ligaw. Naliligaw ditu sa mundo na walang. Kinahihinatnan. Glory. To. God. Amen
@PerlitaGuzon
@PerlitaGuzon 18 күн бұрын
Totoo lord hindi ka nagkulang sa akin ako lang Ang maraming kakulangan saiyo Kaya lord patawarin mo ako sa aking pagkukulang sa iyo mahal na mahal kita
@EmmaEnterina-ck4jq
@EmmaEnterina-ck4jq Жыл бұрын
Thank you Lord for your grace and mercy..hindi ako karapat dapat na mahalin mo😢 pero ginawa mo pa rin sa pamamagitan ng Iyong Anak na c Jesus.❤amen at naryan ang Holy Spirit who always guide us.
@marilyntlagatuz2263
@marilyntlagatuz2263 Ай бұрын
Sabi sayong salita ,Hindi mo kami pababayaan at hindi iiwan..Hebreo 13:5
@jeffzhenyo_universal4189
@jeffzhenyo_universal4189 2 жыл бұрын
One month ago, when I decided to quit my job. It was one of the tough decisions I ever made. But then, there's a beauty behind my unemployment. Kinatagpo ako ng Panginoon muli sa panahong isinuko ko ang mga pangarap ko sa paanan Niya. Mas nagkaroon ako ng maraming panahon to get closer to Him. Hangad ko lang ang mamalagi sa presensya Mo. These lyrics, speak to me. I surrendered my longings, desires, and even anxious thoughts. Binago ako ng Pag-ibig Mo, at patuloy na binabago. Luwalhatiin ang Pangalan Mo. amen
@mamaypearl3698
@mamaypearl3698 Жыл бұрын
nauna ko to mapakinggan sa reels ilang beses kong pinakinggan now im here at youtube na nkkwala ng mga nrrmdaman na mbbgat at nbgyan ako ng pag asa . .
@vanessaqs419
@vanessaqs419 3 жыл бұрын
napakabuti ng Panginoon sa lahat ng bagay, purihan ka aming Panginoon, the Lord of Lord and the King of Kings.
@Emotionalhealer
@Emotionalhealer Жыл бұрын
Praise God...
@itsmejmharrie8449
@itsmejmharrie8449 7 ай бұрын
Grabi depression ko dati Nung nakilala ko Ang Diyos naging Malaya Ako sa madilim ko na mundo, and now I serving GOD♥️♥️
@MarkAron
@MarkAron Жыл бұрын
Ang ganda ng kanta na to bagay sa lahat Natagpuan sa krus ako iyong pinalaya sa Kasalaman Salamat Panginoon🙏🙏😌😌
@EmilyLecciones
@EmilyLecciones Ай бұрын
Hangang Ngayon 🥰 gusto ko talaga pkinggan like it ❤💞💕🙏
@MaryJoyArabis-l6f
@MaryJoyArabis-l6f 8 ай бұрын
Napakabuti mo Lord kahit kami hindi naging mabuti saiyo naging faithful Ka kahit unfaithful ako Lord napakabuti mo. Walang hanggang papuri saiyo salamat sa pagmamahal mo😊❤
@anajoyramos7154
@anajoyramos7154 2 ай бұрын
sobra akong naiiyak sa kanta na ito Panginoon salamat po😭😭 ikaw ang lakas ko Lord sa panahong paraming problema.. salamat sa pag ibg na dakila Panginoon.. salamat sa pagliligtas Panginoon ..wala pong dahilan para hindi kita pasalamatan at purihin.. sau ang papuri Panginoon🙏😭 you give me victory at the cross Lord.. salamat po sa dugo mo Panginoon🥹❤️😭
@arnelviolago2818
@arnelviolago2818 Жыл бұрын
Maraming Salamat Panginoon sa hindi m,o pag iwan sa akin, Maraming Salamat sa walang hanggan na Pag Ibig at Pag asa, salamat Panginoon sa mga taong inihahatid mo at ako ay nakakapag nilay, Panalangin ko Panginoon ko na Patuloy mo akong Pagpalain sa lahat ng aspeto ng Buhay, yakapin mno ako Panginoon ko at wag bibitawan. AMEN
@vilmabranca7825
@vilmabranca7825 3 ай бұрын
Totoo walang kapantay ang pag mamahal sa atin ng Lord na kahit gaano tayo karumi pero, hinangu nya tayo sa karumihan upang tayo ay makasama sa kanya sa buhay na walang hanggan, kaya salamat Lord purihin ka sa buhay namin.
