Рет қаралды 8,487
COTABATO CITY DIVISION HYMN
VERSE1
HUBUGIN ANG BAGONG HENERASYON
ANGAT ANG KALIDAD NA EDUKASYON
MUSLIM, KRISTIYANO, LUMAD AT TSINO
LUNGSOD AY MAY SIGLA AT ASENSO
Ang mithiin ng Sangay ng lugsod ng Cotabato ay tuloy-tuloy na pag-angat ng kalidad na edukasyon at makakamit ito sa pamamagitan ng mga dakilang kaguruhan na sila ang instrumento para hubugin ang mga kabataan. Ang Bangsamorong Cotabateño ay binubuo ng Muslim, Kristiyano, Lumad at Tsino na ang kanilang henerasyon ay magiging kapakipakinabang upang ang lungsod ay may sigla at asenso.
VERSE2
DAMHIN ANG NGITI NG KALIKASAN
TANGLAW NITO ANG PAGMAMAHALAN
SA BAWAT ISA AY MAY HALAGA
TUNAY SA SALITA AT SA GAWA
Ang Saknong na ito ay ginamitan ng matalinghagang salita na may malawak na kahulugan. Nakapaloob dito ang “Core Values” ng Departamento na mging Maka-Diyos, Makakalikasan, Makatao at Makabansa. Ang kalikasan ay maaliwalas at pansin ang saya nito dahil tayo ay nagmamahalan, natutong magmahal at mag-alaga sa likas na yaman na biyaya ng Diyos. Payapa at respeto ang namumuo sa bawat isa dahil binibigyan natin ng halaga ang sinuman na tunay sa salita at sa gawa.
CHORUS:
SANGAY NG LUNGSOD NG COTABATO
GABAY KA NG ISIP AT TALINO
EDUKASYON IYONG PINAMANA
MABUTING ASAL AY HINUHULMA
Ang saknong na ito ay naglalarawan ng katangiang taglay ng Sangay ng Lungsod ng Cotabato na laging gumagabay sa turo at leksiyon ng mga dakilang guro. Ang Kaalamang hinubog sa mundo ng pagsubok at ang pagiging mabuti bilang nilalang ay kanyang pamana.
BRIDGE:
HALINA KAYO COTABATEÑO
KAPIT-BISIG SA HANGAD NA TAGUMPAY
SA PAGSUBOK AY LAGING HANDA
ANG SANDATA AY SIPAG AT TIYAGA
Ang Sangay ng Lungsod ng Cotabato ay nananawagan sa lahat ng Cotabateño na sama-sama/hawak-kamay o magkaisa upang makamit ang nasang tagumpay na walang batang Cotabateño at Bangsamoro ang mapag-iwanan sa edukasyon. Kahit anong pagsubok ay palaging may paghahanda na ang sandata ay kasipagan at tiyaga ng lahat ng “stakeholders”.
REPEAT CHORUS
CODA:
PINUPUGAY KA AT PINUPURI
SANGAY NG LUNGSOD NG COTABATO
Ang linyang ito ay pagpupugay at pagpupuri sa Sangay ng Lungsod ng Cotabato sa kanyang mga achievement, accomplishment at karangalang naging kontribusyon sa mamamayang Cotabateño at sa buong bayan.