Рет қаралды 12,210
Sasagipin ng kapamilya mula sa kahihiyan? O sasagipin ang sarili sa malupit na kamay ng kapamilya? Mukhang ngayon ay tuluyan nang nagising ang kanilang kalaban upang baguhin ang kwento ng kanilang serye. Mukhang ngayon ay higit na magiging dikit ang laban dahil ang isa ay do-or-die. Pero maaari rin namang hindi. Maaaring papasarapin lang ang laban tapos gagamitin din sila ng pamosong never say die ng mga taga-Barangay. #Ginebra #PUSOSports
Hindi ito tulad ng kanilang dalawang naunang paghaharap ngayong semifinals. Nagmistulang tuyot ang sisidlan ng kanilang mga alak at opensa kaya naman ang kanilang mga puntos ay pahirapan ang naging pagkuha. Walang nakaabot ng 100 points. Bukod pa rito, si Justin Brownlee nga lamang ang nakapagtala ng puntos na higit sa dalawampu mula sa magkabilang koponan.
Tahimik pero kapag bumitaw ng mabibigat na tira ay ang crowd ay napahihiyaw. Nandoon talaga ang tiwala ni Coach Tim Cone sa manlalarong ito sa mga pang-diinang sandali ng laro. Ang kanyang labingtatlong puntos, dumating sa mga pagkakataong kailangang-kailangan talaga ng kanilang team. Anong masasabi ninyo sa laruan nitong si Jeremiah Gray? Magiging mahalagang piyesa ba sya ng Ginebra in the years to come?
Kung si Maya bahagi pa lang ng future, itong si Iskati Thompson, bahagi na talaga ng ngayong ng Ginebra. Tila normal na sa kanya ang makapagtala ng double-double na kung saan higit sampu ang kanyang naiaambag na rebounds. Niyakap na rin niya marahil na sa koponang tila pinakapaborito ng mga manonood ng liga, malaki ang kanyang magiging papel upang magtuloy-tuloy ang mahusay na kampanya ng Barangay Ginebra.
Ito na marahil ang pinakadikit na laban ng seryeng ito. Iyong akala mong makaiisa na ang SMB at maibabaliktad pa ang takbo ng kanilang kampanya ay abot-tanaw na sana nila. Subalit tila ang tadhana para sa kanila ay nanatiling mapait. Dahil sa kanilang kalaban muling ngumiti ang langit. Dahil sa umayon pa rin sa pangiti-ngiti lamang na si Coach Tim Cone ang mga crucial moments ng laro - dahil nanaig pa rin ang NSD spirit ng GSM.
__________________________________________________________________________________
Patuloy nating suportahan ang #PBAonOneSports: / @onesportsphl
Manood ng live!
Patuloy nating suportahan ang Pinoy basketball. Patuloy nating suportahan ang Pinoy sports. PUSO!
This video is edited under fair use. No copyright infringement is intended. Credits to the owner of the images, video clips, etc.
www.pba.ph/recap
www.pba.ph/gal...
Salamat sa pagtangkilik at salamat sa suporta sa sports!