@shirleymoralde9877
@shirleymoralde9877 2 жыл бұрын
Everything I listen this music my heart looking forward to seek him more hindi aq perfect pero pinaramdam ni Lord na mahal nya ako sa lahat nang mga pagkukulang ko.
@jgaming8342
@jgaming8342 Жыл бұрын
2018 nung natagpuan ako ng Diyos, ang buhay ko dati ay trabaho,inom,sabungan at iba pang makamundong bagay. May Kasama ako sa trabaho worship leader sa church palagi siya nagshashare ng tungkol sa Diyos ako naman iniiwasan siya palagi. Dumating ang araw binigyan ako ng pagsubok ng Diyos dumating sa point na nawalan na ako gana sa lahat ng bagay halos Hindi na ako kumakain. kaya Sabi ko sa katrabaho ko sasama na ako sa simbahan, pagdating ko sa loob at nag worship grabi bigla nalang nag iba ang atmosphere tumaas balahibo na subrang sarap sa pakiramdam umiyak nalng ako di ko namalayan nakaluhod na pala ako. doon ko sinuko ang buhay ko sa Diyos hanggang ngayon nasa puso ko parin ang kagalakan. Glory to God🙏🏻🙌
@maryrosedejito8346
@maryrosedejito8346 2 жыл бұрын
lately i was so depressed i don't know what to do until i found out how blessed i am how thankful i am when i know God is in control God knows my heart,he know how tired i am how discouraged i am how disappointed i am ,i just wished to die that time but then here i am still fighting even though it stress me a lot but here i am standing for i know this is all finished i am his daughter and no one can replace it 😌
@mentorelle6051
@mentorelle6051 7 ай бұрын
The message of this song resonates my present life. Ang pag ibig ng Diyos ang tunay na magbabago sa mga anak niyang napalayo sa mahabang panahon. Sa kabila ng maraming pagkukulang at kasalanan ang walang hanggang pag ibig ng Diyos ang siyang magbabago sa buhay ng mga anak niya para sundin ang kalooban Niya. I'm forever grateful for the salvation I receive through our Lord Jesus Christ. May I God give me the courage to share this salvation to others and that they will also accept Jesus as their Lord and Savior. To God be all the glory.
@cynthiabico7767
@cynthiabico7767 2 жыл бұрын
no exact words to express how grateful and blessed i am.. thank you Lord Jesus for the unconditional love.. while reading all the comments can’t hold my tears in my eyes dhil prang nadurog ung puso ko coz inspite of all of my shortcomings He still remain faithful to me,even i am unfaithful..God is so good and faithful
@carissaraque478
@carissaraque478 2 жыл бұрын
Amen
@lovelygraceoyog1245
@lovelygraceoyog1245 2 жыл бұрын
Amen! ❤
@rachelbenedicto4465
@rachelbenedicto4465 Жыл бұрын
Amen!
@mizuegonz4116
@mizuegonz4116 Ай бұрын
god is good all the time he didnt.give up he protects us and always listen to our prays amen.
@amandallorca8636
@amandallorca8636 10 ай бұрын
Lord ikaw na po bahala alam mo na po nasa puso nmin .sau ko na po inilalagak lahat at alam ko naanjan lng po kau .sobra na po lord maraming salamat po sa mga awitin .❤
@luckyperdizo4270
@luckyperdizo4270 3 жыл бұрын
I accept Jesus Christ as my savior my redeemer my provider.
@명진김-j3o
@명진김-j3o 7 ай бұрын
Lagi kong naririnig ito sa Techram vlog at na research ko sa goggle. Na appreciate ko talaga ang awitin kapapanood ng Techram vlog..na feel ko ang spirit ni God sa pakikinig nito.
