Рет қаралды 191,324
Sinabi ni Sen. Bato dela Rosa na siya ang huling pasahero na sakay ng helicopter na piniloto ng lady pilot na si Julia Flori Monzon Po bago ito bumagsak sa Guimba, Nueva Ecija noong Sabado, Feb 1.
Ayon sa senador, wala aniya siyang naramdaman na unusual, mabuti ang lagay ng panahon, at maayos pa ang kanilang naging flight nang ihatid siya sa Baguio City.
'Magaling na pilot 'yun, very skilled, very competent," pag-alala ni Dela Rosa sa yumaong piloto.
"Ang hirap tanggapin. Heartbroken ako ngayon na nakita ko 'yung bata na very bright pa 'yung future. Nakakasama talaga ng loob," dagdag niya.
Personal na binisita ng senador kasama sina Sen. Bong Go at dating pangulong Rodrigo Duterte ang burol ni Po nitong Linggo, Feb. 2. #News5 l via Maeanne Los Baños-Oroceo
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
/ news5everywhere
/ news5ph
/ news5everywhere
/ news5everywhere
🌐 www.news5.com.ph