Рет қаралды 110
𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗡𝗚 𝗔𝗜𝗖𝗦
Matagumpay na naipamahagi ang tulong pinansyal sa ilalim ng AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situation ng Department of Social Welfare, katuwang ang tanggapan ni Cong. DAD noong Nobyembre 4.
Umabot sa 816 ang kwalipikadong benepisyaryo mula sa iba't ibang lugar sa Unang Distrito ng Bulacan ang nabigyan ng tig-P3,000 sa AICS pay-out na ito na ginanap sa Malolos Sports and Convention Center.
Lubos ang pasasalamat ng ilan sa mga naging benepisyaryo ng programang ito na walang ibang hangad kundi matulungan ang mga mahihirap nating kababayan na nakararanas ng krisis at nangangailangan ng tulong upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.
#NaibaNa #CongDAD #DADngUnangDistrito