@nestliebrucal6616
@nestliebrucal6616 2 жыл бұрын
Salamat Panginoon sa kagalakang nagmumula sayo.Sa presensya mo lang Panginoon matatagpuan ang tunay na kapanatagan at kapayapaan☝️💖
@blaggienimhieng3405
@blaggienimhieng3405 3 жыл бұрын
Praise the Lord po 🙏 Patuloy lang tayo sa paglilingkid ng ating Mahal na Panginoon 🙏🙏 God bless us all
@junrvictoria
@junrvictoria 3 жыл бұрын
♥️♥️♥️♥️♥️ Ganda ng bridge…..Buti kumabig…tayo ang natagpuan ng pag ibig ni Lord….”we were never searching”….it’s only His grace na tumanggap tayo.🙂
@FerinaMedina-cn2we
@FerinaMedina-cn2we 6 ай бұрын
sarap sa pakiramdam na, nararanasan ko ang presensya ng panginoon tunay na pagmamahal tunay na pananampalataya, marami man negatibong mga salita ang marinig ko, hindi ko ito pakikinggan kundi salita ang salita lamang ng Diyos aking pakikinggan, marami akong hinarap na problema lahat ng ito ay nalampasan ko dahil sa Diyos hindi nya ako pinabayaan, kaya ang PAPURI'T PAGSAMBA AY TANGING SAYO LAMANG AMING AMA AMING PANGINOONG JESUS!🙏🙏🙌🙌🤍
@annnovio7504
@annnovio7504 2 жыл бұрын
Super ganda ng lyrics.Salamat po Oh,Dios sa mga paruring awitin sa pamamagitan ng talentong kaloob mo sa mga tao naipapamalas nila ang pag ibig sa iisang Dios na tunay at Dakila.
@Rejoice2022
@Rejoice2022 Жыл бұрын
Alam ko pinalaya ng Diyos sa mga kamalian at kasalanan ko.. 😭At this point na sobrang bigat na ng nrrmdaman ko, i know he will not leave me nor forsake me🙏😭. I will still choose to follow Jesus even it hurts... One day, it will all be worth it. ❤️😭
@auringgacuya1370
@auringgacuya1370 2 жыл бұрын
napakaganda ng Kanta sa pusot damdamin ng tao tanging ang Diyos ang Pagasa sa lahat ng kinakaharap🙏
@WhereKIDstayAndPlay
@WhereKIDstayAndPlay Жыл бұрын
This speaks to my desire to be with the LORd. Kung alam lang talaga ng lahat na sobrang mahal tayo ng Dios ang kaso di kasi lahat ay mapipili ika nga sa BIbliya marami ang tinawag pero konti lang ang napili though binuwis nya buhay nya sa Krus to save us all. sana nga kung pwedi lang buksan ng Dios ang lahat ng puso at kaisipan natin kaso kahit buksan pa ang puso at pang unawa meron at meron kasi talagang matigas ang puso at ayaw talaga tanggapin ang Panginoong Jesus.
@Danipark600
@Danipark600 Жыл бұрын
Nakita ko sa may day ni janno suba sobrang naiyak ako sa song na ito 😢 pero at the same time masaya ang puso ko dahil sa pagbangon ng suba siblings .. glory to God
@ItsJenlaforteza
@ItsJenlaforteza 2 ай бұрын
Amen. This song spoke directly to me also. Napaka personal. Just like how our god is personal to us too. He is very mindful of you. Of me.
@Potato-cf4xj
@Potato-cf4xj 2 жыл бұрын
I really wanna learn this song and sing it in the church as special number, oh Lord God please give me courage.
@julieanntogonon957
@julieanntogonon957 2 жыл бұрын
❤️
@luckyantonyronquillo2869
@luckyantonyronquillo2869 17 күн бұрын
from adik,sugarol,lasing araw2x,nambabae,gago na tao,bad influence sa family,friends,,lahat na yata ng negative nasa akin na,,ito lahat ang pagka-tao ko...PRAISE GOD nung natagpuan ako ng Panginoon,nabago buong buhay ko,,sino mag aakala sa isang pitik ng araw naging isa akong leader ng church and biglang inangat ng Panginoon,,isang previlige na makapag lingkod sa Panginoon at naging pastor na ako ngayon,,umiikot sa buong pilipinas para maglingkod sa Panginoon hanggang sa andtio na ako sa ibang bansa patuloy na naglilingkod sa Panginoon ,,,NAPAKA-BUTI MO PANGINOON,,,habang may buhay ako patuloy ko e share ang kabutihan mo at ang kapangyarihan na nagpapabago sa buhay ko,,,hindi ko deserve pero you make me deserve GOD,,,PURIHIN KA,,,,
@Jjhobby1997
@Jjhobby1997 Жыл бұрын
Salamat lord, kahit makasalanan akong tao,, hindi niyo parin ako pinapabayaan😭🙏🙏
@dreamfore
@dreamfore Жыл бұрын
