Рет қаралды 43,136
Mayroon din kaming mga krus at mga tiisin sa buhay. Kung minsan ang mga ito'y parang hindi na namin kayang pasanin. Pinakamamahal na Ina, bahaginan mo kami ng iyong malaking pagtitiwala sa Diyos. Ipaunawa mo na walang katapusan ang pagmamahal ng Diyos sa amin at tinutugon Niya ang lahat ng aming mga panalangin sa paraang makabubuti sa amin. Palakasin mo ang aming loob sa pagpapasan ng krus tulad ng iyong Banal na Anak. Tulungan mong maunawaan namin na sinumang nakikibahagi sa krus ni Kristo ay tiyak na makakabahagi rin sa Kanyang muling pagkabuhay.
Mahal na Ina ng Laging Saklolo, ipanalangin mo kami!
#SanFelipeNeriParish
#ArchdioceseOfManila