Napakabuti ng Diyos, ang isang tulad kong dating tupang ligaw,walang deriksyon ang buhay pero nung natagpuan aq ng Panginoon at nakilala q sya sa buhay ko dq kayang ipaliwanag yun mga ginagawa nyang himala araw-araw sa buhay ko,at kahit may mga pagkakataon na nagkakamali aq at nagkakasala sa kanya palage parin syang nandyan para tawagin aq at ibalik sa presensya nya,Walang papantay sa pag ibig ng Panginoon sa atin,kaya kahit mahirap lumaban patuloy akong lalaban dahil ipinaglaban aq ng Diyos cmula palang,ngaun kahit nandto aq sa panahon ng karamdaman patuloy q paring nararanasan ang kadakilaan at kabutihan ng Diyos sa buhay q, sya ang Diyos ng himala at sa kanya parin aq magtitiwala🙏 Salamat Panginoong Jesus ❤️
@dontitoz4605
@dontitoz4605 2 жыл бұрын
Salamat Sa Pag-Ibig mo Hesus. Wala kaming ibang hangad kundi mamalagi sa Presensya Mo , Mahirap man ang pagsubok na pinagdadaanan pero naniniwala kami na mapagtatagumpayan namin eto dahil sa Walang Hanggang Pag-ibig Mo. Salamat Dahil lagi mo kami kinakatagpo tuwing nanghihina at nahihirapan na kami. Tunay Kang dakila na karapat -dapat Purihin at Sambahin🙌😭🙌
@jaspergaming5848
@jaspergaming5848 Жыл бұрын
@AprilMaeTurda
@AprilMaeTurda 2 ай бұрын
July 27,2024 This day is the day that I hear this song. Habang napapakinggan ko ito, nagabbabasa ako ng mga comments. It really amazed me kasi napakaraming tao ang nakakakilala sa Panginoon. I dont know why i am shring thid to everybody. Nagagalak ako sa mga nababasa ko dahil sobra sobra yung pananampalataya nila sa Panginoon. Ngunit ako nawawala, nagsusumamo, nalilito nawawala sa landas. But hearing this song reminds me thag God is listening and all I need to do is to seem Him😢❤Thank You Lord!!!Help me brjng my faith again😭😭😭
@renjelconde740
@renjelconde740 Жыл бұрын
Napaka ganda nang awit na ito bagay to sa mga taong hindi pa naka kilala sa Dios
@breezycua
@breezycua 4 ай бұрын
Praise The Lord ! ang ganda ng song ❤️❤️ Godbless you Hope Filipino Worship 🙏🙏❤️❤️
@patriciaroseduletin752
@patriciaroseduletin752 10 ай бұрын
Unang line palang tumulo na ang luha ko "Ang tinig mo ang hanap hanap, sa gitna ng takot at paghihirap"
@chonavelasco7706
@chonavelasco7706 10 ай бұрын
Grabe ang impact ng song na Heto Sa akin❤️I love hearing worship song but this touched my heart❤️I love the lyrics .. natagpuan.. truly God is so good no matter what .. in times of problems and hardships hindi niya tayo pinababayaan.I am sending my light and light to all❤️🙏🙏
@celsagultimo2839
@celsagultimo2839 Жыл бұрын
I found this song with my granddaughter for me mahalaga sa akin ang kantang ito sa pagkat.dito ko na realize ng akoy mag join sa fellowship ito ang unang panahon natoto ako sa salita ng dios sa akin kasi it's enough for me to go to church.pero Hindi ko natutunan ang banal na salita
@chiingchingwa5918
@chiingchingwa5918 9 ай бұрын
I'm celebrating Christmas Alone then agad agad na pumasok sa isip ko na what if I'll worship him alone. So gumawa ako nang own program ko then I Did it !
@allenvalenzuela825
@allenvalenzuela825 2 жыл бұрын
When He found me, I was a sinner, then He changed me for a better, Lord thank You for the gift of salvation, love, and forgiveness
@RicheldaR.D.G.
@RicheldaR.D.G. 6 ай бұрын
Thank God... we've found each other hun...❤ Apart from God... Who found us. Praise God ! TO GOD BE THE GLORY...
@kazandraclairebatongbacal4434
@kazandraclairebatongbacal4434 3 жыл бұрын
Nakaka pawi ng pagod 💚 This past few weeks hindi talaga ako okay kasi may bigat na nag i stay sa dibdib ko pero ni minsan diko naisip na tumigil pag lingkod sa Lord mas better talaga na manahan at manatili tayo sa Lord kahit anong mangyare
@liezelposadas1346
@liezelposadas1346 3 ай бұрын
Yes Po natagpuan ko Ang tunay na pag ibig ay Kay Jesus lang at walang Hanggang katapatan para sa kaniya kaya wag natin siya kalimutan,Lalo nat may mga suliranin tayong hinaharap...thanks God sa pagmamahal mo.
@bienyarza5728
@bienyarza5728 2 жыл бұрын
Oh ama ☝🙏💓 maraming salamat po sa lahat ng kabutihan mo , para sa amin. Grabe nakakaiyak yg kanta. 😢
@crisjimdondoyano6512
@crisjimdondoyano6512 2 ай бұрын
Carmen dondoyano here... Ako near 50yo nakakilala at tumanggap kay jesus.. nagsisisi ako na late ko na cya tinanggap but still i am blessed🙏😇
@marielleong2455
@marielleong2455 3 жыл бұрын
Ako'y binago ng Pag-ibig Mo! 🙌
@jeanandreageolin7821
@jeanandreageolin7821 5 ай бұрын
napakabuti mo Panginoon, hindi ko po deserve lahat ng pagmamahal na binubuhos mo sa'kin. ☹️
@rudelyncotter6793
@rudelyncotter6793 3 жыл бұрын
ewan ko lang pero naiiyak ako sa kantang to.... its like a sincere prayer na ayaw mawala sa tabi ng dios pero nawawala dahil sa mga hamin ng buhay at mundo. its my prayer actually hahaha thank you for this btw... thank you for sharing yoyr talents! kasi you guys are able to write down the prayers we xant express... abd thank God for this.
@JeneferReyes-ih4hs
@JeneferReyes-ih4hs 4 ай бұрын
Isang araw, babalikan mo tong comment na to at makikita mo 'how the Lord delivered you from all the difficulties of life. God is not yet done. '
@chambiechamcham5100
@chambiechamcham5100 2 жыл бұрын
HIS ways may not be the one we wanted to happen but surely is the one HE prepared for us. HIS process may seem so hard, it may squeeze us tightly but it draws us nearer to his LOVE.
@roselynseco2610
@roselynseco2610 7 ай бұрын
Ang Panginoon.ang nag kukumpleto sa ano mang kakulangan sa Buhay natin nasakanya ang lahat Ng kapayapaang hanap natin kapanatagan ng isip Hindi kayang ibigay Ng tao SA Mundo
@tagalogchristianmusic6633
@tagalogchristianmusic6633 2 жыл бұрын
Thank God for my life, for my family and friends, for my work, for my health, for my daily support, for your love and kindness; I pray that your blessings come down on each of us, Amen.
@lornaditablan7262
@lornaditablan7262 Жыл бұрын
Sa kasalukuyan isa ang song na ito sa sa nagpapaalala sa akin ng kabutihan ng Diyos sa aking buhay. Kung paano ako sinagip ng Diyos sa kasalanan at kapahamakan...na sa kabila ng mga kasalanan at pagkukulang ko sa Kanya di niya ako kailanman pinababayaan o iniwan. Kahit nang dumating ako sa punto na nag compromise ako, nagkaroon ng mga maling desisyon sa buhay ko, na inuna ko ang sarili ko kaysa sa kalooban ng Lord...sa mga panahon ng paghihirap at sakit ng kalooban dahil sa mga di magagandang pangyayari sa buhay at mga consequences ng mga maling desisyon at kasalanan natagpuan ko ang pag asa at kapayapaan sa presensya ng Panginoon Hesu- Cristo. Purihin ang Dakila niyang Pangalan.
Sanay Ako Nalang
5:09
JP Morales - Topic
Рет қаралды 498
Banal mong Tahanan + Ikaw ang Tunay na Diyos | Spring Worship
6:59
Spring Worship
Рет қаралды 4 МЛН
Nastya and balloon challenge
00:23
Nastya
Рет қаралды 65 МЛН
SELECTED TAGALOG CHRISTIAN SONGS
31:07
Melanne Caong
Рет қаралды 2,5 МЛН
Tagalog Gospel Music 2024 - BEST MORNING WORSHIP SONGS
1:04:42
Di Ka Nagkulang + Lilim + Dakilang Katapatan + Dakila Ka | Live Worship led by His Life Team
12:35
11 Songs Heart of Worship Natashia Midori part 1 (beta)
55:23
stephanus teguh
Рет қаралды 257 М.
Pangako by Hope Filipino Worship (Official Lyric Video)
6:24
Hope Filipino Worship
Рет қаралды 227 М.
PUPURIHIN KA SA AWIT + DIYOS KA SA AMIN - HIS LIFE WORSHIP
13:17
Arham Blaire Machate
Рет қаралды 2,3 МЛН
Don Moen Praise Songs - Old Worship Songs of Don Moen, Christian Music Compilation
47:36
Kalakip ng Awitin Lyric Video
5:17
Lirika't Salmo
Рет қаралды 258 М.